029 | narration

616 26 1
                                    

Han Gi Ah
perspective

1 week ago.

Nang nagsimulang hindi magreply si Minho sa'kin. Nagsimula na akong mag-alala, he even told me he was sorry even though he did nothing wrong. Ano ba talagang nangyayari sa kaniya? Medyo kakaiba na siya these days.

Pinuntahan ko siya sa bahay niya pero sabi ng mama niya, wala siya roon. Nagtaka ako, hindi siya natutulog sa sarili niyang bahay?

I sighed as I reminded of our sweet memories.

Si Jisung din, medyo lumalayo na siya sa'kin simula no'ng nagalit sila Mommy sa kaniya. Settled na naman 'yong pinag-usapan nila. Humingi na ng sorry si Mommy kay Jisung pero parang hindi pa rin niya napapatawad.

I can tell na medyo galit sa'kin si Jisung. Wala naman akong ginawang masama.

No'ng wala si Jisung, mag-isa ako sa bahay. Our mommy and daddy are business enthusiasts. Masyado na silang naka-focus sa pagta-trabaho, pero iniisip pa rin naman niya kami at minsan ay umuuwi sila rito sa bahay kapag may occasion lang, like Christmas.

Nandito sa bahay namin si Brin at Riyu. Dumaan lang sila rito galing sa pamimili nila sa supermarket.

"Baka naman may problema lang si Minho sa buhay niya kaya hindi ka niya nirereply-an?" asked Brin.

"Eh bakit hindi niya sabihin sa'kin? Bakit niya nililihim? Girlfriend niya ako, 'di ba?" nalulungkot kong tanong. Nandito naman ako para sa kaniya, bakit niya ako iniiwasan? Nandito naman ako para tulungang solusyunan 'yong problema niya. Nakakainis lang.

Riyu grabbed my cellphone then scrolled our last conversation.

"Nag-sorry siya pero hindi niya sinabi kung bakit? Wow, tss." Riyu rolled her eyes. 'Buti na lang hindi niya dala ngayon 'yong bitterness niya.

"Boys, mga paasa talaga,"

Napatigil kami sa ginagawa namin nang dumating si Jisung.

"Jisung!" lumapit ako sa kaniya. Tumingin siya sa'kin pero parang may kakaiba talaga sa tingin niya. I don't know if he's angry or sad.

Ngumiti siya sa'kin nang tipid.

"Ate," sambit niya.

"Jisung, buti na lang dumating ka."

May binulong siya pero hindi ko masyadong narinig. Ano kaya 'yon? God, I'm curious!

Sinubukan ko siyang habulin pero pumunta kaagad siya sa banyo kaya hindi ko na siya nasundan pa.

Umupo na lang ako sa sofa dala-dala ang katahimikan. Tinabihan ako ng dalawa.

"Una, si Minho loves mo. Sunod si Jisung naman? Ano ba talagang nangyayari sa Earth?" tanong ni Brin.

"Hindi ko alam, pakiramdam ko may nililihim talaga sila sa'kin." mahina kong sabi.

"Then go and discover their secrets. Walang sikretong hindi nabubunyag," napatayo ako sa sinabi ni Riyu. Tama siya, kailangan kong alamin ang sikreto nila. I wanna know both of their secrets.

unloyal ╱ lee knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon