Kabanata 11:

334 10 2
                                    

Kabanata 11:

Kung hindi mo talaga papansinin ang oras at panahon, mamamalayan mo na lang isang araw na lumipas na pala. Katulad na lang ng condom na ibinigay sa akin ni Luis, malapit nang ma-expire pero hindi pa rin nagagamit. Pero, kahit na ma-expire naman iyon, hindi ko naman itatapon dahil gagawin ko iyong remembrance. Tuluyan naman na akong naka-move on, e. Hindi na ako nalulungkot sa tuwing naaalala ko siya. Nakakapagod rin pala kasing alalahanin ang mga masasayang sandali na magkasama kaming dalawa, nakakasawa.

“Inom ng salabat, diet, squat, lakad lakad kahit na masakit na ang mga balakang at singit singit ko. Gorabells!” Pagpapagaan ko sa loob ko habang panay pa rin ang squat ko. Iyon kasi ang turo ni nanay para daw hindi na ako umabot sa mismong due date. 38 weeks na ang tiyan ko at sobrang excited na akong makita siya. At syempre, kung excited ako, mas excited si nanay.

“‘Pag labas niyan, unknown ang pangalan niya kasi hanggang ngayon hindi ka pa rin makapag-decide kung anong ipapangalan sa anak mo.” Nakabusangot na sabi ni nanay habang humihigop ng mainit na kape.

“Hay naku ‘nay, ‘tsaka ko siya papangalanan kapag lumabas na siya para alam ko kung bagay ba sa kaniya ang ipapangalan ko. Kasi baka mamaya hindi pala bagay sa kaniya, ‘di ba?” Pagdadahilan ko.

“Sige, sabi mo, e.” Nagkibit balikat siya.

Ipinagpatuloy ko ang pag-i-squat hanggang sa mapagod ako at nagpahinga. Pagkatapos magpahinga, kumain kaagad ako dahil sa gutom.

Matapos kumain, tinawag naman kaagad ako ng kalikasan. Napapailing na lang akong dumiretso sa banyo. Hindi pa bumababa nang tuluyan ang kinain ko pero bakit kaya gusto na kaagad lumabas sa pwet ko?

“Vivianne! Ano ba’t ang tagal tagal mo r’yan?” Naiinis na tanong ni nanay sa akin. Ang tagal ko na kasi sa banyo pero hindi pa rin talaga lumalabas ang dapat ilabas. Ewan ko ba, kanina pakiramdam ko, jebs na jebs na talaga ako, e. Pero ba’t naman ngayong pumatong na ako sa trono, hindi pa rin lumalabas?

“Ayaw lumabas ni mother earth ‘nay! Ang sakit ng tiyan ko,” sagot ko.

“Paanong masakit?” tanong niya.

Mayamaya’y may naramdaman akong parang bumulwak na kakaiba. Tumayo ako mula sa inidoro at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may kakaibang jelly na lumabas mula sa akin.

“Nay! O.M.G! Ano ‘tong lumabas sa 'kin?!” Natatarantang tanong ko.

“Ano?! Buksan mo ‘tong pinto!” Nataranta na rin si nanay.
Kaagad kong binuksan ang pinto kahit nagsusuot pa lang ako ng panty, medyo kinabahan kasi ako sa reaksyom ni nanay.
At nang makita nga niya iyong inidoro, napa-O.M.G din talaga siya.

“Ligo na, punta na tayo sa hospital.” Aniya at saka lumabas ng banyo.

Kahit naguguluhan, sinunod ko si nanay. Naligo na nga ako at hindi na pinilit iire iyong si mother earth dahil mukhang si baby boy na yata iyong iniire ko kanina pa. Pagkalabas ko ng banyo, ayos pa ang pakiramdam ko, e. Nakita ko na si nanay na dala iyong gamit na dadalhin ko sa hospital.

“Tara na, lakad lang tayo papuntang hospital.” Aniya pagkatapos ay inakay pa talaga ako.

Oo, ayos lang talaga ako ‘nong una. Pero noong naglalakad na kami ni nanay, nag-uumpisa nang humilab ang tiyan ko. Maya’t maya’y humihinto kami sa paglalakad dahil sa sakit na nararamdaman ko.

“‘Nay, sakay na kaya tayo?” Nag-aalalang tanong ko sa kaniya dahil ang sakit na talaga ng tiyan at balakang ko, hindi na makatarungan!

“Hindi ‘nak, hangga’t hindi pa naman pumuputok ang panubigan mo, kaya mo pa ‘yan.”

Isang Linggong KalandianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon