Kabanata 7:
Kung ibang lalaki ang katabi ko, malamang ay may nangyari na sa amin. Pero hindi iyon nangyari dahil iba talaga si Luis sa mga lalaking nakilala ko. Buong gabi niya akong yakap sa mga bisig niya. Natulog kami nang mapayapa habang magkayakap. Ang sarap tuloy ng tulog ko, masarap palang matulog na may kayakap ka. Ang init sa pakiramdam at isa pa. . .
Nakakakilig!
Nagising ako kanina na nakayakap pa rin siya sa akin. Kanina pa ako gising pero dahil nakadagan siya at tila ayaw akong pakawalan, hindi tuloy ako kaagad nakabangon.
“Luis, may pasok ako sa trabaho ngayon.” Paalala ko sa kaniya para bitiwan na niya ako.
“Hindi ba pwedeng um-absent ka muna? Kahit isang buong araw lang makasama sana kita,” aniya.
Ewan ko ba pero sa simpleng mga salitang iyon, kinilig na kaagad ako. Hindi naman ako ganito dati, e! Kakaiba talaga ang feeling na pinaparamdam sa akin ni Luis. Nakakaloka! Nakakabaliw! At kung hindi niya pa talaga ‘to titigilan, malamang sa malamang, e, mahuhulog na talaga ako nang tuluyan sa kaniya.
“Luis, 'wag kang makulit. Kailangan kong pumasok.”
Niluwagan niya ang pagkakayakap niya sa akin at saka pikit matang hinalikan ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya, at the same time ay kinilig.“Sige na nga, basta mamayang gabi may pupuntahan tayo.”
“Saan na naman?” Nahihiyang tanong ko. Pinilit ko pang huwag lagyan ng hininga ang pagkakasabi ko ‘non, kasi naman, baka bad breath pa ako. Siya lang yata ang lalaking hindi bad breath pagkagising sa umaga, nakakaasar!
“Samahan mo akong magpatattoo,” sagot niya.
“Magpapatattoo ka? Ano namang ipapatattoo mo?” Kuryosong tanong ko.
“Basta samahan mo na lang ako, huh? Halika na, kain na tayo.”
Nauna pa talaga siyang bumangon kaysa sa akin. Nag-init kaagad ang pisngi ko nang makitang bakat na bakat sa suot niyang boxer shorts ang hinaharap niya. Ano ba ‘yon? Morning. . . morning glory? Gosh! Muta iyon, e. Ang laking muta naman nito.“M-magbihis ka kaya muna!” Saway ko sa kaniya.
Humarap pa talaga siya sa akin nang husto, mas lalo ko tuloy nakita! Nakakainis! Ang. . . ang laki kasi! Talaga naman, Vivianne! Alisin mo naman ang pagkahalay ng utak mo! Oo tigang ka, pero hindi pwedeng ikaw ang unang mag-insist!
“Bakit? Nakatulog na nga tayo nang ganito ang suot ko tapos ngayon mo pa ako pagbibihisin?” taas kilay na tanong niya.
“E, nakakadistract iyang nasa harapan mo, e!” Sagot ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Walanghiya, hindi ba niya napapansin?
Natawa siya at kaagad na kinuha iyong pantalon niya na nakasabit sa upuan sa harap ng side table ko.
“Nadi-distract o naaakit ka? Magkaiba yata ‘yon,” mapang-asar na sabi niya.
“Pareho lang iyon!” Protesta ko ‘tsaka kaagad na bumangon para tumakbo na palabas ng kwarto.
Dumiretso kaagad ako sa kusina para magluto. Ang init init ng pakiramdam ko. Nakakahiya, gosh! Feeling ko pulang pula na rin ako dahil sa init. Bakit ba kasi nakagano’n ‘yon ngayong umagang umaga?Pilit kong inalis sa isipan ko iyong ano niya at nag-umpisa nang magluto. Nagluto ako ng scrambled egg at sinangag pagkatapos ay nagtimpla na rin ng kape. Infairness, medyo nakalimutan ko nga.
Ngunit nagtaka ako dahil ang tagal niya sa kwarto kaya pinuntahan ko na matapos kong maghanda ng almusal.
“Luis! Bakit ang tagal mo naman yata d’yan?” Nagtatakang pumasok ako sa kwarto pero wala siya roon kaya dumiretso ako sa banyo at kumatok sa pinto. “Nand’yan ka?”
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Kalandian
Romance"Ang pag-ibig ay parang isang panty. Kapag bago, inaalagaan ng paglalaba, madalas ginagamit lalo na at masikip pa. Ngunit kapag naluma na, halos hindi na pinapansin, ayaw nang gamitin dahil maluwag na. Ang masaklap pa e, itinatapon na lang basta sa...