FREE DATA (love story)
Manases sent you a photo.
👯: Ano yan? Free data akooo
👨: Uhm wala yan. Pwede replyan mo na lang ng yes?
👯: Ahh ok sige.
: Yes.--
Habang naglalakad ako papuntang room, medyo nawiwirduhan ako sa mga estudyanteng panay ang tingin sa akin. Like, hello? May dumi ba ako sa mukha?
"Shane bessy!" sinalubong ako ng bestfriend ko ng isang kurot.
"Aray! Problema mo?"
"Kainis ka ah! Ba't hindi mo man lang sinabi sa akin?"
"Ha? Ang alin?"
"Na kayo na ni Manases! Yung campus crush natin! Ghad, hindi mo man lang kinukwento sa'kin na may namamagitan na pala sa inyo! Tapos kanina ko pa lang malalaman na kayo na pala?!"
Sa dami ng sinabi niya, isa lang yung naintindihan ko.
"K-Kami na ni Manases?"
Aba, kailan pa?! Hindi ata ako updated sa buhay ko.
"Nabagok ba ulo mo kaya wala kang maalala? Look, ito yung My Day ni Manases." saad niya sabay pakita ng phone niya sa akin.
"W-What the?" Tama siya. Ni-My day niya yung convo namin kahapon! Yung pic na sinend niya sakin ay mukha niya na nakanguso at may caption na 'Can you be my girlfriend, Shane?'
Tapos doon sa my day niya, dinelete na niya yung part na tinanong ko siya at ang pagsabi niya na magreply ako ng yes.
Kumulo agad ang dugo ko.
"Aba, walang hiya siya! Akala ko kung anong pinarereply niyang yes tapos eto lang pala?!"
"Ano? Hindi kita maintindihan bessy. Anong kinagagalit mo? Grabe. Si Manases yun oh! Yung campus crush! Ikaw ang first girlfriend niya, alam mo ba yon?"
Hindi ko siya pinansin at dire diretsong tumungo sa classroom ni Manases. Nang makarating ako don ay nakita ko siyang nakikipagtawanan sa mga kabarkada niya. Aba ang saya pa ng loko.
Lumapit ako at tumayo sa harapan niya dahilan para matigil sila sa pagtawanan. Napatingin siya sakin.
"Manases Lacsamana, mag usap tayo."
"Yun oh!"
"Sinusundo na si Manases ng girlfriend niya!"
"Iba ka talaga pre!"
Natawa si Manases habang ako naman ay napa-roll eyes na lang. "Sumunod ka."
Nag walk out na ako sa room nila at dumiretso sa likod ng building. Kailangan kong kausapin ang kumag na 'to. Pinagsamantalahan niya ang pagiging free data ko kahapon!
Tumigil na ako sa paglalakad at hinarap siya, "Now tell me, bakit mo ginawa yon? Alam mo bang sikat ka at dahil dyan sa ginawa mo ay masisira ang tahimik kong buhay?"
Bumuntong hininga siya, "Shane, dare lang yon."
Natigilan ako ng ilang minuto at saka sarkastikong napatawa, "Dare?! I can't believe you! First time na first time kong magkaka-boyfriend tapos dare lang pala. Well, Mr. Lacsamana--break na tayo!"
Tatalikuran ko na sana siya nang hinawakan niya agad ang braso ko at iniharap sa kanya. Napaatras ako nang makitang sobrang lapit na nang mukha niya sa akin.
Napatiim bagang siya, "Ms. De Leon, let me explain, will you?"
Sinubukan kong tarayan siya, "O-Okay whatever."
"I admit, nag umpisa tayo sa dare pero tangina, seryoso ako sayo. Do you think I just did that for fun?"
"U-Uhm..." napayuko ako. Kainis. Bakit ang hot niya pa rin kahit galit siya? Peste na yan.
"Matagal na kitang gusto, Shane. Dammit. Four years na akong patay na patay sayo! I did that because you can't see my value--and my love for you...kasi nga, lagi kang free data. Sikat ako sa school na 'to pero pagdating sayo parang hangin lang ako."
"P-Pero hindi pa rin tama na gamitin mo ang pagiging free data ko kahapon!" sumbat ko.
"About that... Sorry kung ginamit ko ang pagiging free data mo kahapon para makuha ka. Sorry, okay?"
Inirapan ko siya, "Nangyari na e. Ayusin mo na lang ang ginawa mo. Sabihin mo sa lahat na wala talagang tayo."
"Ayoko."
"H-Hoy! Anong ayoko ka dyan! Makikipag hiwalay ako sayo, sa ayaw at sa gusto--hmp!"
Nanlalaki ang mata ko nang halikan niya ako. Tinulak ko siya agad. "P-Peste ka! First kiss ko yun e!"
Ngumisi siya, "You're mine now, Shane. We already sealed our relationship with a kiss. Off limits ka na. Got it?"
--
By: Emma Yadani Writes
BINABASA MO ANG
Short Stories by Emma Yadani Writes
Short StoryStories from Ate Emma Yadani Writes. An author at FB. Im really inspired to her. I really liked her stories so you mustz read this. I just copy her own works. Well I just share this to SUPPORT her. And to read also by you. Please Vote Comment and sh...