Uno

320 15 1
                                    

CLARITA

INTRAMUROS 1888

                         Ang bigat ng pakiramdam ko't medyo nahihilo nang magising ako sa loob ng isang kwarto. KWARTO??! Hindi akin 'to. Tama ngang sa kwarto ang huling pinuntahan ko kasama si Sister, pagkatapos nun ay hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari.

                             Nasaan nga ba ako?? Nakidnap na yata ako! WAHH! Teka kalmahin muna ang sarili. Nasaan nga ba muna ako?! Ang init at ang dilim ng kwarto. Parang bodega na hindi ko maipaliwanag kung anong meron. May kama naman ngunit walang ilaw. May bintana, bintanang CAPIZ?! Whoa, classic. Asan nga ako?! Si sister ba talaga ang kausap ko kanina?? O nagha-hallucinate ako?? Hindi ko na alam talaga! Sumigaw na lang kaya ako?

"TULONG!! TULONG!! TULUNGAN NINYO AKO!!!" biglang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng may hawak na GASERA?!?!! Na para bang walang kuryente?! Teka hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Ang edad niya'y matanda lamang sa akin ng kaunti. Mayumi ang mukha at naka-BARO'T SAYA ng mga katulong na namamahay noon?! Aba, mayroong ganito pa ngayon?! Hotel ba ito na ganito ang konsepto?! Paki-explain.

"Binibini? Ano ho ang nangyayari? Masama ho ba ang pakiramdam ninyo? Nanaginip ho ba kayo ng hindi maganda?"

"SINO KA?! 'WAG MONG TANGKAING LUMAPIT!" hindi ko pinansin ang sinabi niya't sumigaw ulit ako. Naguguluhan ang mukha niya sa naririnig. Pero bakit?! Bakit BINIBINI?!

"Saglit lamang ho binibini. Hindi niyo ako naaalala? Masama ho ba ang pakiramdam ninyo? mayroon ho ba kayong nakaing di maganda? O nanaginip po kayo ng masama? At ang damit ninyo? Saan nagmula iyan? Bakit hindi ho kayo naka baro't saya. Magbihis na ho kayo at pumanaog para sa hapunan. Makakagalitan ho ako ni Señor at Señora." señor? señora? nahihibang na ba siya o ako ang nahihibang. Naguguluhan na ako. Pahingi ng sagot.

                  Nang kakausapin ko na siya'y parang may kakaiba't ayaw niyang kumilos. Nakatitig lamang siya sa akin. Matigas na para bang inukit sa bato.

"IHA! CLARA!" boses nanaman ng babae. Pamilyar na boses ng matandang babae. Si sister!

"SISTER?! Saan ho kayo nagmula?!"

"Iha, hindi iyon ang mahalaga. Ngunit ito, ito ang mahalaga. Halika't ililibot kita."

"Teka lang po sister. Bakit ayaw niyang gumalaw?! Patay na po ba siya?!"

"Mamaya na ang paliwanag. Halika na."

                         Papalabas na kami ng silid nang mapansin ko'ng kakaiba ang kasuotan ng mga nasa bahay. Naka baro't saya nga sila kawangis ng nasa mga pagsasatao ng makalumang Pilipina noon.

Ang mga muebles ay mukhang antigo rin. Para akong nasa pangarap ko. Asan ng ba talaga ako?! Kahit maganda ang paligid eh parang kinikilabutan ako.

             Binuksan ni sister ang ilaw sa bahay. Makaluma talaga ang dating. Lalo na't may ilaw. Nakakakilabot talaga. Ang chandelier puno ay ng mga kristal na kumukutitap dahil sa ilaw.

"Clarita, makinig ka. Oo tama ka't makalumang Pilipina sila. Gayun din ikaw sa panahong ito. Pati ang Pilipinas ay makaluma. Ngunit ang edad mo ay ganun parin mapa-bago o lumang panahon."

                          Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Sister pero ayokong putulin kaya't nakinig na lamang ako.

Intramuros: En El Siglo Diecinueve Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon