OMNISCIENTE
INTRAMUROS 1888
Maganda ang gising ni Clarita. Dahil sa maaga siyang nakatulog at syempre ang mga pangyayari kahapon ay hindi panaginip lang.
Nagmadali siyang mag-tungo sa banyo upang mag-ayos. Hindi niya na inantay si Luna at mag-isa niyang inayos ang mga kagamitan niya sa paliligo. Nang matapos ay bumaba na ito upang tumulong sa paghahanda ng almusal.
"Ano nanaman ang nakain mo at napakasigla mo ngayon?" napalundag siya sa bungad ng kanyang Ate Teresita.
"Magandang umaga, Ate." tinanguan siya nito na para bang nawiwindang sa kanyang kapatid.
"May dapat ba akong malaman? Balita ko ay umalis raw kayo kagabi ni Juan Carlo, kwento ni Ama." hindi na nagulat si Kristina nang malaman na alam ng kanyang Ate ang tungkol kahapon.
"Huh? Wala naman po, Ate. Bukod sa umalis lamang kami at nagpa-sama ako sa kanya sa kapihan." isang tango pa na nagpapahiwatig na hindi ito kumbinsido. At saka ito umalis.
CLARITA
Masyado ba akong halata? Sa paanong paraan naman? Wala naman akong ginagawa pang kakaiba. Sa pagkakaalam ko. Likas na naman sa akin ang pag-tulong sa gawaing bahay.
"Binibini," tawag ni Luna. Napatingin naman ako, baka siguro dahil sa gatas na hindi niya naibigay kagabi at ngayong umaga?
"Ano iyon?" hawak niya ang gatas ngunit ayaw niya itong iabot sa akin.
"May naghahanap po sa inyo. May bisita kayo." baka si Juan Carlo? Ngunit napaka-aga naman yata?
"Sino-" naputol ang salita ko. Natanaw kong hindi si Juan Carlo ang narito. Si Angelo, siguro ay si Ama ang sadya nito.
"Paki tawag si Ama, batid kong siya ang gustong makita nito." ayaw ko na maging bastos ngunit matapos ng hindi gaanong kagandang sagutan nila ni Juan Carlo ay lumayo ang loob ko sa kanya.
Maya-maya pa ay narinig ko nang pababa si Ama. Kaya niya na yun, hindi naman din ako ang sadya niya.
"Magandang umaga, Ama." bati oo sa kanya.
"Bakit ikaw nanaman ang nasa kusina? Nasaan sila-" pinutol ko na siya sa sasabihin niya baka mapagalitan pa sila.
"Gusto ko lamang pong tumulong. Nagpa-kuha po ako ng dahon ng saging at panggatong kaya po wala ang mga kasambahay." tumango si Ama at nag-tungo na sa labas.
"Don Marinio," rinig kong sabi ni Angelo. "Magandang umaga po. Kumusta po kayo? Balak ho sanang bumisita ng aming pamilya sa inyo. Matagal na rin ho ng huli tayong magkasama."
"Oo nga, sabihin niyo lamang kung kailan at bukas ang aming tahanan na salubungin kayo." rinig kong sabi ni Ama. Matapos nun ay naglakad siguro sila sa aming hardin dahil hindi ko na maulinigan ang pinag-uusapan nila.
"Gising na ba si Ina?" tanong ko kay Luna.
"Hindi pa ho, Binibini."
"Buti naman. Tapusin na natin ang niluluto para sumakto sa gising ni Ina at hindi siya maghintay." abala kami sa pagluluto. Pritong itlog, sinangag at danggit ang agahan. Nagpa-handa rin ako ng kape at pampalamig na inumin. Mahilig nga talaga ang mga tao sa ganitong pagkain noon. Simple at walang kahit anong kaartihan ang makikita.
"Bakit hindi mo kami sabayan sa pagkain." rinig kong sinabi ni ama. Sa pag-iwas ko pala ay makikita ko rin siya kung sasang-ayon siya.
"Hindi na po, Don Marinio. May pupuntahan pa po ako. Salamat po."
"Ganun ba? Sa susunod ay huwag ka nang tumanggi kapag nagawi ka dito."
"Opo. Pasensya na po. Mauna na rin po ako." palagay ko ay umalis na si Angelo.
BINABASA MO ANG
Intramuros: En El Siglo Diecinueve
Ficción históricaINTRAMUROS SA IKA LABING-SIYAM NA SIGLO. Maganda at gustong-gusto niya ang Intramuros. Ang makaluma at makasaysayang lugar na pinagsimulan ng lahat at isa sa pook kung saan nabuo ang pagkakakilanlan ng Las Islas Filipinas. Para sa kanya ay isang pan...