013 | narration

740 35 18
                                    

"Ayoko na!"

Sigaw ni Brin habang nakahawak sa ulo niya. Nahilo yata siya sa viking. Umupo lang ako sa isang upuan, medyo nakakahilo nga talagang mag-rides.

"Tangina! Konti na lang tatalsik na tayo, eh." sabi ni Riyu.

Tinignan ko si Kris, tahimik lang siya. Hindi ba siya natakot? Buti pa siya.

"Paano kaya 'pag nandito yung maarteng Aria na 'yon? Baka mamaya mahimatay agad 'yon," tumawa lang si Riyu.

"Gia!" yumakap sa'kin si Brin habang kunwaring humahagulgol. "Umalis na tayo rito, gusto ko nang umuwi!"

"Boyish ka ba talaga, Brin?" tanong ni Kris

"Oo boyish ako pero takot ako sa rides pistengyawa! Nagsisisi talaga akong sumama ako!" kumalas siya sa yakap at sinamaan ng tingin si Riyu.

"Hoy, bakit ba kasi sa Lotte World pa tayo pumunta? Pwede namang sa Han River na lang! Pagmamay-ari naman 'yun nila Jisung at Gia, eh." sigaw ni Brin. Tumawa kaming lahat dahil do'n sa Han River. Grabe porque han lang apelyedo namin, kami na nagma-may-ari no'n?

"Sige ba sa Han River tayo, pero dapat dun ka kumuha ng tubig mo, ah." napahagalpak ako ng tawa. Si Riyu kasi, eh!

"Walanghiya ka, Riyu Kim!" napasimangot lang si Brin at akmang sasapakin si Riyu.

Palabas na kami ng Lotte World. Mag-aalas-tres na ng hapon. Naalala ko yung bilin sa'kin ni Minho na i-chat ko siya kapag uuwi na ako.

"Girls, sasabay ako kay Minho pauwi. Kaya kayo na lang mag-sabay-sabay" paalam ko sa kanila. Tumango silang dalawa maliban kay Riyu na busing-busy sa pag-se-cellphone.

"Okay, ingat ka, Gia." sabi ni Kris. Nginitian ko lang siya.

"Gia naman, eh. Pwede bang tumanggi ka na lang kay Minho? Joke lang, sige na!" niyakap ako ni Brin at pinisil ako sa pisngi.

Lumapit sa'kin si Riyu with her blank expression.

"Sige na, doon ka na. Enjoy your paglalandi, ha," hindi ko alam kung galit ba siya o nagkukunwari lang siyang gano'n, but nevertheless, I smiled then pat her head.

Mayamaya, nag-chat na ako kay Minho na sunduin na ako sa labas ng Lotte World.

Pero makalipas ng ilang minuto, hindi pa rin siya nagre-reply.

"Bes, kanina ka pa tulala, ah. Nag-reply na ba siya?" nilapitan ako ni Brin. Tumango ako. "Oo, eh. Baka busy lang."

"Diba hindi ka na niya hinatid papunta sa District 9 bus station? So hanggang ngayon wala pa rin? Hala kabahan ka na, Gia! Baka mamaya..." napatigil si Riyu sa pagsasalita nang mag-vibrate ang cellphone ko. Nag-reply na siya!

Dali-dali kong chineck ang messenger ko but it turned out na hindi pala si Minho ang nag-chat kundi unknown person. Napasimangot ako habang binabasa yung isang message.

From: Ganda Ko
hi palite po ng profile pic ko please i need dunatoins. if you lite my profile pic, it mens i'm beutyful! heheheh
reply | ignore

Napakunot ang noo ko. Anong pinagsasasabi niya? Hindi ko ma-gets.

"Jusko! Sino ba 'yan at tuturuan ko nga ng english grammar," Riyu said in between her laughs.

Tumawa lang kaming apat. Nakaka-good vibes naman 'tong text na 'to. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa, eh.

After a couple of minutes, he finally replied.

From: minho loves ♡
papunta na ako diyan. sorry may ginawa lang.
reply | ignore

Lumawak ang ngiti sa labi ko.

"Ayieee! Nag-chat na siguro yung bebelabs niya kaya na siya nakangiti." Brin commented.

"Walang forever, pwe!" sabi ni Riyu in her bitter mode. I look back to my cellphone. Akala ko hindi na naman na siya dadating.

Dumating na yung bus na kanina pa nila hihintay. Sumakay na sila do'n.

"Bye bye!" kinawayan ko sila while smiling. Umalis na yung bus na sinakyan nila.

"Hi babe," a sudden voice appeared in my left ear.

"Ay Minho!" nagulat ako. It sent me chills, nagtaasan tuloy 'yung balahibo ko sa boses na 'yon. It really sounds like him.

"Did I startled you? I'm really sorry kung hindi ako nakarating kanina--"

"It's fine!" pagputol ko agad sa sasabihin niya. He smiled genuinely and dang! His visuals are attacking me right now!

"Let's go?" he offered his hand in front on me. Agad kong tinanggap 'yon. Magkahawak-kamay kaming naglakad sa sidewalk.

unloyal ╱ lee knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon