Han Gi Ah
perspective
District 9 Bus Station
Habang nakikinig ako ng paborito kong kanta ng BTS, nag-vibrate bigla ang cellphone ko nang nag-chat si Minho.
From: minho loves ♡
sorry hindi kita naihatid. ang sakit kasi ng katawan ko. by the way, chat me kung uuwi ka na para masundo na kita agad.
reply | ignore
Agad akong nag-reply.
To minho loves ♡:
okay!
Napangiti lang ako. It's been 1 year nung nakilala ko siya. Medyo hindi man maganda yung naging pagkikita namin from the start pero atleast nagkatuluyan kami right? He was the one who have fallen in love with me first. Mahal ko rin siya kaya niya ako niligawan agad and then we're decided to be together as a couple.
Mahal na mahal ko siya. I love Lee Minho, everything about himーhis laughs, his handsome features, his dancing skills, lahat. Kaya nga sabi ko, mawala lang ang lahat 'wag lang siya. Kasi nga hindi ko kakayanin, and I wish our relationship will last like forever.
I snap out of thoughts nang makita ko sila Riyu, Brin at Kris na naglalakad palapit sa pwesto ko. Umupo rin sila sa bleachers katabi ko.
"Kaloka, hinahanap ka namin nandito ka lang pala. Nakangiti mag-isa, si Minho na naman 'yan 'no?" said Brin, laughing. I looked at him with a pout and I nodded.
"Tsk. Respeto naman sa walang lovelife." napatingin ako kay Riyu na nakahalukipkip. Ang bitter ni ateng. Bakit ba kasi niya iniwan si Daehwi?
"Balikan mo na kasi si Daehwi." sabat ni Kris. I looked at her hairstyle, ang ganda niya tignan kapag nakatirintas.
"Asa siya. Ayoko na makipagbalikan do'n, bakla naman 'yon, eh," natawa lang kami sa expression ni Riyu. She just rolled her eyes.
"Hoy hindi, ah. Mahal na mahal ka kaya no'n. Manhid ka lang kasi," pinalo ni Brin nang pabiro si Riyu sa braso.
"Ikaw nga rin manhid, eh. Gusto ka na nga ni Felix hindi mo pa napapansin."
Nag-'ayieeee' kaming lahat kay Brin. Her cheeks and ears blushed, tumungo lang siya at nagtakip ng buo niyang mukha gamit ng kamay niya.
Ang cute niya kapag nag-b-blush.
"Hmp. Nakakainis kayo, wala akong gusto sa Yongbok na 'yon, 'no." she denies.
"Kahit meron?" pangugulit ni Riyu.
Riyu is known to be the noisy and cheerful one. May pagka-pilosopo rin. Bitter at sawi sa lovelife, kaya ngayon medyo naiinis siya kapag "naglalandian" daw kami ni Minho. She's pretty small but terrible, palaban kumbaga.
Sumabay lang kami ni Kris sa pangungutya kay Brin. Kitang-kita pa rin ang pamumula ng buo niyang mukha habang nakakagat yung pang-ibabang labi niya.
May pagka-boyish si Brin. She loves dark things, pareho sila ng kapatid niyang si Changbin. Ayaw niya nga mag-palda, eh. Kaya swag pants at oversize t-shirt ang suot niya ngayon. Typical Brin that I knew for many months.
Si Kris, she's beautiful among us. May pagka-wavy ang buhok niya. She's basically the quiet one. Hindi siya masyadong nag-iingay unlike Riyu and Brin, but that makes her more attractive especially to guys. Pero may boyfriend siya, and he's Bae Jinyoung. Ang sweet kaya nila sa isa't-isa.
Meanwhile Aria, she's meticulous. Maarte siya sa mga bagay at laging ka-asaran ni Riyu. Internet friend lang namin siya. Sa lahat ng mga naging kaibigan namin, siya lang 'yung hindi namin na-me-meet in personal. She said she's busy with taking entrance exam sa college na pinapasukan niya pero ngayon hindi siya makakapunta sa bonding namin dahil sa family things.
"Tara na nga, alis na tayo," napagdesisyunan naming pumunta ng Lotte World. Maganda raw kasi yung mga rides do'n, according to Riyu. Dala-dala na namin yung pera namin pamasahe papunta at pabalik at para sa entrance mamaya.
BINABASA MO ANG
unloyal ╱ lee know
Short Story❝hindi naman talaga ako loyal sa'yo. pampalipas-oras lang kita.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' lee minho © geonpyak [10/26/18 - 12/19/18]
