Han Gi Ah
perspectiveKaririnig ko lang ng doorbell nang mapagtanto ko na kung sino 'yon.
Si Minho.
Nagla-lunch ako kasama si Jisung. Walang gumagalaw sa'min, hindi ako makatayo dahil hindi ko alam kung ano pang sabihin ko kapag nakinig pa ako sa mga sasabihin niya.
Malinaw na sa'kin ang lahat. Ako lang talaga 'tong nagtatanga-tangahan dahil hindi ko man lang inalam kung loyal ba talaga siya sa'kin, at ito na 'yon. I've hurted because I'm such an idiot.
What Kris have said was convincing. Meron talagang cure para sa nasaktan kong puso.
Noong sinabi ni Jisung na makipagbreak ako sa kaniya, I didn't do what he told me to do so. Ayokong mangyari 'yon. Okay nang masaktan nang paulit-ulit kaysa sa makipag-break sa kaniya.
Pero gan'yan talaga, eh. Nasaktan ako ng taong mahal ko. Hindi ko kaya na mawala siya, hindi ko kakayanin. Oo na, ako na martyr. Oo, ako na 'ata ang pinakatangang tao na nakilala niyo.
Napatigil ako sa pagkain nang tumayo si Jisung at lumabas. Iniwan ko muna saglit ang pinagkainan sabay pumunta sa bintana. He's already there.
"Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Jisung.
"Nand'yan ba si Gia?"
"Oo, kumakain." Jisung responded.
"Sorry, 'di ko talaga sinasadya--"
"Puro ka na lang sorry! Nakakapikon ka na promise!" napa-awang ang bibig ko sa sudden outburst ni Jisung. 'di ko inaasahang magiging gano'n ang reaksyon niya.
"Niloko mo siya di ba?! Bakit hindi ka sa kaniya mag-sorry? Bakit sa akin ka na lang lagi? Ha?!" napakuyom na ang palad ni Jisung sa sobrang galit. Naiintindihan ko na, dahil tunay na kapatid talaga ang turing niya sa'kin. I smiled at the thought of it.
"I told her na makipagbreak sa'yo pero hindi niya ginawa. Palibhasa kasi ang martyr! Basta talaga ikaw wala siyang pakialam kung lokohin na siya, eh!"
"No, Jisung. Huwag mong gagawin 'yan. Alam mo namang mahal na mahal ko si Gi Ah..."
"Ayoko kayong nakikita pareho. Ang sakit sa mata." nanlaki ang mata ko at nanginig ang binti ko. Anong ibig sabihin ng sinabi niya?
"Dapat pala hindi niya nakatuluyan ang isang playboy at fuckboy na katulad mo. Dapat pala nilayo ko na siya sa'yo noon pa." naramdaman ko na naman ang luha kong umaagos pababa. I wiped it with my bare hands.
"Bakit mo ba sinasabi ang mga 'yan?"
Nakita ng dalawang mata ko ang pagyuko ni Jisung. I can tell he's crying.
Makalipas ang ilang minutong katahimikan, nagsalita na din si Jisung.
"Dahil gusto k--"
Aksidente kong nabuksan ang pintuan at nagitla sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala...
May gusto si Jisung kay Minho?
BINABASA MO ANG
unloyal ╱ lee know
Short Story❝hindi naman talaga ako loyal sa'yo. pampalipas-oras lang kita.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' lee minho © geonpyak [10/26/18 - 12/19/18]