ANONG PASSWORD?
"Jerico, pahiram na phone mo."
Binigay niya naman sakin agad ang phone niya, "Yay! Ano password?"
"Jerico. Small caps lahat."
Tinype ko naman iyon agad. Nang mabuksan na, kinalikot ko agad ang laman ng phone niya. Pumunta ako sa settings at pinalitan ang password niya. Napabungisngis ako.
Nilapitan ko ulit siya, "Salamat, Jerico."
Nang makalayo ako sa kanya, hinintay ko ang susunod na mangyayari.
"Sunshine---"
"Yes?"
"Pinalitan mo password ko? Anong pinalit mo?"
"Crush kita."
Kumunot ang noo niya, "Ano? Crush mo ako?"
"Hindiii, crush kita."
Mas kumunot ang noo niya kaya natawa ako, "Pinagloloko mo ba ako? Anong password?"
"Crush kitaaaa~"
"Seryoso na ako."
"Crush kita kasiiiii---ARAY!"
Napahawak ako sa noo ko na pinitikan niya.
"Kanina ka pa paulit-ulit na crush mo ako. Di naman kita crush."
Aray! Double Kill! Walang hiya ka crush! My hearteu~
"Ikaw ang assuming dyan! Crush kita kasi ang password. Crush kita! Feeler. Di rin naman kita crush. Hmp."
Umalis na ako bago pa siya makapagsalita.
Peste. Buti ganon ang ginawa ko para umamin, kundi mapapahiya talaga ako doon. Tsk. Uncrush ka na sakin, Jerico.
--
by: Emma Yadani Writes
BINABASA MO ANG
Short Stories by Emma Yadani Writes
Historia CortaStories from Ate Emma Yadani Writes. An author at FB. Im really inspired to her. I really liked her stories so you mustz read this. I just copy her own works. Well I just share this to SUPPORT her. And to read also by you. Please Vote Comment and sh...