046 | narration

540 22 0
                                        

Han Jisung
perspective

I was about to confess him my sin when the door suddenly opens.

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkalito at pagkagulat.

Alam na niya kaya kaya ganoon na lang ang reaksyon niya?

Napatingin ako kay Minho. He also gave me a puzzled look. Hindi ko na pala naituloy ang sasabihin ko dahil kay Ate. Dahil natatakot akong malaman niya ang kasalanang ginawa ko.

Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Sobrang mali ang ginawa ko, hindi ko dapat ginawa ang bagay na 'yon, pero anong magagawa ko? Nagawa ko na, at kailangan kong humarap sa napakaraming consequences.

Naiinis ako sa sarili ko. Ang gago ko, ngayon ko lang naisip 'yon kung kailan huli na.

"Ahh, o-oo nga pala. Baka kinain na ng pusa 'yong pagkain sa kusina," pagbasag ko sa katahimikan. Hindi tama 'to, masyadong alanganin ang sitwasyon dahil ayokong malaman ni Ate ang kasalanang nagawa ko.

Iniwan ko muna sila at pumasok na sa loob ng bahay.

Nakita ko pang niyakap ni Minho ang ate ko. I just closed my eyes, my heart's beating so fast. Tangina, 'buti na lang nakaisip ako ng alibi, kung hindi...huli na.

Nanghihina ang tuhod kong umupo sa sofa. Tulala akong nakatingala sa kisame.

I'm scared, natatakot ako kung sakaling mamulat siya sa katotohanan. Hindi ko naman talaga ginusto 'yon, eh. Nadala lang ako ng galit...

Napatakip ako ng aking mukha dulot ng konsensya. Is this really my bad karma?

unloyal ╱ lee knowMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon