Simula

423 22 1
                                    

OMNISCIENTE

Intramuros 2018
Isang pangkaraniwang araw ang bumungad sa umaga ni Clarita. Parang ang nakagawian lang ang gagawin niya. Pagkatapos kumain ay naligo't umalis na papasok sa paaralan.

Nang-makarating sa paaralan ay agad niyang binuksan ang reviewer niya sa Pilosopiya dahil mayroong pagsusulit na magaganap. Sa hindi malamang rason ay bigla siyang nahilo. Nakarinig ng boses na di pamilyar.

"Clarita Regina del Vicenzia? Iha, hindi ba?" napaigtad si Kristina nang may nagtanong mula sa likuran na boses ng isang matandang babae.

"P-po?" ang tanging naisagot niya. Ngunit walang tumugon pabalik kaya't nagtataka siya at marahang lumingon patalikod. Ngunit hindi niya magawang lumingon.

"Ara! ARA!! Clara!! Hoy CLARITA!! Gising! Gumising ka?! Anong nangyari sa'yo?" ang mga salitang bumungad sa kanya. Bagama't siya'y nagtataka kung ano ang nangyari sa kanya at nakabulagta siya sa sahig ay kinalma ang sarili't umupo sa upuan.

"A-anong nangyari sakin??" dahan-dahan siyang nagtanong.

"Wala kang maalala? Noong papasok ka pa lang sa classroom natin eh nahimatay ka na. Pinilit ka naming gisingin. May 4 o 5 minutes ka na atang walang malay." nagtataka ang pinapakitang ekspresyon ng kanyang mukha. Kahit ayaw niya nang usisain ang pangyayari ay napatanong siya dahil sa pagka-gulat na hindi nangyari ang alam niyang pangyayari.

"Ha? E-eh ibig sabihin di ako nagbukas ng filler notebook ko? Di ko binuksan ang bag ko? O umupo man lang?" sa kalituhan ay napatanong na siya.

"Hindi ah. Ano bang sinasabi mo Ara? Eh nasa likod mo ako. Ni-hindi ka nga matawag eh. Ni-ayaw mong lumingon o kumausap kanina. Akala ko nga bad mood ka eh."

"Talaga ba? Paanong nangyari yun? Ang alam ko ehh....."

"Nako. Gutom lang yan. Tara, wag mo sobrahan ang aral. Di makbubuti yan sa'yo. Masama ang sobra!" Kahit pa kumain na siya'y sumama na lang siya sa kaibigan na si Friah.

Ngayon ay gulong-gulo siya kung paano nangyari ang kanina ngunit ang sabi ng kaibigan ay hindi naman.

Pumatak ang oras ng pagsusulit para sa Pilosopiya. Ang susunod na asignatura'y politika.

"Constitucion de las Islas des Filipinas. May konstitusyon at batas na noon. Panahon pa lamang ng pagsamba ng mga babaylan sa mga anito ay may batas na ang etnikong Pilipino. Hindi sila ignorante, bagkus may pinuno rin silang hinihirang at iginagalang na parang ang Pangulo sa panahong kasalukuyan. Gayun nga lang ay bawat tribo ay mayroong namumuno."

Buong araw ay lumipas. Tulad ng nakagawian pag may libreng oras ay minabuti niyang magbayad sa Simbahan ng San Agustin para tingnan ang Museo sa loob nito.

Pag-pasok sa simbahan ay parang mayroong batubalaning humihila sa kanya sa loob ng isang silid sa Museo ng San Agustin. Kahit bawal ay tinangka niyang pasukin sa unang pagkakataon.

Pag-pasok niya'y nagulat siya pagkat mga lumang larawang ipininta't mga antigong kagamitan ang naparoroon na nakasalansan ng maayos at parang hindi pinupuntahan at hindi pa nalilinis.

Napukaw ang atensyon niya sa isang salaming maliit na animo'y diyamante ang kinang ng salamin kahit kaunti lang ang ilaw na sumisinag rito. Kahit antigo ay mukha itong bago. Hinawakan niya ang salamin at sinipat ang disenyo. Dahil nga siya ay matuwain sa makalumang kultura'y manghang-mangha siya kung gaano ka-pulido ang pagkaka-gawa rito.

Ilang saglit pa'y may narinig siya boses ng matandang babae ulit. Kawangis ng natinig niya kanina.

"Iha. Clarita. Halika't lumapit ka." sa kilabot na nadama niya'y ibinaba ang salami't umalis na sa silid. Kahit mayroong Camera'y ipinagsawalang-bahala lang niya ito at dirediretsong lumabas.

Intramuros: En El Siglo Diecinueve Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon