ANG BABAENG WALANG CELLPHONE
Kakalipat lang namin dito sa Albay, ang probinsiyang kinalakihan ni Mama. Sa totoo lang, ayoko dito dahil napakaboring! Puro na lang mga puno ang nakikita ko. Tsk. Wala bang computer shop dito?
Habang pinapasok ko ang mga gamit sa bago naming bahay, may isang babae na nakaagaw ng pansin ko.
Ilang sandali akong napatitig sa kanya. Damn, mukha siyang anghel na nakatingin sa kalangitan. Ano kayang pangalan niya?
"Aray!" daing ko nang batukan ako ng pinsan ko, si Terrence, "Problema mo?!"
"Kung makatitig ka kay Bella parang hinuhubaran mo na e!" Tumawa ito.
"Ulol! Wag mo nga akong gayahin sayo." Nilampasan ko siya at ipinagpatuloy na lang ang pag aayos ng gamit.
Hmm, so Belle ang pangalan niya? Nice.
--
"Kanina ka pa tumitingin don sa kabilang bahay ah. May inaabangan ka ba?"
Masama kong tiningnan si Terrence, "Pake mo? Mind your own business. Tsk. "
"Naku, hindi talaga kayo mapapalapit ni Belle dahil dyan sa ginagawa mo."
"Ano ba dapat kong gawin?"
"Kausapin mo, ano pa ba?"
Lumiwanag bigla ang mukha ko, "Bro, alam mo ba number ni Belle?"
Natawa ito, "Iyan ang problema, bro. Walang number si Belle kasi wala naman siyang cellphone."
Nagulat ako, "Seryoso?!"
Tumango siya, "Yupp. Kaya kung gusto mo siyang maka-close, isang paraan lang ang pwede mong gawin."
"Ano yun?"
"Ano pa ba? Edi makipagkaibigan ka sa kanya--personally!"
"H-Ha?" parang timang na saad ko.
Geez. Ngayon lang ako nakakilala ng taong wala pang cellphone. And damn, paano ako makikipagkaibigan sa isang tulad niya?
--
"Seryoso ka dito?"
"Oo naman! Mukha ba akong nagbibiro? Ibigay mo na nga sa'kin para maibigay ko na sa kanya."
Inilayo ko ito agad, "Sandali. Babasahin ko muna, baka may mali akong naisulat."
-
Binibini Belle,
Nais ko lamang na ipakilala ang sarili sa iyo. Ako si Ginoong Jay Herrera, ang lalaking kakalipat sa katabi ninyong bahay. Sumulat ako para itanong sa'yo kung maari ba kita maging kaibigan. Huwag ka sanang matakot sapagkat malinis ang aking hangarin. Pagkakaibigan at wala ng iba. Sana'y sagutin mo ang aking liham para sa'yo, Binibini.
Ang iyong Ginoo,
JayTakte. Ako ba talaga ang nagsulat nito?
Inagaw niya sa akin ang liham, "'Wag ka ngang mag-alala. Magugustuhan niya 'to bro, pramis." Kinindatan niya ako at saka umalis.
Ginulo ko na lang ang buhok ko. Bahala na nga!
--
"Bro! Bro!"
"Bakit? Problema mo?"
Ipinakita niya sakin ang isang papel, "Sabi ko na sayo diba! Effective ang pagsulat ng letter sa kanya. Eto na nga o, sinagot niya na ang liham mo."
"Talaga? Pabasa nga!"
"Sus. Kinikilig ang loko."
"Baliw! Umalis ka na nga!"
BINABASA MO ANG
Short Stories by Emma Yadani Writes
Short StoryStories from Ate Emma Yadani Writes. An author at FB. Im really inspired to her. I really liked her stories so you mustz read this. I just copy her own works. Well I just share this to SUPPORT her. And to read also by you. Please Vote Comment and sh...