FINDING MY OTHER HALF
/fiction. read at your own risk.“According to Greek mythology, humans were originally created with four arms, four legs, and a head with two faces.
Fearing their power, Zeus split them into two separate beings forcing them to spend their lives in search for their other halves.”
—Plato
--
Noong unang panahon mayroon lamang na tatlong magulang–si Araw, Mundo at Buwan. Si Araw ay ang may kakayahang gumawa ng lalaki, si Mundo naman ay babae at si Buwan naman ay babae at lalaki. Bawat isa sa kanila ay may apat na braso, apat na binti at isang ulo na may dalawang mukha.
At isa kami doon ni Elijah sa mga anak ni Buwan. Mahal na mahal ko siya kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya--at ganoon rin siya sa'kin.
"Sigurado ka ba dito Elijah? Wag na lang kaya natin ituloy?"
Naramdaman ko ang pag iling niya, "Ano ka ba, Eliza. Hindi tayo aatras. Wag kang matakot, nandito naman ako lagi sa tabi mo."
"Baliw! Syempre nasa iisang katawan tayo kaya lagi ka talagang nasa tabi ko."
"Oo nga no?" Natawa siya, "Halika na nga. Aakyat pa tayo sa Bundok ng Olympus."
Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Balak kasi nilang atakihin ang mga Diyos at Diyosa. Kanina ko pa siya pinipigilan pero desidido na talaga siya.
"Paano kung hindi tayo magtagumpay?" nag-aalalang tanong ko.
"Magtatagumpay tayo. Hindi ko hahayaang may masaktan sa atin—lalo na sayo."
Napangiti ako. Sana nga...
--
"Pakawalan niyo kami!" sigaw ni Elijah.
"H-Huminahon ka Elijah." sinubukan ko siyang pakalmahin.
Tulad ng inaasahan ko, hindi kami nagtagumpay. Nahuli kami ng mga Diyos at ngayon ay nag iisip na sila ng ipaparusa sa amin.
"Tamaan na lang kaya natin sila ng kidlat?" suhestisyon ng isang Diyos.
"Hindi. Nagawa na natin 'yan sa mga higante. Gusto kong maiba naman." sagot ni Zeus, ang hari ng mga Diyos.
"E-Elijah, natatakot ako. Mamamatay na ba tayo?"
"Shh. Hindi tayo mamamatay, Eliza."
Kahit papaano ay nawala ang takot ko. Iba talaga kapag si Elijah na ang nagpapahinahon sa akin.
Makalipas ang ilang oras, nakapagdesisyon na ang mga Diyos.
"Hahatiin ko kayong lahat, nang sa ganoon ay magiging kalahati na lang ang lakas at bilis niyo. Iyon ang parusa niyo sa pag aatake sa amin."
Nagsi-ingayan kaming lahat. Halatang tutol sa gustong mangyari ni Zeus.
"E-Elijah, ayokong mahiwalay sayo! A-ayoko," hindi ko na napagilang umiyak.
"Ayoko rin, Eliza. P-Patawad, kasalanan ko 'to e. Kung hindi ko sana naisipang kalabanin ang mga Diyos, hindi sana mangyayari 'to."
Umiling ako, "Wag mong sisihin ang sarili mo, Elijah. Basta, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ah?"
"Mahal na mahal rin kita, Eliza."
Napangiti ako, "Ipangako natin na hindi tayo titigil sa paghahanap sa isa't isa hanggang sa mamatay tayo, Elijah."
"Pangako. Hahanapin kita kahit saang lupalop ka man ng mundo. Hinding hindi ako mapapagod."
--
"Hmm argh..." nagising ako sa sigawan ng aking mga kauri.
Nilibot ko ang paningin ko. Nakita kong nagsisitakbuhan sila at nagsisigawan. At napansin kong dalawa na lang ang mga braso at binti nila. Ang mga mukha nila ay iisa na lang rin.
Napatingin ako sa sarili ko, "E-Elijah!" Parang gumuho ang mundo ko nang malamang katulad na rin nila ako.
Wala na si Elijah. Wala na yung kalahati ko. Mahal ko...
Asan ka na?
Sumabay ako sa pagtakbo at paghahanap.
"Jennie, ikaw ba yan?"
"Sheila?"
"Ikaw ba si Marissa?"
Iling lang ako nang iling tuwing tinatanong nila ako. Patuloy pa rin ako sa paghahanap kay Elijah.
"Elijah!"
"Elijah, asan ka na?!"
Sigaw ako ng sigaw pero wala pa rin. Unti unti na akong nawawalan ng pag asa. Hindi ko siya mahanap. Hindi ko rin alam ang itsura niya dahil pinanganak kaming hindi nakikita ang mukha ng isa't isa. Elijah... Paano ba kita mahahanap?
Kahit saan na ako napadpad pero walang Elijah.
Lumipas ang ilang araw, buwan, taon, at dekada... hanggang sa huling hininga ko, hindi ko siya nahanap.
Patawad, Elijah... Hindi kita nahanap.
--
Napahagulhol ako nang magising ako. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko. Ilang araw ko na iyong napapanaginipan at pakiramdam ko ay parang totoong nangyari iyon sa akin.
Ang bigat sa pakiramdam kasi hindi nahanap ni Eliza ang kalahati niya–si Elijah. Bakit ganon ang nararamdaman ko? Hindi naman ako si Eliza. Ako si Desteen.
Nakalipas na ang ilang araw pero hindi ko na ulit iyon napanaginipan. Nalungkot ako. Siguro nga, hanggang doon na lang talaga iyon.
"Uy, Desteen! Halika na!"
"H-Ha?"
"Lutang ka na naman. Humanap ka na ng ireregalo kay Sheena! Magkita kita na lang tayo mamaya sa Starbucks, 12pm, ok?"
Tumango ako. Nang makaalis na siya, pumasok ako sa isang store na nagbebenta ng mga couple t-shirts.
Isang oras na ang lumipas bago ako nakapili ng couple t-shirt para kay Sheena at sa boyfriend niya.
"Argh! Ba't ang taas?" sinubukan kong ibalik yung t-shirt na kinuha ko kanina pero masyado itong mataas kaya hindi ko maabot.
"Need any help miss?"
Natigilan ako nang may kamay na humawak sa hanger at siya na ang sumabit non sa taas.Tumaas ang balahibo ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Ghad, bakit pamilyar yung boses niya?
Tiningnan ko ang mukha niya. Nakangiti siya sa akin. Natulala ako sa kagwapuhan niya. Dammit. Umayos ka Desteen!
"S-Salamat." wala sa sariling sagot ko. Dumako ang mga mata ko sa t-shirt niya. Bumilis lalo ang pagtibok ng puso ko. Yung t-shirt niya...
"Currently Finding My Other Half."
Nasabi ko ata yun ng malakas kasi ngumiti siya. Uminit ang magkabilang pisngi ko.
"You know what? I think I already found her..."
"E-Elijah?"
Lumawak ang ngiti niya, "It's Riley."
"Uhm sorry--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang yakapin niya ako.
"After so many damn fucking years, I already found you... My other half. Hindi ko na hahayaang mahiwalay ka sa'kin."
--
by: Emma Yadani Writes.
BINABASA MO ANG
Short Stories by Emma Yadani Writes
Short StoryStories from Ate Emma Yadani Writes. An author at FB. Im really inspired to her. I really liked her stories so you mustz read this. I just copy her own works. Well I just share this to SUPPORT her. And to read also by you. Please Vote Comment and sh...