Kabanata 2:

693 23 4
                                    

Kabanata 2:

"Hala si Vivianne, ano kayang nasinghot niyan at biglang tumahimik?" takang tanong ni Jesse, isa sa mga ka-opisina ko.

Lutang na lutang talaga ako mula pa kaninang pagkarating ko sa trabaho. Ewan ko, pero kasi iniisip ko pa rin iyong nangyari kagabi at kaninang umaga. Hindi ako makapaniwala na mangyayari iyon sa akin. At saka. . . kung totoo bang may date kami mamayang gabi.

"Suminghot na ng isang dosenang katol 'yan para ma-high at makalimutan niyang isang linggo na lang, Valentine's day na."

Napalingon ako kay Lorena nang sabihin niya iyon. Bwiset, e. Ang lakas ng imagination, nakakaimbyerna!

"Excuse me, hinding-hindi ako sisinghot ng katol, Lorena. At saka chill lang kayo riyan, ha? Magkaka-jowa rin ako bago ang Valentine's day," pagmamalaki ko sa kanila.

Pareho silang napasinghap dahil sa sinabi ko. Mga hindi yata makapaniwalang mangyayari iyon.

"Luh? Mukhang nakasinghot nga talaga siya ng katol, o!" ani Jesse.

"Gosh, Vivianne! Itigil mo na 'yan," gatong pa ni Lorena.

Hinayaan ko na lang silang dalawa. Wala pa akong balak na magkwento sa kanila. Nakakahiya iyong nangyari sa akin. Baka mamaya'y pagtawanan pa nila ako dahil sa kahihiyang nagawa ko. Ito pa namang si Jesse at Lorena, parang mga hindi ko kaibigan. Imbes na suportahan nila ako, aasarin pa talaga ako. Ang gagaling! Porque halos anim na taon na kaming magkakasama sa trabaho, ganyan na sila sa akin.

Pumangalumbaba ako habang nakatitig sa screen ng computer. Hindi talaga siya maalis sa isip ko. . .

Totoo nga bang mamayang gabi ang first date namin?

Sus! Niloloko lang ako ng lalaking iyon. Kasi paano niya ako mako-contact at masasabihan kung saan ang date namin mamaya kung hindi naman niya alam ang number ko? Mabuti na lang at hindi niya naisipang tanungin iyon kanina, atleast nakalusot ako.

Pero sa totoo lang, nakapanghihinayang ang ganoong lalaki. Ang gwapo at ang yummy. 'Tsaka feeling ko talaga daks 'yon, e. Sayang naman. . . kaso iniisip ko rin, baka babaero 'yon. Mukha pa namang maraming habol na habol doon! Ang gwapo, e. Mukhang chicc magnet talaga ang datingan at halatang manloloko.

Napailing ako. Baka nga ginu-good time lang ako n'on. Imposible namang na-love at first sight iyon sa akin? Sa itsura kong 'to! Pero sabagay, ang ganda ko kaya! Morena nga lang.
Iwinaksi ko na lang sa isip ko iyong si kuyang malandi. Nakipagchikahan na lang ako sa mga officemates ko. Imbes na para akong gaga na nananahimik dahil sa kaiisip sa kaniya. Inasar asar na naman nga nila ako, e. Nawala na raw ba 'yong epekto ng katol na nasinghot ko. Mga siraulo talaga!

"Anne, may naghahanap sa'yo sa labas. Pinsan mo?" tanong ni Jesse na kagagaling lang sa labas dala ang binili niyang kape, mag-o-overtime kasi siya ngayon.

"Huh? Pinsan?" takang tanong ko. Kasi wala naman akong ka-close na pinsan at pupunta pa talaga rito sa opisina. Like no way! Iyong mga pinsan ko ay mga walang pakealam sa akin.

"Oo, ang gwapo nga, e. Pakilala mo naman ako!" Kinikilig-kilig pa na sabi niya bago naupo.

"Heh! May jowa ka na, e. At saka huwag mo nga akong ini-echos! Imposibleng may dumalaw ditong pinsan ko." Sagot ko at saka isinukbit ang bag sa balikat ko. "Sige na, una na ako. Enjoy kayo ng white lady na dumadalaw dito sa floor natin!"

"Shit! Vivianne Medina! Gosh! Ano ba?!"

Humalakhak ako dahil sa lakas ng tili niya. Dali dali naman akong pumasok ng elevator. Tatlo lang silang overtime ngayon sa opisina at magkakalayo pa ang mga cubicles nila. Sigurado akong matatakot 'yon!

Isang Linggong KalandianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon