Kabanata 8:

350 10 2
                                    

Kabanata 8:

“Ila-launch na ang My Valentine Robot bukas, sa mismong Valentine’s day. Tayo, pwede nang magpahinga pero iyong mga nasa printing, wala pang pahi-pahinga!” Malungkot na pahayag ni Lorena habang nag-aayos ng gamit niya. Paano ba naman kasi, naroon ang secret boyfriend niya. Bawal kasi talaga ang mag-jowa sa kumpanyang ito. Kahit pa publishing house lang, bawal talaga. Medyo bitter din kasi ang may-ari ng publishing house na ito, e.

“Hayaan mo na, kahit pagkatapos na lang ng Valentine’s day kayo mag-date. Palagi naman kayong nag-de-date, e.” Sagot ko.

“Sige at ipaalala n’yo pa ang araw ng mga puso na iyan!” Reklamo ni Jesse.

“Ay oo nga pala, mayroon palang araw ng mga patay ang ipagdiriwang sa Valentine's day ngayon.” Pang-aasar ni Lorena.

“Mag-bi-break din kayo! Walang forevah!” Bitter na sagot ni Jesse.
Pinandilatan lang ni Lorena ng mga mata si Jesse. Nakakatuwa kasi ang pagiging bitter ni Jesse, parang timang lang. Bukas na ang Valentine's day na araw kung saan kinatatakutan ko. . .

Para kasing nakakabitin. Ang iksi ng panahon. Kung pwede nga lang mag-extend ginawa ko na, e. O kaya, kung pwedeng pabagalin muna ang oras para naman mas makasama ko pa siya nang mas matagal. . . Para naman masaya ang life.

Dahil unti unti na akong nahuhulog. . .

Hindi ko na yata kaya pang pigilan. Sana lang, pagkatapos ng bukas, matupad iyong sinabi niyang dugtungan pa namin ‘to.

“Ikaw ba, Vivianne? Wala ka talagang ka-date? O meron ayaw mo lang sabihin?” Nanliliit ang mga matang tanong ni Lorena sa akin.

“Meron.” Simpleng sagot ko.
Kahit sa huling dalawang araw manlang, aamin na ako. Sana talaga hindi na huling araw iyong bukas. Sana mag-decide si Luis na ituloy pa namin ‘to kasi hindi ko talaga alam kung paano ako babangon kapag nangyari iyong kinatatakutan ko. Nagiging kumportable na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ‘pag bigla siyang nawala.

“O.M.F.G! Umamin din! Pakilala mo na sa amin iyan!” Kinikilig kilig na tili ni Lorena.

“Not interested, walang forevah!” Bitter na naman na ani Jesse sabay kagat sa sandwich na kinakain niya.

Siniko ni Lorena si Jesse. “Bitter ka talaga, ano?” Nakangiting humarap siyang muli sa akin. “Ano? Pakilala mo sa amin!”

Nagkibit balikat ako at saka ngumiti. “‘Tsaka na kapag ikakasal na kami. Bitter din ako, e. Baka mamaya maghiwalay rin pala kami.”

Tumaas ang kilay ni Lorena sa naging sagot ko. “Hala? Nahawaan ni Jesse?”

“Hayaan mo nga muna iyang si Vivianne, lovelife niya iyan, e. Wait na lang tayo kung kailan niya balak ipakilala sa atin.” Seryosong sabi ni Jesse.

“True! Buti pa si Jesse naiintindihan ako. Love you, Jesse!” Bulalas ko.

“Eew! Yak! Kadiri! Pwe!” Kunwaring nandidiring sagot niya.

“Ay grabe, walang love you too?” Kunwari ding malungkot na tanong ko.

“Manginig ka, Vivianne. That’s so kadiri!”

Tumawa ako at saka mahina siyang sinabunutan. Loka loka talaga itong si Jesse, e. Nakita na namin kung paano masawi si Jesse sa pag-ibig noong nag-uumpisa pa lang kaming maging magkaibigan, mas malala siya noon, mabuti na lang talaga hindi na niya masyadong dinadamdam ngayon. Siguro, nasasanay na, immune na sa sakit kaya naman kayang kaya nang tiisin.

Nagkwentuhan pa kami habang sinusulit ang breaktime. Tungkol sa kung anu-ano lang pati na rin ang mga chismis ni Lorena na hindi maubos ubos. Pagkatapos ng break, balik trabaho na kaagad kami. May inilagay nang libro sa ibabaw ng lamesa ko, iyong My Valentine Robot. Ako rin kasi ang nag-approve nito at sinabihan ko silang bigyan ako ng kopya kapag na-imprenta na.

Isang Linggong KalandianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon