Han Jisung
perspective
Nandito ako sa bahay, nanonood ako ng tv. Kakauwi ko pa lang galing bar, I hang out with my friends there.
But I'm just lying.
Tatanungin ko ang sarili ko, nakaganti na ba ako kay Ate? Kamusta na kaya 'yong pagkakita niya kay Minho na nanloko sa kaniya?
The truth is, pumunta ako sa bar para sa isang malaking palabas.
[1 hour earlier]
"J-Jisung," sabi niya pagkainom niya ng vodka na kakabigay ko pa lang sa kaniya.
"Bakit?"
"Hindi pa kasi nadating si Aria, alas-syete na ng gabi." tumikhim ako matapos niyang sabihin 'yon. Kung alam mo lang, Minho. Kung alam mo lang.
"Ah ano, m-may aaminin sana ako sa'yo." puta, bakit ako nauutal?
"Ano?" namigat ang talukap niya. Siguro inaantok na siya dahil sa nilagay kong gamot sa inumin niya.
"Si Aria, hindi na siya dadating," sabi ko habang kinakabahan.
"What do you mean?" napakunot ang noo niya.
"Kasi ako 'yon."
Hindi na niya narinig ang sinabi ko nang makatulog na siya nang tuluyan.
[end]
Naglagay ako ng pampatulog at pampahyper sa inumin niya, which cause him to forget everything. Isa pa 'yung vodka doon sa bar, medyo mataas ang alcohol content no'n, that's why wala na siya sa sariling katinuan.
Wanna know the reason why I'm doing this?
Todo na lang ang inis ko noong ipinanganak ako nila mommy at daddy tapos hindi nila ako tinuring bilang anak. Lahat na lang ng gusto ko, hindi nila binibigay. Wala silang konsiderasyon pagdating sa'kin. Samantalang si Ate Gia, palagi na lang nasa kaniya ang atensyon nila. Ako ang tunay na anak pero hindi nila ako magawang mahalin. Mas mahal pa nila 'yung ampon, 'yung peke.
Noong grumaduate ako sa middle school ko dati, ganoon din 'yong araw na grumaduate si Ate Gia sa high school. Naging salutatorian ako, pero hindi proud sila mom at dad. Ginawa ko naman ang lahat para maging proud sila sa'kin, nag-aral naman ako nang mabuti. Binuhos ko lahat ng effort ko sa pag-aaral pero parang hindi 'yon sapat. Kaya sa araw ng graduation ko, hindi ako pinuntahan ng magulang ko. Instead, they went to my sister's graduation dahil lang nakamit niya ang pagiging valedictorian.
Noong may investors na dadating sana sa company na pagmamay-ari ng dad ko, I should be the one to attend and report pero naunahan ako ni Ate Gia, so I missed the chance to appear on everyone, palagi na lang kasi nasa kaniya ang atensyon ng lahat.
Palagi na lang siya ang napapansin. Samantalang ako, I worked hard pero balewala lang sa kanila. I felt horrible, sobrang uhaw ako sa atensyon. Dahil 'yon sa pamilya ko. Dahil 'yon sa kaniya.
I got scolded by my parents a lot. Kesyo bakit puro daw ako ganito, gan'yan, bakit daw palpak ako, bakit daw nabuhay pa ako.
Edi sana hindi niyo na lang ako pinanganak, 'di ba?
Kaya nagrebelde ako. Alam kong mali pero ginawa ko pa rin, kasi nga nauunahan ako ng galit at pagkainggit.
There were times that I feel sorry but not sorry. Kasi gusto ko maranasan kung paano makaganti.
She's my rival, not in a single thing. but on everything.
I also want to confess that Aria, which account was used by me is my first love. However, she passed away due to car accident.
Siya lang 'yung nakakaintindi ng lahat ng sakit na nararamdaman ko, as in siya lang 'yung taong nagparamdam sa'kin ng salitang "pagmamahal". Why is it that one person who can truly understand you is the one who's unfortunate to die?
Losing her hurts me like a hell. Until now, I'm missing her so much.
Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga at napahawak sa dibdib ko. Ang sakit lang sa puso na balikan ulit ang alaala.
Ililipat ko na sana sa ibang channel ang tv dahil sa boring na balita pero nahagip ng mata ko ang isang headline.
"10 patay, 20 ang sugatan dahil sa bus na napagkamalang nawalan ng preno."
Tinignan ko ang lugar na pinangyarihan. Shit, malapit sa Get Cool bar. Mukhang hindi maganda ang kutob ko.
BINABASA MO ANG
unloyal ╱ lee know
Historia Corta❝hindi naman talaga ako loyal sa'yo. pampalipas-oras lang kita.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' lee minho © geonpyak [10/26/18 - 12/19/18]
