Kiss

257 3 0
                                    

KISS

"Breeeent!"

"Zoe—" niyakap ko siya agad. Ohemgee, naramdaman ko yung abs niya. Hihi.

Ngunit hindi pa nagsasampung segundo ay tinulak niya na ako. "Aray!"

Imbis na magsorry, kumuha siya ng isang bote ng alcohol sa bag at saka ito ibinuhos sa kamay niya. Napaikot na lang ako ng mata nang halos paliguin niya na ang sarili sa alcohol.

"Nakaka offend ka alam mo yun? Hindi naman ako ganon ka dumi para mandiri ka ng ganyan. Hmp." inirapan ko siya.

"Tss. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nadudumihan diba? Kaya please lang, tigil tigilan mo na ang pagyakap sa'kin."

Inirapan ko na lang ulit siya. Nako. Kung hindi ko lang siya mahal, kanina ko pa binato ang alcohol sa mukha niya. Bakit ba kasi sa isa pang germ conscious pa ako nagkagusto? Hindi naman ako isang germ pero kung ituring niya ako para akong isang nakakadiring specie. Hmp.

--

"Hi, Zoe." Uwian na at nakita kong nakaabang pala sa labas ng room namin si Lance.

Nginitian ko siya. "Hello Lance. Sino hinihintay mo dito?"

Ngumisi siya, "Ikaw."

"Ha? Para saan naman?" natatawang tanong ko.

"Diba sabi ko sayo, tutulungan kita kay Brent? Well ito na yon."

"Paano naman makakatulong itong pagsundo mo?"

"Basta! Tara na nga."

Hinila niya na ako kaya wala na akong nagawa kundi magpahila na lang sakanya. Maya maya nakarating na kami sa parking lot ng school.

"So, ano na?"

Bigla siyang humarap sa'kin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nagtataka ko siyang tiningnan, "Okayyy. Anong balak mo?"

"Wag kang gagalaw." Iyan ang huli niyang sinabi bago niya inilapit ang mukha niya sa'kin. Aatras na sana ako pero mas hinigpita niya ang paghawak sa balikat ko.

Nagulat ako nang halikan niya ako ng mabilis sa ilong, "Hoy para saan yo--LANCE!"

Napasigaw ako nang bumulagta na lang sa harap ko si Lance. Nilapitan ko siya agad. "Okay ka lang?" Napatingin ako sa taong sumuntok sa kanya.

"Hoy, bakit—"

Natigilan ako nang makitang si Brent pala iyon, "B-Brent?"

Galit na galit ang ekspresyon niya na ipinagtaka ko. Anong kinagagalit ng lalaking 'to?

Bago pa ako maka react, hinila niya agad ang kamay ko palayo kay Lance, "H-Hoy sandali lang! Si Lance!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Patuloy lang siya sa pagkaladkad sa'kin hanggang sa tumigil kami sa may kanto.

Hinarap ko siya, "Anong problema mo, ha?"

Nagtaka ako nang may inilabas siyang panyo at binuhusan iyon ng tubig. "Para saan yan—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang ipunas niya iyon sa mukha ko.

"H-Hoy! Leche ka! Ano tingin no sa'kin dumi?! Ang ganda ko namang dumi!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Seryoso lang siya habang pinupunasan ang mukha ko. Sobrang lapit rin ng mukha niya kaya hindi ko tuloy mapigilang kiligin kahit na inis na inis ako sa kanya ngayon.

Geez, why you do this to me, Brent?

Maya maya tumigil na siya sa pagpupunas sa akin, "There. Malinis ka na ulit."

"Lagi naman akong malinis."

Sumama ang tingin niya sa akin, "Bakit mo pinayagan ang gagong 'yon na halikan ka?"

Natigilan ako. Bigla akong ngumisi, "Nagseselos ka?"

Umiwas siya ng tingin kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"Tss. Ba't naman ako magseselos?"

Nagkibit balikat ako, "Ewan. Baka..."

Kumunot ang noo niya. "Ano?"

"Baka gusto mo rin akong halikan?" saad ko sabay ngisi.

Mas kumunot ang noo niya, "Zoe, I hate germs. And kissing can transfer 80 million bacteria between mouths. Kaya hinding hindi kita hahalikan. Not even a peck."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Dyan ka na nga! Kay Lance na lang ako magpapahalik. At least hindi siya germ conscious---hmp!"

Nagulat ako nang dumampi ang labi niya sa akin. Ohmygod!

Akala ko hihiwalay na siya pero naramdaman kong gumalaw ang labi niya sa labi ko. Mas pinalalim niya ang halik kaya napapikit ako.

Oh my god. Is this real? Kahalikan ko si Brent ngayon?!

Makalipas ang ilang minuto, ako na ang lumayo. Wala na kasi ata siyang balak na tigilan ang labi ko e. Hahaha charot.

"A-Akala ko ba madumi sayo ang paghahalik ha? Ba't mo 'ko hinalikan?" Napameywang ako.

Nagulat ako nang halikan niya ulit ako, "I can make your lips as an exception, Zoe. Dammit. Basta 'wag na 'wag kang magpapahalik sa iba lalo na kay Lance." Timiim ang bagang niya habang nakatitig sa akin, "You are mine, Zoe. Mine alone, understand?"

--
by: Emma Yadani Writes

Short Stories by Emma Yadani WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon