063 | narration

557 21 19
                                    


Han Gi Ah
perspective

Hindi na talaga ako mapakali. Kahit hindi pa 8 pm ay papunta na kaagad ako sa Get Cool bar. Si Minho kasi, hindi pa siya nagme-message sa'kin kanina pa. Ang huli ko lang natanggap ay ang pag-i love you niya sa'kin.

Bigla ko tuloy naalala yung predictions nila Riyu, posible kayang tama sila? Kaso wala pa silang ebidensya, kaya hindi ko kayang paniwalaan ang sinasabi nila. Mabait si Jisung, at hindi niya magagawa sa'kin 'yon.

Oo, nagalit na sa'kin si Jisung ilang beses na. Pero dahil lang 'yon sa galit din ng stepmom at stepdad ko sa kaniya kaya nadamay lang ako sa galit ni Jisung.

Hindi ako kailaman nagalit kay Jisung, not even an inch. Nagalit pa tuloy ako kila Riyu sa chatroom.

Makalipas ang halos tatlumpung minutong paglalakad, nandito na ako sa tapat ng Get Cool bar. Mula sa malayo ay rinig na rinig ko na ang lakas ng tugtugan. Nakakabingi tuloy pero dahil dito yung meeting place na sinasabi ni Aria, wala na akong magagawa.

Teka, speaking of Aria, nasaan na sila?

Nagagalit ako kay Aria dahil hindi man lang siya makapagpaliwanag kung bakit siya nagagalit sa'kin, eh wala naman kasi akong ginagawa sa kaniya. Tinuring ko pa naman siyang kaibigan, pero bakit gano'n, parang hindi gano'n ang turing niya sa'kin? Nakakainis lang.

Pumasok na ako sa loob pero iba ang nadatnan kong scene.

Hindi ako makapagsalita. Nakatutok lang ako sa kanila.

Pinilit kong hindi umiyak pero hindi ko na talaga kayang pigilan 'yung luha ko. My tears started to stream down.

Ito na ba 'yung sinasabi ni Aria na hindi ko dapat siya bigyan ng second chance? Ito na ba 'yon?!

I wiped my tears. Hindi ko alam kung isa ba 'to sa mga plano ni Aria, o siya lang talaga 'yong nanloloko sa'kin. So totoo ngang hindi nagbago ang pagiging unloyal niya? Akala ko ba hindi na niya ako lolokohin?

He looked at me without any regrets. He just continued kissing and f*cking with...another girl.

Kumuha ako ng isang bote ng gin at tinaktak ang laman sa kanila. The lady with a lot of make-up onto her face glared at me.

"Excuse me?! Sino ka ba para istorbohin kami, ha?" the lady hissed. Umirap ako kahit na may pumapatak pang luha galing sa mga mata ko.

"Excuse you, boyfriend ko 'yang inaahas mo!" hindi ko na mapigilang sumigaw. Napatingin ako kay Minho, he's looking at me blankly.

"At ikaw, akala ko ba nandito si Aria? Nambabae ka naman pala! Hindi ka rin tumino, 'no? Papangako-pangako ka diyan, tapos hindi mo rin pala tutuparin!" sigaw ko. Wala na akong paki kung maraming nanonood sa'min. Sobrang sakit na ng puso ko, pakiramdam ko hindi na ako makahinga.

"Ewan ko sa'yo," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Salubong pa ang kilay niya at namumula ang buong mukha niya. Uminom siguro.

"What?! Gumising ka nga! Girlfriend mo ako 'di ba? Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?! Akala ko ba loyal ka sa'kin?!" sunod-sunod na tanong ko. My tone was sarcastic yet hurting.

"Hindi naman talaga ako loyal sa'yo, pampalipas-oras lang kita."

I'm loss at words. Nanghina ang tuhod ko, hindi na siya ang Minho na nakilala ko.

Naniwala pa naman ako sa kaniya na magiging loyal siya sa'kin, naniwala pa naman ako na magiging okay ang relasyon namin. I guess, I got scammed. Naniwala kasi ako agad, hindi ko muna siniguro kung magwo-work ba talaga 'tong relasyon namin. I kept on thinking that things are going smoothly as it is.

"See? Pampalipas oras ka lang naman pala, eh. So back-off and find another guy, pathetic girl!" hindi ko na pinakinggan ang sasabihin niya nang nagmadali akong umalis sa bar, habang nag-uunahang pumatak pababa ang luha ko. Dahil hawak ko naman 'yung bote ng gin, I drank its contents. Masakit pero masarap pala sa pakiramdam.

I wiped my tears. Tama na, ayoko nang umiyak ako. Mukha akong tanga , promise.

Honestly, ang tanga ako. I got scammed by my boyfriend, I mean ex-boyfriend.

I didn't say I broke up with him officially pero sa tingin ko, wala nang patutunguhan ang relasyon namin.

I was about to hail a taxi to get home but I suddenly heard the sound of an upcoming vehicle.

unloyal ╱ lee knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon