OMNISCIENTE
Papasok sa tahanan ng mga Clavería, may kaba sa dibdib si Clarita. Hindi niya mawari kung bakit at dahil kanino ngunit nakasisiguro siyang hindi ito dahil sa Don at Donya. Kung kay Juan Antonio naman ay nagtapos na ang kung anuman ang mayroon sa kanila. Ngunit baka dahil ngayon lamang ito makaka-tungtong sa tahanan ng mga Clavería.
Maganda ang tahanan ng mga ito, mamahalin ang muebles. Nagllkihang upuan na gawa sa angigong kahoy. Hindi mabibili ng pangkaraniwan sa modernong panahon. Ang mga candelabra ay naglalakihang gawa sa pinaghalong pilak at ginto. Kahit namamangha si Clarita dahil hindi pa gaanong sanay sa panahon na ito ay naalala niya ang kanyang kaba.
"Maupo ka muna, tatawagin ko lang si Ama at Ina. Siguradong matutuwa ang mga 'yon na malamang dumalaw ka." gusto sanang sabihin ni Clarita na 'wag siyang iwan ng Ginoo ngunit baka may makarinig at hindi rin naman siya nagpapahalatang kinakabahan.
Pumirmi sa pagkakaupo si Clarita. Maya-maya pa ay may paparating na tao mula sa unahang pinto ng bahay. Bumalik ang kaba at lalong kinabahan nang makita na si Juan Antonio ang pumasok.
"Minsan talaga may kamalasan tayo eh. Umiiwas na nga ako, bakit ba naman sa dinami-dami ng oras ngayon pa. Juan Carlo help please?"
"Magandang tanghali, Binibini. Naparito ka?" nagsamvulat ang binata na parang walang nangyari at pawang normal ang lahat.
"Ma-magandang tanghali naman, hiniling ko kay Juan Carlo na bumisita dito." napalunok si Clarita sa sinabi niya. Ayaw niyang magsinungaling kahit pa maiilang siya dahil sinabi niya ang katotohanan.
"Ah ganun ba? Ang kapatid ko talaga pinag-aantay ka ng matagal." parang walang nangyari kung mag-salita ang binata. Sana nga ay ganito na lamang siya una pa lang, parang kuya at walang halong kahit ano.
"Oh, Juan Carlo! Asan si Ama at Ina?" kahit paano ay humupa ang kaba ng Binibini nang marinig na bumalik na si Juan Carlo.
"Kuya, ikaw pala. Papasok na sila, kasunod ko lamang." nang magkasalubong ang magkapatid ay tinapik lamang ni Juan Antonio sa balikat ang kapatid.
"Binibini, paumanhin sa paghihintay ng matagal. Hindi ko alam na nagbabantay sila ng mga ani ngayon."
"Ayos lang, nakaka-abala ba ako? Pwede naman sa susunod na araw na lang."
"Hindi—" naputol ang sasabihin ng Binata dahil dumating na ang sila Don Marinio at Donya Soledad.
"Hindi ka makaka-abala, Ija. Kahit anong oras ay mayroon kaming oras para sa'yo. Nakakatuwa at naisipan mo na dumaan dito at natutuwa din akong parati kayong lumalabas ng aking anak." bungad ni Donya Soledad na halata sa mukha ang pagkatuwa dahil boto siya sa dalawa upang magkatuluyan.
"Magandang araw po Don Marinio at Donya Soledad, paumanhin po at biglaan ang aking pagpunta. Nais ko po na magpasalamat sa inyo sa pagpapasama niyo kay Ginoong Juan Carlo noong araw na sumama ang pakiramdam ko." pormal na pormal at inaalis ang kaba habang si Clarita ay nagsasalita.
"Wala 'yon, Ija. Maliit na bagay. Basta sa ikabubuti ng aming magiging pangalawang anak." tuwang-tuwa na sambit ng Don.
"Siya nga po pala, may dala po akong kaunting prutas para sa inyo. Pasasalmat at paumanhin na rin po noong hindi ako nakadalo sa imbitasyon niyo po."
"Ija, wala naman 'yon. Naiintindihan naman namin, nag-abala ka pa. Ikaw naman Juan Carlo, hindi mo pa pinigilan ang Binibini."
"Wala pong kasalanan si Juan Carlo, ako po ang nagpumilit." nagkatinginan ang mag-asawang Clavería na parang sumesenyas na alam na nila ang mayroon sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Intramuros: En El Siglo Diecinueve
Historical FictionINTRAMUROS SA IKA LABING-SIYAM NA SIGLO. Maganda at gustong-gusto niya ang Intramuros. Ang makaluma at makasaysayang lugar na pinagsimulan ng lahat at isa sa pook kung saan nabuo ang pagkakakilanlan ng Las Islas Filipinas. Para sa kanya ay isang pan...