Kabanata 4:

448 14 0
                                    

Kabanata 4:

“Inday, hindi na talaga ako nagbibiro ba, mukha ka na talagang nakasinghot ng katol, ‘day.” Bungad sa akin ni Lorena with Visayan accent pa talaga.

“Hindi ako nakasinghot ng katol, may hang over lang ako.” Sagot ko at kaagad na naupo sa swivel chair ko.

“Ayan, walwal pa more! 'Yan ang gawin mo hanggang sa malusaw na ang matres mo kaiinom, tingnan ko lang kung mabuntis ka pa!” Panenermon niya pa.

“‘Nay is that you? Part 2?” Pambabara ko sa kaniya.

Sininghalan niya lang ako at saka itinigil na ang pang-aasar sa akin, sa wakas! Kanina sa bahay nasermonan na nga ako nang todo todo, bonggang bongga, pati ba naman dito sa opisina? Feeling ko bumabalik ako sa pagka-grade 1 nito, e. Wala naman akong dapat na ipaliwanag gayong matanda na ako para gawin ang mga gusto ko. Nasa legal age na kaya ako! Lagpas na nga, e! Dapat sa age na ‘to, pinaplano ko na ang magiging kasal ko. Pero ito ako at kahit boyfriend, e, wala! Hay nakakaimbyerna! Naisip ko tuloy kung ano nga bang namamagitan sa amin ni Luis? Siguro fling fling lang? O baka siguro dapat tanungin ko siya mamaya?

“Aray naku! Ang sakit ng ginawa mo! Aray. . .” Pakanta kantang pumasok si Jesse sa opisina namin habang mugto ang mga mata. Halatang umiyak siya nang matagal.

“Hoy! Anong nangyari sa ’yo?” Tanong ni Lorena, number 1 chismosa talaga.

Kaagad na sumalampak si Jesse sa upuan niya at inilagay iyong shoulder bag niya sa lamesa. “Niloko ako ng boyfriend ko!” Maiyak iyak na sagot niya. “Alam mo ‘yon? Ibinigay ko na ang lahat, effort kung effort na ako! Niluhuran ko na, sinu--”

“Hep! Hep! 'Wag mo nang ikwento ‘yan, kadiri na.” Iiling iling na awat ko sa kaniya.

Tumigil din naman siya pero kaagad ring ngumawa. Nakakapukaw na tuloy siya nang pansin sa ibang mga ka-opisina namin. Mamaya niyan, dudumugin na siya ng mga chismosas. Yes, with s!

“Ang sakit talaga. Isang taon niya na pala akong niloloko! Sobrang sweet niya sa akin at ang lambing lambing. Kulang na lang talaga langgamin na kami sa ka-sweet-an. Kaya hindi ko inakala na lima pala kaming pinagsasabay-sabay niya!” Pagpapatuloy niya habang humahagulgol.

Nanlaki ang mga mata ko. “Lima?!” Gulantang at sabay na tanong namin ni Lorena.

Napatango na lamang si Jesse sabay pa-singhot singhot na hinila ang upuan niya palapit sa amin.

“Oo, nakita ko sa cellphone niya! Huling huli ko, lima kaming baby!” Dagdag pa niya. Nahulas na nga ang make-up niya sa katutulo ng mga luha sa pisngi.

“Okay lang ‘yan, girl. Hindi pa tapos ang buhay, there’s a rainbow always after the rain.” Pagpapakalma ni Lorena sa kaniya pero walang nangyari, patuloy pa rin siya sa pag-ngawa.

“Hindi, e. Feeling ko katapusan na ng buhay ko! Apat na araw na lang at Valentine’s day na. Mukhang kami ni Vivianne ang magkaka-date nito sa araw ng mga puso.”

Tumaas ang kilay ko. “E, kung sabunutan kaya kita r’yan? Dinadamay mo pa ako, ayoko ngang malungkot sa araw na ‘yon. Mag-isa kang ngumawa habang inaalala ang mga happy moments n’yo ng ex-jowa mo!”

”Paano na lang ‘to? Magkasama tayong tatanda, Anne? Pareho nang mabubulok ang mga matres natin!” Dagdag pa niya.

Kaagad ko na siyang binatukan. ”Ang lakas ng tama mo, e, ‘no? Anong parehong mabubulok ang matres natin? Baka sa ’yo lang uy!”

Natigil ang luha ni Jesse sa sinabi ko. Maski ako ay natigilan din. Mukhang lalabas na si chismosa number 2. Pero ‘di ba dapat nagluluksa muna siya?

Isang Linggong KalandianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon