Huling Kabanata:
Luis’ Point of View:
Sa tuwing stress ako at walang magawa sa buhay dahil sobrang boring ko naman talagang tao, hindi ko gawain ang sumama sa mga barkada para makipag-inuman. Ayoko kasi ng sakit sa ulo, mas trip kong pumunta sa isang coffee shop, bitbit ang sketchpad ko at maghanap ng taong pwede kong i-sketch. Sa pag-do-drawing kasi, nare-relax ako at napapagaan nito ang pakiramdam ko. At kapag idadagdag pa ang ambiance ng coffee shop, ang mga taong taimtim na nagbabasa ng libro, masayang nakikipagkwentuhan sa kaibigan, at ang amoy ng kape, mas lalo nitong napapagaan ang pakiramdam ko.
Iyon ang dahilan kung bakit sa coffee shop ako palaging tumatambay.“Gosh, nakakaloka! Ewan ko sa lalaking iyon! Ilang beses ko na siyang sinabihan na ayaw ko sa kaniya, pero ayun at panay pa rin ang pangungulit!” Inis na anang babaeng katapat ko ng table sa kausap niya sa cellphone.
Iyon ‘yong araw na una ko siyang nakita. . .
Talagang nakakapukaw siya ng pansin. Bukod kasi sa ang tahimik ng buong coffee shop at siya lang iyong eskandalosang putak nang putak, e, nakakadistract talaga pati ang pananalita niya.
Pumangalumbaba ako at tumingin sa kaniya. Ewan ko ba, pero kahit na nakakainis siya dahil sinira niya ang tahimik na ambiance ng coffee shop, natanto ko na lang ang sarili kong nakatitig sa kaniya.
“Oo nga, gwapo nga, kaya lang may issue na babaero. Ayoko ng gano’n. . .”
Dinilaan ko ang labi ko at saka yumuko para ilipat sa susunod na pahina ang sketchpad na dala ko. Ang sarap niyang i-guhit, nakakatuwa siya. . .
“Oo, hindi talaga natitigil ang pagbibigay niya sa akin ng mga chocolates! Naku ang sarap talagang sabunutan! Kahit na ilang beses ko na siyang binasted, patuloy pa rin! Grabe!”
I found my self sketching her in my sketchpad. Ewan ko, hindi naman tulad niya iyong mga tipo kong i-guhit, dahil masyado siyang magalaw. But she has this aura na kapag tumingin ka sa kaniya, mapapabalik ka talaga ulit ng tingin. Iyong buhok niya, itim na itim at bagsak. Iyong malalaking mga mata niya na may makakapal na pilikmata, kahit parang masungit kung tumingin ay bagay pa rin sa maliit niyang mukha. Her pointed nose and curvy lips. . . damn. . .
She’s beautiful!
“Oo na! Ito na nga pupuntahan na kita riyan.”
Gusto ko siyang habulin. Gusto ko siyang pahintuin at sabihing bigyan niya pa ako ng sapat na oras para kabisaduhin ang mukha niya at maituloy ko itong ini-sketch ko. . . pero ano pa bang magagawa ko? Baka mamaya sabihin niyang ang epal ko at ang papansin.
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Kalandian
Storie d'amore"Ang pag-ibig ay parang isang panty. Kapag bago, inaalagaan ng paglalaba, madalas ginagamit lalo na at masikip pa. Ngunit kapag naluma na, halos hindi na pinapansin, ayaw nang gamitin dahil maluwag na. Ang masaklap pa e, itinatapon na lang basta sa...