Kabanata 6:
Balak ko sanang magmukmok sa bahay dahil hindi tumupad si Luis sa usapan. Pero naisip ko na mag-grocery na lang dahil wala na akong stock na pagkain sa ref.
Oo, hindi naman kami nag-usap na magkikita talaga kami pero kasi pinaasa niya ako, e. Pinaasa niya akong magkikita kami ngayon! Sana naman hindi na niya sinabing "See you tomorrow" tapos hindi naman pala matutuloy! Nakakainis, e!
Nakabusangot ako habang tulak tulak ang cart na malapit ko nang mapuno. Ang dami ko palang kailangan na hindi ko pa nabibili. Hindi ko na napansin nitong mga nakaraang araw dahil occupied ako ni Luis.
"Papa, tsokoleyt po!"
Nabaling ang atensyon ko sa katabi kong mag-ama. Nakatalikod sa akin iyong tatay 'nong batang babae na sa tingin ko ay nasa dalawang taong gulang. Ang cute cute ng baby girl, light brown ang kulay ng mga mata niya na bumagay sa makakapal nitong pilikmata. Kapareho ng kay. . . Umiling ako, hindi na dapat iniisip pa ang nakaraan. Nakaraan na iyon, lumipas na, kaya 'wag nang isipin pa.
Nagpasya akong hindi na sila pansinin kaso 'nong narinig ko ang boses 'nong lalaki. . .
"Kapag binili natin ito, once a day ka lang kakain niyan, huh?"
Tumango iyong bata. "Opo, papa!"
Hindi ako nakagalaw. Halos tatlong taon ko rin siyang hindi nakita mula noong naghiwalay kaming dalawa. Hindi ko akalain na makikita ko pa siya. Hinintay kong lumingon siya sa akin, at nang tuluyang magtama ang paningin namin, nagulat din siyang makita ako.
"V-vivianne?" Gulat na banggit niya sa pangalan ko.
Bahagyang umawang ang labi ko bago tuluyang nakapagsalita. "R-ralph, l-long time no see."
Tumango siya at saka ngumiti sa akin. Kung makangiti, halatang limot na niya ang nakaraan. "Ito nga pala si Raimie, a-anak ko. . ."
Hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako. Tinawag naman na siyang papa 'nong bata pero bakit nagulat pa ako? Shunga lang?
"K-kinasal na pala k-kayo ni Mari? Ang cute ng anak n'yo, a." Lumungkot bigla ang mukha niya sa sinabi ko.
"Sir, ito na po 'yong pinapakuha n'yong karne." May lumapit na babaeng siguro'y nasa kwarenta na ang edad sa kaniya at saka inilagay iyong hawak niyang karne sa cart.
"Manang, pakibayaran na po ang mga iyan sa cashier at pakisama si Raimie. May kakausapin lang po ako." Aniya sa kasambahay niya yata.
Nag-aalangang tumango ito at bahagya pang sumulyap sa akin. "Ah, sige po sir."
Nang makaalis iyong kasambahay at ang anak niya, ibinaling niyang muli ang tingin sa akin.
"Hindi kami nagpakasal ni Mari," sagot niya, ang tinutukoy ay iyong itinanong ko kanina.
Bigla akong naguluhan. O baka naman nagkaro'n pa siya ng ibang karelasyon?
"A, sorry. Akala ko kasi siya iyong nakatuluyan mo."
Pareho kaming natahimik. Para kaming mga timang na magkatitigan lang ng ilang segundo. Pinapakiramdaman ko kung ano pang magiging reaksyon niya. Hinahanap ko iyong pagsisisi sa kaniyang mga mata pero hindi ko siya mabasa. . . wala akong makita. Siguro, hindi lang talaga ako kawalan. . .
"Pwede ba tayong mag-usap?" Nagulat ako sa tanong niya.
Hindi ako sumagot pero iyon na ang naging senyales ko para sabihing sang-ayon ako. Hindi ko inaasahan iyon, kasi akala ko tapos na. Akala ko, magpapaalam na siya sa akin.
Binayaran ko ang mga pinamili ko at matiyaga naman niya akong hinintay. Katulad ng nakagawian niya noon, siya ang nagbitbit ng mga pinamili ko kahit na nagpilit ako na huwag na. Hindi naman na ako nagpabebe dahil hindi naman uso sa akin iyon. At saka, mabigat naman kasi talaga, ang dami kaya!
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Kalandian
Romance"Ang pag-ibig ay parang isang panty. Kapag bago, inaalagaan ng paglalaba, madalas ginagamit lalo na at masikip pa. Ngunit kapag naluma na, halos hindi na pinapansin, ayaw nang gamitin dahil maluwag na. Ang masaklap pa e, itinatapon na lang basta sa...