I fell inlove with a writer

30 2 0
                                    

I FELL IN LOVE WITH A WRITER

Unang basa ko pa lang sa story niya, nakuha na niya ang loob ko. Simula non, naging number one reader at supporter niya na ako.

👯: Hi po kuyaaa ang ganda ganda talaga ng mga stories moo. Idol na kitaa
👦: Haha salamat.
👯: Ohemgeee nanotis mo akooo 
: I'm your number one fan kuyaaa

--

Nandon ako--pati na ang ibang readers niya--sa tabi niya habang mas nagiging kilala ang gawa niya. Lagi namin siya sinusuportahanan at dahil sa kasikatan niya, dumating sa punto na may nangba-bash na sa kanya.

👥: Masyado kang papansin, alam mo yun? 
👯: Kung ayaw mo sa stories niya edi wag mong basahin! Di mo naman kailangang i-bash siya e. Papansin masyado.
👥: Kulang sa aruga.

--

👯: Kuyaaa pwede gamitin mo name ko sa story mo?
👦: Sure. Sa next story ko.
👯: Ohemgeee thankyouu kuya. Aabangan ko.

Kinagabihan, tinupad niya yung sinabi niya. Sobrang saya ko. Ang sarap sa feeling na yung hinahangaan mong writer, ginamit yung pangalan mo sa story niya. Hindi ako makaget over kaya ini-screenshot ko yun. Remembrance rin 'to.

--

Hindi nagtagal, shiniship na rin siya sa isang tulad niya na writer. Syempre, todo support din ako.

👯: Yieeee may chemistry kayo kuyaa
: Bagay kayooo
: Ship ship!

Support ko siya sa lahat ng bagay, pero hindi ko pa rin maiwasang magselos. Crush ko lang naman siya e, pero bakit masakit? Masyado na ba akong na-attach sa kanya? Minsan nga hinihiling ko na sana kami na lang. Pero alam ko namang imposible yon.

--

👯: Kuya bat aalis ka na?
: Wag naman ganon
: Paano na kaming readers mo?
: Sabi mo hindi mo kami iiwan diba?

Naghintay ako ng ilang oras hanggang sa iseen niya ito. Tuwang tuwa ako. Akala ko magrereply ulit siya tulad ng dati. Pero lumipas na ang ilang minuto, wala akong natanggap.

Seen. 8:45 pm.

Doon ko na-realize... ang tanga ko pala.

Sino ba naman ako? Isa lang naman ako don sa mga libo libong humahanga sa mga gawa niya e. Isa lang ako don sa libo libong mga tagasuporta at nagmamahal sa kaniya.

Akala ko, kaya ako napamahal sa kanya kasi hinahangaan ko lang siya sa pagsusulat. Akala ko mahal ko siya as a writer lang. Pero akala ko lang pala yun. Mas higit pa pala don yung nararamdaman ko.

Pero hindi pwede e.

Reader---yun lang kasi ang papel ko sa buhay niya.

--
by: Emma Yadani Writes

Short Stories by Emma Yadani WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon