Nakagat

53 3 0
                                    

NAKAGAT

Tanghali na kaya inaya ako ni Lea na kumain sa canteen. Pumayag naman ako. Habang kumakain, panay lang ang kwentuhan namin nang bigla kong makagat ang dila ko.

"Aray!"

"Anyare?" tanong niya.

"W-Wala. Nakagat ko lang yung dila ko." napangiwi ako nang malasahan ko yung dugo sa dila ko. Dahil siguro 'to sa kakadaldal ko habang kumakain e.

"14, Nea."

"H-Ha? Anong 14?"

Tiningnan niya ako na parang ang bobo ko para tanungin ang bagay na 'yon, "Hindi mo ba alam na kapag nakagat mo yung dila mo, ibig sabihin may nakakaalala or nakakamiss sayo?"

Umiling ako, "Is that even true?" For sure imbento lang 'yan ng mga taong hopeless romantic. Nako!

"Ewan, basta! Try natin, Nea. Malay natin diba." Nag umpisa na siyang magbilang gamit ang daliri niya, "A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N—Nagsisimula sa letter N ang nakakamiss sayo!" tili niya.

Napaigtad ako nang sundutin niya ang tagiliran ko, "Ano ba, Lea!"

Hindi niya pinansin ang nakakamatay kong tingin sa kanya. Napahawak siya sa baba niya at napatingala na parang nag iisip, "N, N, N. Sino kaya si N? May naging ex ka na bang nagsisimula sa letter N?"

Natigilan ako, "Hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya tigil tigilan mo—"

"Aha!" bulalas niya, "Alam ko na kung sino!"

"S-Sino?"

"Namimiss mo yung sarili mo no?"

"Pfft, sira."

--

"Naiwan ko pala yung notebook ko sa room. Mauna ka na sa library, Nea."

"Sige," Naglakad na siya palayo kaya nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad patungong library.

Tahimik akong naghahanap ng libro sa mga bookshelves nang may nakita ako sa peripheral vision ko na isang lalaki. Nilingon ko ito, "N-Nathan?"

Anong ginagawa niya dito? Makalipas ang ilang linggo, ngayon lang siya ulit nagpakita.

Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap, "Nea, I miss you."

Lumakas ang tibok ng puso ko. Naalala ko bigla yung sinabi ni Lea. So, totoo yun? Namimiss niya talaga ko?

Imposible.

Tinulak ko siya, "Nathan, anong ginagawa mo dito? A-Akala ko ba...sumuko ka na sa'kin?"

Umigting ang panga niya, "I tried, Nea. After you rejected me, I tried to avoid you. Pero ano? In the end, ako lang ang nahirapan. Mas lalo lang kitang namiss. Darn it."

"Alam mo namang hindi pa ako pwede—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang halikan niya ako. Gulat na gulat kong tiningnan ang mukha niyang sobrang lapit sa'kin. Nakapikit siya. Sinubukan kong umatras pero agad na pumulupot ang kamay niya sa bewang ko at saka ako hinila papalapit sa kanya. Mas dumiin ang labi namin sa isa't isa. Naramdaman kong gumalaw ang labi niya.

"N-Nathan..." saad ko sa gitna ng paghahalikan namin. Damn, nasa library kami for heaven's sake! Pero shet, hindi ko maiwasang malasing sa mga halik niya. Napapikit na rin ako at saka hinalikan siya pabalik.

"I miss you so damn much, Nea," saad niya bago niya mas pinalalim ang paghahalikan namin.

Habang tumatagal mas nagiging aggressive ang paghalik niya sakin. Naramdaman kong nakagat niya ang labi ko kaya natulak ko siya, "N-Nathan."

Parang natauhan siya bigla, "Sorry, Nea. Masakit ba?" Kumuha siya ng panyo at saka pinunasan ang dumudugong labi ko.

Uminit ang magkabilang pisngi ko, "O-Okay lang."

"Heyy, Nea!" sabay kaming napalingon kay Lea na kakadating lang.

Lumapit siya sa'kin, "Oh? Ba't namumula ka dyan?"

Nanliit bigla ang mga mata niya at tinuro ang labi ko, "Ba't may sugat ka dyan? Last time I checked, sa dila ka—"

"Sorry, hindi ko napigilang makagat kanina."

Napatingin si Lea kay Nathan at saka sa akin. Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa kaya mas lalong uminit ang pisngi ko.

"W-Wag kang maniniwala sa kumag na yan!"

"Ano?" Napabusangot si Nathan, "Bakit kailangan mo pang itago sa kanya na naghalikan tayo?"

Geez. I hate him! Bakit kailangan niya pang itanong 'yon?! At sa harap pa talaga ng kaibigan ko?!

Ngumisi si Lea, "Ah ganon? May ibang version pala kayo sa sign na kapag nakagat yung dila, may nakakamiss sayo."

"Lea!" Pramis, pulang pula na ata ako ngayon.

Pinulupot ni Nathan ang kamay niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya, "You're right, Lea. Nangangagat talaga ako ng labi kapag namimiss ko ang taong mahal ko." saad niya sabay ngisi.

--
by: Emma Yadani Writes

Short Stories by Emma Yadani WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon