Kabanata 3:

523 15 1
                                    

Kabanata 3:

Maaga akong nagising para mag-jogging. Sa dami ng kinain ko kagabi, feeling ko ang laki na naman ng bilbil ko. Gusto ko pa namang sumexy nang bongga para naman may magtangkang manligaw ulit. Hindi naman ako umaasa pa kay Luis. Alam ko namang ini-echos lang ako ‘non, e.

Alas sais ng umaga, nagpasya akong bumalik sa bahay para maghanda sa trabaho. Kumain lang ako ng tinapay at uminom ng gatas para hindi masayang ang pag-ja-jogging ko.

Pagkarating ko sa opisina, wala pang tao. Ngunit saktong pagkaupo ko sa upuan, dumating si Jesse. Napailing na lang ako, kadalasan kasing nauuna siya kaysa sa akin.

“Ilang oras kang nag-overtime kagabi?” Takang tanong ko sa kaniya.

Halos mapatalon ako sa gulat nang lumingon siya sa akin. Daig pa niya si Sadako sa horror movie dahil sa nakakatakot niyang aura! 'Yung feeling na parang may kulay itim na usok na bumabalot sa kaniya! Ganern!

“Kasalanan mo ‘to!” Akusa niya sa akin.

Napaturo ako bigla sa sarili ko.

“Kasalanan ko?”

“Kasalanan mo dahil tinakot mo ako!” Dagdag pa niya.

Napataas ang kilay ko. “Tinakot kita?”

Bumuntong hininga siya at parang mas lalong na-frustrate dahil napasabunot pa siya sa buhok niya bago tuluyang naupo sa kaniyang swivel chair. Ano kayang nangyari ‘don? At ako pa talaga ang sinisisi?

Dumating si Lorena na may dalang tatlong cup ng kape at inilapag ang isa sa lamesa ko. “Pala-asar ka kasi. Alam mo namang matatakutin iyang si Jesse tapos tinakot mo pa kagabi bago ka umalis. Tingnan mo ngayon, hindi nakatulog sa kaiisip tungkol sa white lady.”

Nagulat ako dahil sa sinabi ni Lorena. “Seriously? Binibiro ko lang siya, a!” katwiran ko.

“O, alam mo na? Hanggang makauwi iyan sa bahay, iniisip niya na kasama pa rin niya iyong white lady! Sa susunod 'wag mo na ulit tatakutin.” Tinaasan ako ng kilay ni Lorena bago tuluyang naupo sa sarili niyang cubicle.
Napairap na lang ako sabay iling. May mga tao pala talagang sobra kung matakot. Alam kong matatakot siya, pero hindi ko naman inakala na ganito, na hindi siya makakatulog sa takot. Ano kayang pinag-iisip niya kagabi? Na baka nasa tabi niya iyong white lady dito sa may floor namin? Paano naman makakarating sa bahay nila ‘yon? Hala? Nakakaloka si Jesse!

“Nga pala, Anne. Nakita kita kagabi sa may street namin, a? May kasama kang lalaki. Sino ‘yon?” Tanong ni Lorena.

Kaagad akong napalingon sa kaniya. Street ba nila iyon? Hindi ko na napansin kagabi! Hala!

“A-a-a! A-ano kasi, wala ‘yon! A-ha-ha! P-pinsan ko ‘yon!” Pilit na ngumiti ako at saka nag-iwas na ng tingin sa kaniya. Alam kong gigisahin na naman ako nito, e.

“Talaga? Ang gwapo kasi, e. Wala pa akong nakita na pinsan mo na gwapo. Puro majujuba.”

“A-anong tingin mo sa lahi namin? Lahi ng mga pangit at matataba?” Sarkastikong tanong ko.

“Hindi naman, I am just a little bit shocked.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Wow, english! Award!”

Tinawanan na lang ako ni Lorena. Sa wakas ay naniwala siya sa akin na pinsan ko lang talaga si Luis. Hay naman, kapag kasi nalaman nila kaagad, gigisahin nila ako nang bongga and worst, baka malaman nilang nagngangawa ako sa harapan ng kotse ni Luis kaya kami nagkakilala. Nakakaloka, ayokong mangyari ‘yon, ano!

“Gosh! Ewan ko kung nakailang orgasm ako kagabi sa sarap ng nangyari sa amin!” tila nagde-day-dream na kwento ni Lorena.

Lunch break namin at puro kamanyakan pa talaga ang pinagkukwentohan ng mga ito.
“Ay grabe! Nakakainggit naman 'yan,” sagot ni Jesse.

Isang Linggong KalandianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon