20

41 0 0
                                    



Apat na araw na ang lumipas matapos ang kaganapang iyon sa likod ng bakuran nila pero pagkatapos non ay hindi na nagparamdam ang binata sa kanya siyang pinagtataka niya, kahit pa ang messages niya ay hindi nito binubuksan,

 nagtanong siya sa opisina pero sinabi lang ng mga ito na naka indefinite leave daw ang lalaki na siyang lalong nagpakunot ng noo niya

Asan ito??

Nasa ganon siyang pag iisip ng marinig niya ang isang malakas na tikhim

Agad siyang tumingin sa paligid saka niya naalala na nasa hapag kainan pala siya kasama ang buong pamilya niya

Bahagya pang nakakunot ang noo ng tatay niya habang nakatingin sa kanya

Nakangiti naman na parang matatawa ang kanyang ina

Iiling iling naman ang pangalawa niyang kapatid si kuya jec

Kagaya naman ng kanyang ama ang itsura ng panganay niyang kapatid si kuya cleg

Ang pangit naman di ba kung tatawagin nilang kuya jer ang kuya nila

Muntik na siyang matawa sa joke niyang yun kung hindi niya lang nakikita kung gaano kaseryoso ang itsura ng mga ito na nakatingin sa kanya

Nakaramdam siya ng sumusundot sa gilid niya at nilingon niya ang kuya jaz niya

At sa kabila naman ay hawak pa ng kuya just niya ang bibig nito

Ito pala ang tumikhim kanina

Kinurot nanaman siya ng kuya jaz niya at bumulong

''day may sinasabi si papa umayos ka'' wika nito

Saka niya nakitang halos magslide na pala siya pababa sa itsura niya

Lumilipad na talaga ang utak niya papunta sa lalaking di niya alam kung nasaan

Umayos siya ng upo saka siya tumingin sa ama nila na mukhang mauubusan nanaman ng pasensiya sa kanya

''sorry po pa'' wika niya saka siya yumuko at nagsimula na siyang galawin ang pagkain niya na mukha ng mashed dahil sa hindi niya alam na pinaglalaruan na pala niya kanina pa

Kawawa naman ang mashed potato, mukha ng ano hahahaha

''kagaya ng sinasabi ko kanina nong lumulutang ang utak mo kung saan, may hearing para sa kaso mo sa Thursday gusto mo bang pumunta o ako ng bahala para masiguradong magsisisi ang may gawa sayo ng bagay na yun'' wika nito may galit pa rin sa tono nito

Alam niyang hindi para sa kanya ang galit na yun

''pa lantang gulay na nga ang kalahati ng katawan non itutuloy pa ba natin ang kaso?'' tanong niya

Oo gusto niyang magbayad ang taong yun sa pagtatangka sa kanya pero nang malaman niyang natagpuan itong halos durog ang buong spinal cord dahil sa pambubugbog at pagkakasagasa

Nawala lahat ng galit niya

Malakas ang pakiramdam niya na may kinalaman ang mga kapatid at ama niya sa nangyari sa binata pero nananatiling tikom ang mga bibig ng mga to

'''kulang pa sa kanya yun'' wika ng kuya cleg niya na tinusok pa with conviction ang manok na nasa plato nito

''kuya walang kinalaman yang manok sa galit mo maawa ka'' wika niya

Sinamaan siya nito ng tingin pero tumawa naman ang nanay niya at ang kuya jaz niya

''papatawarin mo na lang ba siya ng ganon bunso?'' wika ng kuya just niya

''kuya hindi ko naman sinabing papatawarin ko,kaso nakarma na,  halos mapatay niyo na di ba? So what for?'' wika niya

Hindi naman siya tanga para isipin na walang kinalaman ang mga ito

''jasmine'' wika ng ina niya

May babala na sa tono nito

''ma lawyers are both good and bad, alam ko ang kalakara, walang exception lalo pa dito sa mga anak mng to at kay papa and I know na ginawa lang nila yun para sakin, so I guess lets just stop there ok?'' saad niya

Mawawalan siya ng gana sa topic nilang ito balak pa man din niyang kainin ang mashed na mashed na mashed potato niya

'' baby girl kung kami nga sana ang gumawa non hindi na siya sisikatan ng araw'' wika ng kuya jec niya

Sabagay may point siya dun

''as much as I want that man dead jasmine hindi kami ang gumawa non, kaya ko nga itinuloy ang kaso kasi dehado kami, kami dapat ang gumawa non hindi ibang tao'' wika ng kuya niyang panganay na ikinailing niya

''ewan ko sa inyo mga kuya, kung kayo man o hindi ang gumawa non, lets just leave it,nakarma na hindi na nga tatayuan yun ei'' wika niya

At nanlaki nanaman ang mata ng lahat sa kanya

Na para bang nakakita nanaman ang mga ito ng alien

''what?'' wika niya

Huminga ng malalim ang tatay niya at hinarap ang nanay niya

''hon sigurado ka bang hindi mo napagpalit ng katauhan itong si jass at jaz?'' wika nito na ikinatawa ng kanyang ina

Pinalo naman ng kanyang kuya jaz ang bunganga niya

''inday!!! Naeeskandalo ako sayo!!'' wika nito na naghihisterya

Kinunutan niya ito ng noo

''para namang virgin ka pa'' wika niya

Na ikinailing ng lahat at halos kulang ang salitang shock sa mukha ng kuya jazper niya

''ma! Si jasmine oh!'' wika nito saka ito tumayo at umakyat sa kwarto nito na ikinataka niya

Tawang tawa naman ang kanyang ina

''bunso kanino ka ba nagmana?'' wika ng kuya niyang si justin habang umiiling iling

''kay mama'' wika niya na ikinalaki naman ng mata ng kanyang ina

''wag kang nambibintang hasmina'' wika nito tawang tawa

Sumingit naman ang kanyang ama

'''ah kaya pala, expert din sa dirty talking nanay niyo ei'' wika nito

Agad silang sabay sabay na tumayong magkakapatid

At sabay sabay nagsabi ng

''MA!!PA!!!!!EWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW!!!''

Tumawa lang ang dalawa habang iniiwan nila


a/n: lame ba?? hmmmmmm bawi na lang ako haha

dedicated to a new follower thank you so much for supporting:)

from my puso hanggang sa kadulo duluhan ng balun balunan ko maraming salamat sa pagbabasa:)


well stay wet people and see you onto the next chapter

My Writer My LoverWhere stories live. Discover now