I love you but its RPW

58 2 0
                                    

I LOVE YOU BUT IT'S RPW

"Grace, ano naman ang gagawin ko dito sa rp account na 'to?"

"Pwede ka dyang mag-post ng stories mo, magbasa ng stories ng iba, mag-shitpost or humanap ng ka-RS,"

"Ahh," saad ko habang tumatango-tango.

"Speaking of ka-RS, kilala mo si Joyce? Yung kaklase natin dati. Meron din siyang rp account e. Mahilig yun mag-boyhunting. Try mong landiin," napahagikhik ito.

"Baliw. Huwag mo nga akong isama sa mga kalokohan mo."

--

Grace Mendez 
Active Now

👦: Uy, Grace. Ano ba rp account ni Joyce?
👤: Wow. HAHAHHAHA
: Parang kanina lang, ayaw mo. Change of heart, Cedrick?
👦: Tss. Sabihin mo na.
👤: Oo na! Dyosa Loves name niya. Huwag ka magpakilala ah. Hihi.
👦: Thanks.

--

Naghanap ako ng gwapong portrayer at saka ginawa iyong dp. In-add ko yung Dyosa Loves at maya-maya in-accept na niya ako. Ime-message ko na sana siya nang mauna siyang mag-chat sa'kin.

👯: Hiii
👦: Bilis ah. Hello
👯: Gwapo mo kyah sa dp mooo nakakainlab ih
👦: Hahaha salamat. Maganda ka rin sa dp mo.
👯: Yieee pwede ka maka-RS?

Natawa ako. Geez, hindi ko talaga ine-expect na ganito ka-desperada si Joyce. Sa pagkakakilala ko sa kanya, mahinhin at parang-Mara Clara kumilos ang babaeng 'yon.

👦: Sure, babe.

--

👯: Good morning, babe! Sana magustuhan mo 'tong kanta ko para sa'yo. Yieee iloveyouu

Dyosa sent you a voice message.

🎶Wise men say only fools rush in 
But I can't help falling in love with you 
Shall I stay? 
Would it be a sin 
If I can't help falling in love with you?🎶

🎶Like a river flows surely to the sea 
Darling so it goes 
Some things are meant to be 
Take my hand, take my whole life too 
For I can't help falling in love with you🎶

Nagulat ako nang marinig ko ang boses niya. Maganda pala ang boses niya? Sampung buwan ko siyang nakaklase noon pero hindi ko man lang alam na magaling pala siyang kumanta.

👦: Good morning rin. Ang ganda pala ng boses mo, babe. Mas lalo lang akong nahuhulog sayo. I love you.
👯: Yieee i love you too, babe. 
👦: I love you more. Go eat your breakfast. Wag kang magpapagutom.
👯: Opooo ikaw rin.

--

Days passed, mas nagiging malapit kami sa isa't isa. At sa mga araw na yon, marami na rin akong nalalaman sa kanya na hindi ko pa noon alam. Hindi naman kasi kami close noong magkaklase pa kami.

👦: Nagkaroon ka na ba ng ex?
👯: Yupp. Lima pa lang. Lahat sila nakilala ko rin dito kaso hindi naman pala nila ako sineryoso.
👦: Gago sila para lokohin ang isang babaeng tulad mo. You deserve to be love, not to be hurt.
👯: Aww ang sweet ng babe ko. Naka move on naman ako e. Tska kung hindi nila ako niloko edi sana hindi tayo magkakakilala, diba?
👦: Tama ka. Everything really happens for a reason. Maybe meant to be na talaga tayo, babe.

Naging masaya ang relasyon namin, pero may part sa akin na nanghihinayang. Sayang kasi. Kung alam ko sanang ganito siya ka-sweet at kasarap mahalin, edi niligawan ko na siya noon pa.

And yes, mahal ko na talaga siya. I really love her but we are in RPW. Gagawin ko ang lahat para maging op to op na ang relasyon namin.

--

👦: Babe, what if one day, makita mo ako. What would you feel?
👯: Of course, magiging masaya ako.
👦: Paano kung niloko kita?
👯: I'll forgive you.
👦: Really? Ganon mo ako kamahal?
👯: Oo naman, I love you so much.
👦: But we're in RPW. 
👯: Pero totoo ang feelings ko sayo.
👦: Me too. 
: I love you babe, matulog ka na. Goodnight.

Nakapagdesisyon na ako. Magpapakilala na ako sa kanya. I love her and it's not going to be in RPW anymore. I want to make 'us' real.

--

Kinaumagahan, nag ayos ako ng sarili. Pumunta ako sa flower shop para bumili ng isang bouquet of roses. Bumili rin ako ng chocolates, isang malaking teddy bear at tatlong wattpad books para sa kanya.

It's Tuesday kaya paniguradong nasa school siya. Napatingin ako sa relo ko, it's already 6 in the morning. Dumiretso ako sa room niya habang bitbit ang mga regalo ko para sa kanya.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang nakaupo sa loob ng room. Dammit, gusto ko siyang yakapin at halikan. No more virtual hugs and kisses---kasi mahahalikan at mayayakap ko na siya nang totoo.

I smiled on that thought.

"Uhm, Joyce?"

Lumingon siya sa akin at saka ako nilapitan, "Cedrick? Ba't nandito ka?"

Tiningnan niya ang mga dala ko at natawa, "May nililigawan ka ba? Sino?"

"I-Ikaw." kinakabahang saad ko. Damn, ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

Natawa ulit ito, "Ano? Nagjo-joke ka ba? May boyfriend na ako, Ced."

Para naman akong kinilig doon. She's loyal to me and it's making my fucking heart flutter.

"May aaminin ako sayo."

"Ano yon?"

"A-Ako si Jake Cyprus. Ako yung nakaka-chat mo sa don sa Dyosa Loves--"

"Pero pinamigay ko na yang account ko."

Natigilan ako, "H-Ha? Kanino?"

"Kay Angelica, yung pinsan mo."

--
by: Emma Yadani Writes

Short Stories by Emma Yadani WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon