Tres

255 15 0
                                    

CLARITA

INTRAMUROS 1888
                     Nagising ako dahil sa matingkad na sikat ng araw na nagpaliwanag sa buong kwarto ko. Bago pa ako makabangon nakarinig ako ng tatlong katok sa aking pinto. Bubuksan ko sana ngunit bumukas ang pinto. Isang batang babaeng mukhang mas bata sa akin ang pumasok.

"Binibini, magandang umaga. Ako po ang personal na tagapag-silbi niyo. Kakapasok ko lamang po ngayong araw. Luna po ang aking pangalan." Luna? Ang ganda ng pangalan niya, kasing yumi ng kanyang mukha.

"Magandang Umaga naman." eh ano ba nga ang isasagot ko? Bakit kailangan ko ng personal assistant?¿

"Binibini, naihanda ko na po ang pampaligo niyo. Maligamgam na rin po ang tubig sa paliguan. Gusto niyo po ba na tulungan ko na kayo sa paliligo?" ahh totoo nga na may nagpapatulong sa paliligo noon. Atsaka yung paliguan ba na tinutukoy niya ay yung bathtub type?

"Hindi na kailangan. Ako na ang bahala, kaya ko naman. Salamat."

"Sige po Binibini, aantayin ko po kayo sa labas ng paliguan. Tawagin niyo lamang po ako kung may kailangan kayo."

Nang makapasok ako sa banyo ay natulala na lamang ako. Ang ganda ng banyo noon araw. Classic ang dating. May bahid ng ginto ang ibang muebles at ang bathtub na tinutukoy nila ay kahoy ang labas ngunit makinis ang loob. Animo'y porcelain glass. Pwede ba dito na lang ako??!

Nang matapos ako ay hinanap ko ang toothbrush at toothpaste. Pero nag-tuyo muna ako para hindi mabasa ang banyo. Malay ko kung ano dito ang toothpaste. Ang sabi sa libro ay mint leaves extract. Di ko naman malaman kung asan. 

"Luna. Luna." no choice kailangan ko na ng tulong.

"Binibini, ano po ang kailangan niyo?"

"Luna, alam mo ba kung ano ang inilalagay dito sa sipilyo?" mayghad nakakahiya naman ako, di ko alam ang toothpaste. Naturingan pa namang matalino.

"Binibini, heto po. Ito lang po ba ang kailangan niyo?"

"Oo, salamat." inilagay ko na ang ibinigay niyang toothpaste daw. Mint yung lasa niya na lasa ring damo. Hindi siya tulad ng toothpaste sa kasalukuyan, para lamang siya herbal na maanghang pero pwede na.

               Lumabas na ako agad pagkatapos kong mag-sipilyo. Nakaayos na ang lahat ng gagamitin ko. Pati ang sapatos ko ay nakahanda narin.

"Binibini, hindi ko po mapakialaman kung ano ang alahas na inyong gagamitin. Pero inayos ko na po ang lahat ng gagamitin niyo."

"Maraming salamat. Kailangan ko sana ng tulong para sa aking Baro't Saya. Maaari mo bang higpitan ang laso sa likod?" ang ganda ng Baro't Saya na ito. Lahat ata ng damit pang Ilustrado noong araw ay maganda.

"Tapos na po Binibini. Ang balabal niyo po ba? Anong pandisenyo po ang ilalagay niyo?" pearl kaya? Feeling ko pearl lang naman talaga ang bagay sa damit ko.

"Itong perlas na lamang. At nga pala, hikaw lamang at tanikala ang isusuot ko. Anong oras na ba?" baka mamaya eh late na ako para sa simba.

"Alas-otso pa lamang Binibini. Mamaya pang alas-nuebe ang misa. Naghahanda na rin po ang Ama at Ina ninyo para sa agahan." maaga pa pala. Buti na lang ginising na ako.

"Ang mga ate?"

"Naliligo na rin po ang pagkakaalam ko." may kaagahan nga ang paggising ko.

"Sige, sige. Bababa na rin ako maya-maya."

                   Lumabas na si Luna sa aking silid. Naghahanap ako ngayon ng lip tint. Wala ba akong Lip-tint sa panahong ito? Pabango ang tanging nakikita ko sa aking tukador. Nang hindi ko na mahanap, sinukuan ko na. Ang alam ko ay mayroon nang kolorete sa panahong ito, baka wala lang talaga ako. Bumaba na ako't nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Siling na nagluluto kasama ang iba pang kasambahay.

Intramuros: En El Siglo Diecinueve Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon