Kabanata 5:

428 15 0
                                    

Kabanata 5:

“Anong klaseng gupit ‘yan?” Tanong ko kay Luis habang naglalakad kami papunta sa convenient store. Naisipan naming kumain muna dahil pareho kaming hindi nag-dinner. Ang tagal kasi ng proseso ng pagkukulay sa buhok ko, e.

“Faded ‘to. Bakit? Ang gwapo ko ba?” Nakangising tanong niya pabalik. Kaagad ko naman siyang inirapan, hindi talaga mawawala ang kayabangan ng lalaking ‘to, e.

“Oo na gwapo ka na. Pero sana naman huwag mo nang i-claim. Makikita ko naman kung gwapo ka, e. Hindi iyong ipangangalandakan mo pa talaga.” Saad ko.

Natawa siya. “Mas maganda kasi kung magiging confident. Mas lalong mag-bu-boost ang kagwapuhan ko.

“Ewan ko sa ’yo, ikaw na ang gwapo!” Totoo naman kaya bakit tututol pa ako?

Nang makarating kami sa convenient store, bumili kaagad kami ng cup noodles at tag isang karton ng fresh milk at tubig. Pareho kaming gutom kaya hindi na kami nag-usap habang kumakain.

Sa totoo lang, sa kaniya ko lang naranasan ‘yong ganito. Iyong nasa labas pa ng ganitong oras. Kasi sa ex boyfriend kong si Ralph, hindi ko iyon naranasan. Palagi kaming nasa bahay niya, nakakulong at nagla-loving loving. ‘Tsaka ko nga lang na-realize na baka sex lang talaga ang hinabol sa akin ni Ralph, e. Sa tagal naming mag-jowa ‘nong panahong iyon, bilang ko lang sa daliri ko iyong mga dates namin. Napakabihira. Ang shunga ko talaga kahit kailan, sa totoo lang. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kaniya.

“Parang ang lalim yata ng iniisip mo?” Biglang tanong ni Luis.

Napalingon ako sa kaniya habang subo pa ang tinidor. “Hmm?”

“Ang sabi ko, ang lalim yata ng iniisip mo.” Pag-uulit niya.

”A, wala ‘to inaantok na kasi ako, e.” Palusot ko, nakakahiya namang banggitin ang tungkol sa ex sa harap ng present.

Present boyfriend.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, e. Parang gusto kong sabihin niya sa akin na nagbibiro lang siya. Mas katanggap tanggap yata iyon. Pero kung si Luis? Hindi talaga pwedeng nagbibiro siya. Oo at mayabang si Luis pero palagi siyang seryoso sa mga sinasabi niya. Ilang beses ko nang napatunayan iyon.

Bago kami lumabas ng convenient store, bumili na muna kami ng tig isang siopao. Bitin kasi iyong noodles lang. Pagkasakay ng kotse niya, binuklat ko kaagad iyong plastic ng siopao at inumpisahang kagatan. Para pagdating sa bahay, nakababa na iyong kinain ko at matutulog na lang ako.

“Paano naman kaya ako?” Nakangusong tanong ni Luis.
Nilingon ko siya habang nagmamaneho. Hindi nga niya makain iyong siopao dahil nagmamaneho siya. Kaya naisipan kong kunin iyong sa kaniya at sinubuan ko siya para makakain.

Wala lang naman iyon sa akin, e. Promise, wala lang sa akin na sinubuan ko siya pero matapos niyang ngumuya, malunok at dilaan ang labi niya. Ay naku! Talo talo na!

“Ang sarap girlfriend, pakagat pa ng isa.” Malambing na pakiusap niya.

Napailing na lang ako at saka inilapit muli sa labi niya iyong siopao. Syete naman, o! Ang gwapo, ang kissable ng labi! Parang naka-lip balm! Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o talagang inaakit niya ako, e!

“Nakakaloka, Luis, ha! Huwag ka ngang pangiti ngiti r’yan at nagmumukha kang manyakis!” Saway ko sa kaniya.

Ngumunguya pa siya habang nakatingin sa daan pero halata sa mga mata at labi niya na mangingiti na naman siya. Nakakaasar naman, e! I-konsidera naman niyang may naaakit na babae sa kaniya!

“Ang sweet kasi natin. Ang sarap sa feeling.” Aniya.

Napaawang ang labi ko sa naging sagot niya. Feeling ko uminit ang pisngi ko dahil ‘don. Oo nga, ang sweet nga namin! Para talaga kaming mag-jowa!

Isang Linggong KalandianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon