Synopsis:
Tatlong taon nang tigang si Vivianne Medina dahil sa takot na maulit muli ang nangyari sa past relationship niya. Mas pinili tuloy niyang maging pihikan at mas taasan ang standards pagdating sa lalaki. Kaya tuloy ngayong gusto na niyang pumasok muli sa isang relasyon, ‘tsaka naman siya pinagkakaitan ni Bathala. Wala nang gustong manligaw sa kaniya dahil sa attitude na ipinakita niya noon sa mga past suitors niya.
Sa nalalapit na Valentine's day, target niya sanang magkaro’n na ng boyfriend. Ayaw niyang matulad sa lumipas na gabi ng Pasko at Bagong taon ang Valentine's day niya. Kaya nagwalwal siya at humiling kay Lord na sana ay magkaro’n ng boyfriend kahit isang Linggo lang bago ang araw ng mga puso.
Ibinigay naman sa kaniya ni Lord ang kahilingan niya. Ang problema nga lang, mahuhulog siya ng tuluyan sa isang linggong pag-ibig na hiniling niya.
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Kalandian
Roman d'amour"Ang pag-ibig ay parang isang panty. Kapag bago, inaalagaan ng paglalaba, madalas ginagamit lalo na at masikip pa. Ngunit kapag naluma na, halos hindi na pinapansin, ayaw nang gamitin dahil maluwag na. Ang masaklap pa e, itinatapon na lang basta sa...