Mysterious Girl

76 2 0
                                    

MYSTERIOUS GIRL

Pagkalabas ko sa apartment ay napansin kong may lumabas ding babae sa tapat. Napatingin ako sa kanya.

"Hi, bago ka dito?"

Nahihiya siyang ngumiti, "Oo e."

Tumango tango ako, "Matagal nang walang umuupa sa apartment na yan. Buti na lang at meron na... by the way, I'm Theo. You are?"

"Jaqueline. Jaqueline Santos."

"I hope we can be friends."

Ngumiti siya, "Sure."

From that day, we became friends. Lagi ko siyang inaaya na lumabas, o manood ng movies sa apartment ko. Naging komportable kami sa isa't isa hanggang sa nahulog ang loob ko sa kanya.

One time, nakatulog siya sa apartment ko dahil madaling araw na natapos ang movie na pinanood namin. Kinaumagahan, tumawag ang mga kaibigan ko para sabihing bibisitahin nila ako.

"Jackie, gising."

"Hmm... B-Bakit?"

"Papunta dito yung mga kabarkada ko. Bumalik ka na muna sa apartment mo—"

Natigilan ako nang may narinig kaming kumatok, "Tol! Buksan mo 'tong pinto. Andito na kami!"

Hinila ko agad si Jaqueline papasok sa kwarto, "Dito ka lang. Tumago ka ah!"

Umalis na ako at pinagbuksan sila ng pinto.

"Ang tagal mo kaming papasukin Theo ah!"saad ni Mark.

"Pasensya na, nasa CR ako kanina e. Ba't kayo napadalaw?"

Ngumisi siya, "Kukunin ko na yung porn na hiniram mo sa'kin dati."

"Sige, ako na kukuha."

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang biglang lumabas doon si Vincent. Kinabahan ako bigla. Nakita niya ba don si Jaqueline?

"Hoy, sinabi ko bang pumasok ka?!"

Natawa siya, "Ayos ka lang? Wag kang OA na parang ngayon ko lang ginawa yon."

"Di mo ba alam ang salitang privacy?"

Tinawanan niya ako. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi niya naman siguro nakita si Jaqueline.

Makalipas ang ilang minutong pag uusap namin, umalis na sila.

Agad akong pumasok sa kwarto ko, "Nakaalis na sila. Buti nalang at nakatago ka kaagad."

"Oo nga e."

Lumipas ang mga araw, unti unting napamahal ako sakanya. Naging maingat na rin ako at inilayo si Jackie sa mga kaibigan ko. Mahirap na e. Kilala ko ang mga gagong yon.

"Jackie, mahal na ata kita. Pwede ba kitang ligawan?"

"Hindi pwede."

"H-Ha? Baki–"

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, biglang dumilim ang paningin ko.

--

"Gawin mo na Theo!"

"Hindi ko kaya, Vincent." Napatingin ako sa naluluhang mukha ni Erin.

"Tangina! Bakla ka ba?! Nandyan na sa harap mo ang grasya, tatanggihan mo pa?!"

Bumuntong hininga ako. "Sige." Narinig ko ang sigawan ng mga kaibigan ko nang unti unti akong lumapit kay Erin.

"W-Wag... Theo, p-please."

"Sorry, Erin." iyan na lang ang sinabi ko bago ko siya sinimulang babuyin.

--

"Argh..." Daing ko.

Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makita kundi kadiliman. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Unti-unti kong narealize na parang nasa loob ako ng isang kahon.

Sinipa at sinuntok ko ang kahon pero wala, hindi man lang ito bumukas.

"Nasaan ako?!"

Pinilit kong alalahanin ang nangyari kanina. Kasama ko si Jaqueline...

"Theo..."

Kinapa ko ang phone sa bulsa ko at saka in-open ang flashlight. Paglingon ko sa tabi ko, nakita ko si Jaqueline—nakangisi sakin.

"J-Jackie? Ba't andito tayo?!"

"Theo... hindi mo ba ako naaalala?"

"Anong—"

Natigilan ako nang biglang nagbago ang itsura niya. Ang dating inosenteng mukha niya ay napalitan ng isang duguang mukha ng babae.

"E-Erin?"

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko, "Theo... Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin... H-Hinding hindi kita papatahimikin."

"Erin—"

"Hindi kita papatahimikin, Theo. Magsasama tayo dito sa ilalim ng lupa...habang buhay."

--
by: Emma Yadani Writes

Short Stories by Emma Yadani WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon