Kabanata 10:

388 16 5
                                    

Kabanata 10:

“Anne, ayos ka lang ba?” Tanong ni Jesse nang pumasok ako sa opisina.

Magang maga ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak. Buong weekend, hindi talaga tumigil ang mga luha ko sa pagbuhos. Mukha akong dinaanan ng matinding sakuna kaya ganito ang itsura ko.

“P-pwede bang. . . makausap ko kayo mamaya pag-uwi?” Malungkot na tanong ko sa kanilang dalawa ni Lorena.

Nagkatinginan sila. Pareho sigurong nagtataka kung anong meron sa akin. Hindi naman kasi ako ganito. Kahit noong naghiwalay kami ni Ralph, hindi nila ako nakitaan ng pagiging mahina. Mas pinipili ko kasing sarilinin ang problema at ang sakit na nararamdaman ko. Pero ngayon, parang hindi ko yata kayang gano’n na lang. Hindi ko kayang tiisin ang sakit kung ako lang mag-isa. Pakiramdam ko, mapapraning ako. Feeling ko, mababaliw ako kapag gano’n.

“Sandaling panahon ko lang siya nakasama, pero ang laki ng impact na ibinigay niya sa buhay ko.” Kumikirot ang puso ko habang sinasabi iyon kina Jesse at Lorena.

Kitang kita ko ang matinding awa nila. Hindi man ako umiyak dahil wala nang tumutulong luha sa mga mata ko, alam kong ramdam nila ‘yong sakit na nararamdaman ko.

“Bakit naman kasi gano’n, Vivianne? Bakit hindi mo manlang inalam maski cellphone number niya?” Nakasimangot na tanong ni Lorena sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-concern sa akin. Kasi siguro ganoon talaga, ngayon lang din kasi ako nag-open nang ganito sa kanila. Mas masarap pala kapag magsasabi ka rin sa mga kaibigan mo, kahit na papaano’y nababawasan ang sakit.

“Hindi ko alam, masyado yata akong naging kumportable na hindi ma-de-develop nang husto ‘yong feelings ko sa kaniya. Pero pakshet, ang tanga ko rin, e. Sana pala kinuha ko na rin dahil wala namang kasiguraduhan. Alam ko, sobrang tanga ako. . .” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sakit. Pero kahit naman kagatin ko ‘tong labi ko, kahit na masugatan at dumugo pa, alam kong hindi pa rin ‘non mapipigilan ang sakit sa puso ko.

“Umiyak ka, hindi ka naman namin pagtatawanan kung iiyak ka, Anne.” Pagpapaalala ni Jesse sa akin.

Umiling ako. “Ewan ko, pero wala na yatang tutulong luha sa mga mata ko. Tuyong tuyo na, e.” Peke pa akong natawa.

Natatawa pa talaga ako sa katangahang nagawa ko.

“I-try mong i-search siya sa facebook? Sa twitter o sa instagram?” Suhestiyon ni Lorena.

Umiling ako. “S-sinubukan ko na, pero mukhang hindi yata niya real name iyong ibinigay niya sa akin dahil hindi ko ma-search.”

Pareho silang napabuntong hininga. Alam kong pati sila ay na-fu-frustrate na rin sa naunsyameng love story ko.

“Pero alam mo, sa tingin ko may problema si Luis, e. Sa huling line kasi ng sinulat niya para sa ’yo.” Ani Jesse at saka itinuro sa amin ni Lorena iyong nakasulat sa huling pahina ng sketchpad.

“Vivianne, thank you for the memories. Sana magkaro’n pa tayo ng pagkakataon. Sana sa susunod, hindi na limitado ang oras nating dalawa.” Binasa pa iyon ni Lorena. “Hala oo nga!” komento pa niya.

“Pero kung may problema naman siya, bakit hindi na lang niya sinabi sa akin? Girlfriend niya ako ‘di ba?” Malungkot na sagot ko.

Hinagod ni Jesse ang balikat ko. “Hayaan mo na, baka talagang hindi lang kayo para sa isa’t isa at kung kayo nga talaga ang itinakda, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para kayo’y muling magkita.”

Biglang hinampas ni Lorena si Jesse. “Gaga ka! Ang drama mo, diretsuhin mo na lang para hindi na umasa!”

“Anong didiretsuhin ko? Na walang forevah? Wala naman talagang forever, e! Tingnan mo nga ang nangyari sa amin ng ex-boyfriend ko!” Biglang pag-bi-bitter ni Jesse.

Isang Linggong KalandianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon