Iloveyou

35 3 0
                                    

"I love you so damn much, Eliza."

I smiled, "I love you too."

Niyakap niya ako, "Wag mo 'kong iiwan ah? Hindi ko yun kakayanin."

"Hinding hindi kita iiwan."

Ngumiti siya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka ako siniil ng halik. I kissed him back.

Damn, I am so in love with this man---

"OKAY CUT!"

I instantly opened my eyes when I heard our director's voice. Humiwalay agad siya sa'kin.

"Great job guys! Sige, magpahinga muna kayo."

Dali-daling niyakap ni Luisa si Gerald, "Ang galing mo babe! Kaya love na love kita e."

Natawa siya, "Thank you, babe. Mas mahal kita."

Umiwas ako ng tingin kasabay ng pagkirot ng puso ko.

Oo nga pala, all of this is just an act. Sa teleserye, ako ang leading lady at siya ang leading man. Pero sa totoong buhay, ako lang yung extra sa buhay niya. Ako lang yung tagasubaybay sa love story nila ng totoong leading lady niya.

--
by: Emma Yadani Writes

Short Stories by Emma Yadani WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon