Internet Love

49 3 0
                                    

INTERNET LOVE

Binabasa ko ang comments sa isang post nang may nabasa akong isang off topic na comment.

Jermy Stanford commented.
Mag-like nito jojowain ko.

I rolled my eyes. Ugh, people nowadays.

Dala ng boredom, ni-like ko ang comment niya. As if namang seryoso siya don. Gusto niya lang na may mag-like ng comment niya e.

Habang nags-scroll ako, may biglang nag-friend request at nag-message request sakin. Nakita kong si Jermy Stanford yon kaya hindi ko in-accept. Wow, seryoso pala siya don?

In-open ko ang message request niya.

Hi. Can you be my girlfriend?
Accept | Decline

I accepted his message and replied.

No.

👦: Aw, pero ni-like mo comment ko:<
👧: And so? Sineryoso mo naman.
👦: Ouch< /3

--

👦: Good morning. Kumain ka na.
: Nakakain ka na?
: Ano ulam niyo?
: Good afternoon! Eat your lunch.
: Aww seen.
: Panoorin mo yung showtime! Nakakatawa!
: Hey?
: Good evening! Eat your dinner.
: Online pero di para sakin:<
: Oyy
: Good night. Sweet dreams.
: I love you.
: Joke! Hehe

That was his message for the whole day. Palaging ganon. Magcha-chat siya, ise-seen ko o di kaya i-inbox ko lang.

One time, nainis ako sa kakachat niya sakin.

👧: Tumigil ka na! 
👦: Why?:(
👧: Nakikita mo ba? Hindi kita gusto kaya tigilan mo na ako.
👦: Pero girlfriend kita.
👧: Paano mo nasabi ha?
👦: Ni-like mo comment ko diba?
👧: Tanginang comment yan. Trip ko lang yon. Kung alam ko sanang mangyayari 'to, edi sana hindi ko na ni-like yon.

Sineen niya lang ako. Ewan ko pero mas lalo tuloy akong nainis. Nag-log out na lang ako.

--

Ilang araw siyang walang paramdam sakin at naba-bother ako. Ugh! What the heck is happening to me?

Namalayan ko na lang ang sarili ko na ina-accept ang fr niya. Ghad. Bahala na nga. Wala namang masama kung icha-chat ko siya.

👧: Oyy
👦: Bakit?
👧: Galit ka?
: Fine. Sorry.
👦: Shit.
👧: So minumura mo na ako ganon?
👦: Sorry. Kinikilig lang ako. Gusto ko na sanang sukuan ka e, pero eto ka ngayon, kinakausap ako. Ginanahan na naman akong magpakatanga sayo.
👧: Seriously?
👦: Joke lang. Hehe. Payag ka na ba maging gf ko officially?
👧: Jermy, tbh, I don't really believe in internet love. Coz truth to be told, walang tumatagal na relasyon na nag umpisa lang sa internet. Lahat sila iiwan lang tayo. So why would I let temporary people enter my life?
👦: Wow
: Ang nega mo!
👧: Totoo naman.
👦: Wag kang magsabi ng ganyan! We will never know what will happen in the future kaya wag kang advance mag isip.
👧: Okay na sana yung advice mo e. Dinagdagan mo pa ng kalokohan sa huli.
👦: At least, cute ako.

--

Months passed, we became closer. Pumayag na rin ako na maging kami. Mapilit siya e. Dumating sa point na pinag uusapan na namin ang future namin na magkasama. I don't know but I'm happy. And I don't want to end this happiness I'm feeling.

I once promised myself not to let temporary people enter my life pero ako lang pala ang sisira ng pangakong yun. Alam ko naman sa umpisa pa lang ay hindi magtatagal ang relasyon namin e.

👧: Love, busy ka?
👦: Oo e. Maya na lang tayo usap, pwede?
👧: Sure. Mas importante siguro yan.
👦: seeyah lpve youi

Then, nag-offline na siya. Ganon siguro yon kaimportante kasi sa sobrang bilis niya mag type namali pa niya yung spelling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories by Emma Yadani WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon