Prologo

571 21 5
                                    

Intramuros 2018

"Intramuros, isa sa pinakamakasaysayang lugar sa Pilipinas. Nabuo sa tulong ng mga Inhinyerong Español sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi. Sinasabing mahal niya ang Espanya at napamahal siya sa tinaguriang 'Pearl of the Orient' o ang Pilipinas kaya naman hinango niya ang Intramuros sa mga impraestraktura sa Espanya upang mas palawigin ang kultarang Espanyol at maturuan ang Pilipino ng kultura at kaugalian nila. Ang kanyang mga labí ay nakaratay sa Simbahan ng San Agustin na matatagpuan sa Intramuros din. Ang simbahang San Agustin ay nabuo sa pamamahala Miguel Lopez de Legazpi.
Ang Intramuros ang pinakamaliit na siyudad sa loob ng isang siyudad noong panahon ng pananakop ng Espanyol. Ito ay ang tinaguriang Walled City pagkat palibot ito ng pader na nagsilbing proteksyon kahit paano noong digmaang pandaigdig. Ito ay mayroon noong dalawang unibersidad na tanyag parin hanggang ngayon, ang Ateneo Municipal at Unibersidad ng Santo Tomas. Dito rin matatagpuan ang isa sa pinakalumang paaralan ng Pilipinas, ang Colegio de San Juan de Letran na kung saan pinag-aralan ng mga dating pangulong Emilio Aguinaldo at Manuel L. Quezon. Gayundin ang pambansang bayaning si Jose Rizal ay nakapag-aral sa paaralang ito. Marami pang paaralan ang naparito noon, pati ang mga simbahan at ang Fort Santiago na nag-silbi noong taguan ng mga armas, bala, kanyon at kulungan ng mga nasasakdal. Ang lugar kung saan huling sumulat si Dr. Jose Rizal ng Mi Ultimo Adios bago ang huli niyang araw sa mundo.
Ilan pa lamang ito sa impormasyong maibabahagi ko sa unang yugto ng ating City Tour. Maya-maya habang nililibot natin ang Intramuros ay ipapaliwanag ko ng mas malalim ang mga pangyayari sa bawat gusaling ating madadaanan."

Alam niyo kahit dito ako nakatira sa Intramuros, tuwang-tuwa parin ako habang pinakikinggan ang mga nagc-city tour. Yung tipong kahit araw-araw eh nakikita ko ang mga gusaling ito mula paggising, pagtulog at pagbukang-liwayway eh hindi ko magawang masawa sa mga impormasyon at kasaysayang nabuo sa Intramuros sa pagdaan ng panahon.

Sabi nga ng mga kaibigan ko eh nagsasayang ako ng pera dahil halos araw-arawin ko raw ang pagsakay sa kalesa at mag-bayad ng city tour tuwing free time namin. Siguro ay napamahal lang ako sa bansa ko at pinahahalagahan ko ang mga nakalipas na. Pero di ko naman inaaraw-araw. Siguro sa loob ng isang buwan ay apat na beses akong nagc-city tour sa buong Maynila partikular sa Intramuros.

Ako nga pala si Clarita Regina del Vicenzia pero kadalasan Clara o Ara ang tawag sakin, 19 na taong gulang, nakatira sa Cortijos de Oleta ng Intramuros, Maynila. Nag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran, kasalukuyang 1st year college. BA Political Science ang kursong kinukuha ko.

Alam niyo ba minsan nahiling akong makapunta sa taon kung kailan maganda pa ang Pilipinas at walang polusyon. Yung parang Maria Clara ang datingan ng mga babae. Para malakas maka-mayaman ang dating. Atsaka sa panahon daw noon ay puno ng matipuno, gwapo at magagalang na mga ginoo.

Imposible kung imposible pero yung ang hiling ko. Hehe masama ba ang magpantasya? Mukhang hindi naman. Kaya kahit hanggang panaginip, yun ang maging panaginip ko.

Alam kong marami pa akong matutuklasan sa isa sa mga lugar na pinagmulan ng ating kasarinlan kaya hangad ko ang mas mapag-aralan ito. Political Science ang kurso ko sa kagustuhang maging abogado pero frustrated historian din. Hindi man ako maging isang historian, dinadaan ko na lang ang pag-aaral ko nito sa sariling sikap. Ewan ko ba, mapa-historian o abogasya ay hindi tanggap ng magulang ko ang kurso ko. Kaya palihim na lang ang pagpupursigi kong matapos ang kursong ito. Sabi kasi nila kahit di ko ayusan pag-aaral ko ng PolSci eh wala silang pakialam at mas gusto nila akong mag-shift ng CA o MMA. Sana may isang Jose Rizal o Gregorio Del Pilar o Flaviano Yengko ang sumagip sa akin para carefree na makapag-aral ng mga bagay na talagang gusto ko.

~
Para sa Simula ay nilagyan ko ng mga totoong pangyayari at lugar sa Intramuros para convincing na nasa Intramuros tayo. At ang mga impormasyon sa ating pangunahing tauhan na si Ma. Kristina ay totoong mga pnagyayari sa buhay ng Author na medyo halo-halo pero totoo parin. Para sa Cortijos de Oleta, feel free to visit Anda St. katabi siya ng Bahay Tsinoy Museum, pero di na ako taga-doon ngayon.

Intramuros: En El Siglo Diecinueve Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon