Seis

227 6 2
                                    

OMNISCIENTE

INTRAMUROS 1888

Kinaumagahan, sa tahanan ng mga Clavería. Maagang gumigising ang kanilang pamilya. Abala si Don Marinio sa pag-aayos ng kanilang taniman. Malapit na rin kasi ang araw ng pagpapasweldo. Ang panganay naman niyang anak ay katulong rin sa kanilang negosyo. Maaga ring nag-ayos si Juan Antonio. Maging si Juan Carlo ay maagang gumising dahil nga nakapangako ito sa anak ni Don Alfredo na bibisitahin niya ito.

Gayunpaman, tila mayroong alitan sa pagitan ng dalawang magkapatid. At ang dahilan? Ay ang Binibining pagka-rikit sa kanilang paningin, ang anak ni Don Alfredo na si Kristina.

"Magandang umaga, kapatid. Mukhang maaga ang pag-aayos natin ah. Saan ba ang lakad?" tanong ni Juan Antonio nang magkasalubong sila ni Juan Carlo.

"Magandang umaga rin, Kuya. Ah, magpapatala ako at mayroon lamang dadaanan." sagot ni Juan Carlo.

"Ganun ba? Mamaya pang pahapon ang pagpapatala sa Universidad ha? Sino naman ang dadaanan mo? Ang Binibining Kristina?" may kaunting inis sa tono ang kanyang kapatid.

"Oo, kuya. Sa binibini nga muna ang aking diretso." malumanay namang sagot ni Juan Carlo. At dahil sa pagkalumanay nito'y mas nainis si Juan Antonio.

"Aking kapatid, tayo nga ay mag-usap." mukhang alam na natin kung saan pupunta ang usapan nila.

"Sige, kuya." naglakad naman sila patungong sala.

"Juan Carlo, may gusto ka ba sa Binibini? Gusto ko lamang malaman ang totoo." ayaw pang sabihin ni Juan Carlo ang totoo ngunit ayaw rin anman niyang magalit ang kanyang kapatid sa kanya.

"Parang ganun na nga Kuya. Ngunit hindi ko pa naman ito ipinagtatapat sa Binibini." napalunok asi Juan Antonio sa narinig niyang pag-amin.

"Kung ganun, ikaw ang dahilan ng Binibini? Kung bakit hindi siya sumang-ayon sa aking inilahad na panunuyo? Ganun ba? Gusto ka rin niya?" rinig sa boses ni Juan Antonio ang talim sa bawat bato niya ng salita.

"Hindi. Hindi ako ang dahilan. Natanong ko na siya kahapon tungkol sa taong iniibig niya, ang sagot niya sa akin ay wala. Kahit sino. Ang tanging dahilan niya ay maaga pa para siya ay umibig." hindi alam ni Juan Antonio kung siya ba ay maniniwala sa kapatid o hindi. Tumango lamang ito at naglakad papalabas ng kanilang tahanan.

May kunot sa mukha si Juan Antonio na lumabas sa kanilang tahanan. Hindi mawari kung ano ang dapat niyang maramdaman. Kung dapat ba siyang magparaya para sa kapatid at sang-ayunan ang binibini na hindi silang dalawa ang nararapat o sundin ang kanyang nasimulang kapusukan.

Samantala, si Juan Carlo naman ay nag-tungo sa kanilang hardin na puno ng bulaklak. Hinagilap ni Juan Carlo ang walong tangkay ng pulang rosas sa kanilang hardin. Tig-isa para sa magkapatid na Marina at Teresita at tigatlo naman si Donya Celestina at ang babaeng kanyang minumutya. Matapos nito'y bumalik siya sa tahanan upang isuot ang prak at makapunta na sa tahanan ng Binibini.

Makalipas ang ilang minutong paglalakbay patungo sa tahanan ng mga del Vicenzia ay natanaw niya ang pamilyar na karwahe. Marahil ito ay ang kanyang Kuya. Agad siyang pinapasok ng mga gwardya at dahan-dahang pumanaog sa karwahe.

Sa kabilang dako, nang makapasok siya sa mga tahanan nito ay nakita niyang magkausap ang Binibini at ang kanyang kapatid. Hindi man niya sinasadyang marinig ang usapan ay narinig niya ang mga ito.

"Binibini, gusto ko lamang na mag-usap tayo." ang pakiusap ng kanyang Kuya.

"Ngunit hindi ba, sinabi ko sa'yo. Wala na tayong pag-uusapan pa. Hindi nga ako ang karapat-dapat para sa iyo. Yun ay nasisiguro ko."

Intramuros: En El Siglo Diecinueve Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon