Dos

362 12 2
                                    

OMNISCIENTE

INTRAMUROS 1888

Maagang nagsisipag-ayos ang mga tao sa tahanan ng mga del Vicenzia. Malaki ang bahay nila, pang-ilustrado sa panahon ng ika-labing siyam na siglo. Para bang mansion kung ikukumpara sa bahay sa panahong ito.

                   Marahil ay nakapagtataka at mayroong bahay sa loob ng Intramuros. Ngunit ang pamilya nga nila'y nakatira sa Intramuros. Sa laki nitong 67 na ektarya, dalawa't kalahating ektarya ang sa mga del Vicenzia at dalawang ektarya ang sa mga Claveria.

Taniman ng palay, pinya, tobacco, mais at iba pang gulay at prutas ang isang ektarya na pinapangasiwa ng kanyang ama sa katiwala niyang Indio. Sa tanimang ito kumukuha ng pang-araw-araw na panggastos ang mga taong naninilbihan sa kanila.

Ang pinakamaliit na sukat ng lupa ng taga rito sa Intramuros ay isang libong metro kwadrado. Ang mga may lupang gaoon kaliliit ay "may kaya" lamang.

Dahil nga parating ang mga Malvar ay napag-pasyahan ng mga del Vicenzia na pagandahin ang ayos ng lamesa at silya nila. Pati ang mga kurtina ay pinalitan din. Abala namang magpapitas si Don Alfredo ng mga mais at pinya para maihain sa kanilang panauhin. Habang ang tatlong binibini ay abalang ayusin ang kanilang sarili para magmukha raw itong mga presentable kahit sila ay kapwa maganda na.

                          Kaibigang matalik ni Don Alfredo si Don Marinio Clavería kaya't ayaw niyang mapahiya siya rito. Bilang paggalang na rin ay inayusan niya ang kanyang hacienda para maipadama na ikinagagalak nito ang kanyang pagdating.

                            Ang dalawang pamilya ay kapwa mayaman. Sila lamang ang dalawang pamilya na nagmamay-ari ng Bapor. Dahil nga pareho ng trabaho ang dalawa, kapwa magkasosyo rin sila sa negosyo kung may pagkakataong pagsasamahin sila.

                             Habang abala ang lahat, pinili naman ni Clarita na tumulong sa pagluluto. Bagama't nakapag-ayos na siya kanina, hindi pa niya sinuot ang kanyang magarang baro't saya. Nagluto siya ng Bibingka bilang panghimahas nila pagkatapos manginain ng kanin.

                               Ang pagluluto ng bibingka ay natutunan ni Clarita ng kasalukuyang panahon sa kanyang lola. Dahil rito ay nangulila siya sa kanyang pamilya sa panahong kasalukuyan.

CLARITA

"Anak, bakit ka nagluluto? Baka marumihan ka pa." bahagyang nagulat ako sa biglang nagsalita mula sa likuran. Si Ina pala.

"Gusto ko lang ipatikim sa panauhin natin ang niluto 'kong Bibingka." at mukhang nagulat si Ina sa sinabi ko. Shocks! Di pa ba uso ang bibingka sa panahong ito? Marunong naman magluto si Clarita hindi ba? O hindi?

"Anak, alam kong nagluluto ka ngunit ngayon ko lang nalaman na kaya mo ang pagluluto ng mga kakanin. Saan mo naman iyan natutunan? Mabuti pa ay turuan mo ako. Sigurado akong napakasarap ng niluluto mo anak." ay ganun. atlis nagluluto diba? Alibi na lang hehehehe.

"Ah...Ina n-noong natikman ko po yung Bibingka, nalasahan ko po ang mga rekados kaya po sinubukan kong magluto. Baka po kasi kayanin ko. Pero hindi po ito kasing-sarap ng mga orihinal na nabibili sa may tabi ng simbahan at sa plaza, baka po ma-disapp-ma-ma-bigo lang po kayo pag tinikman ninyo. Sinubukan ko lang naman po. Baka po sakaling maayos at pwedeng ihain mamaya sa hapag." mama,ma-disappoint ka pa. Bakit ganito?? Pinahihirapan ako ng past. Ang hirap mag-tagalog ng diretso. Mukhang naguluhan din si Ina sa pinagsasabi ko. Pero ano ba ang pangalan ni Ina???

Intramuros: En El Siglo Diecinueve Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon