Han Gi Ah
perspective
Mugtong mugto na 'yong mata ko. Tuwing naalala ko 'yong picture na sinend sa'kin ni Aria. Ang sakit, thinking that you're just replaceable with an another girl.
I believe that he has his side, so I couldn't give up our relationship.
Paano kung hindi naman talaga siya seryoso sa'kin? Paano kung pinapaasa niya lang talaga ako? Paano nga kung nagbalik siya ulit sa dati niyang gawi?
I sighed deeply as I stare at our wallpaper. Nakangiti kami pareho sa labas ng lotte world noong pagkatapos naming mag-bonding ng mga kaibigan ko.
Ayoko nang umiyak, tama na please.
I'm still waiting for Minho to come and explain everything, pero parang wala siyang balak magpaliwanag. Does it mean...he did it on purpose and not accidentally?
Mahal na mahal ko siya pero bakit gano'n? Parang hindi pa rin niya ako sineseryoso? Ganoon na lang ba ako katanga para hindi ko mapansin na kaya siya nag-so-sorry sa'kin dahil sa ginawa niyang 'yon? I was so naive, hindi ko pinairal ang critical thinking ko, puro na lang blangko ang utak ko. I even said he had problems, pero nagtapos din naman talaga sa problema.
"Ate, kain na," napalingon ako kay Jisung na naghahanda ng pagkain. Everytime I looked at him, he's gloomy. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya, kapag tinatanong ko siya, he keeps avoiding. 'Yong ang lapit ko na sa kaniya pero malayo talaga. So close yet so far away.
I admit, noong tinanong ni Riyu noon na kung magkapatid ba talaga kami ni Jisung, iniwasan ko ang tanong na 'yon. Because I'm fully adopted, hindi ko alam kung sino ang tunay kong magulang. My stepmom said I was left behind when I was mere child, sinadya nilang iwan ako sa malayong probinsya para hindi ko na sila tuluyang makita pa. Then, they saw me dahil wish nilang magka-anak na babae, pero hindi natupad 'yon dahil nagkaproblema sa matris ang mom ko.
Habang nasa pangangalaga nila ako, Jisung was born in miracle. Akala ko mamahalin nila na parang tunay na anak si Jisung but sadly, they both hated him. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit. Masyado pa ring kumplikado sa ngayon.
Therefore, Jisung is real while I'm just adopted. Kahit isa lang akong hamak na estranghero sa pamilya nila, they treat me na parang tunay nila akong anak. That's why naging Han din ako. Tinrato ko rin na parang tunay na kapatid si Jisung, pinoprotektahan ko siya sa lahat ng oras at tinutulungan sa lahat ng bagay.
Nang makaupo na ako sa hapagkainan, Jisung looked at me with dark expression.
"Ate, niloko ka ni Minho, 'di ba?" he asked. Napayuko ako at kinagat ang labi ko.
I nodded as I tried not to cry.
Ang dark ng atmosphere, nakaka-overwhelm na concerned sa'kin si Jisung. Akala ko hindi na niya talaga ako ako papansinin.
Tumikhim si Jisung before he finally speaks. "Hindi naman sa nangingialam ako pero..."
"Pero?" umangat ang ulo ko.
"Makipaghiwalay ka na kay Minho, he doesn't deserve your tears."
BINABASA MO ANG
unloyal ╱ lee know
Historia Corta❝hindi naman talaga ako loyal sa'yo. pampalipas-oras lang kita.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' lee minho © geonpyak [10/26/18 - 12/19/18]
