Quatro

171 11 0
                                    

OMNISCIENTE

INTRAMUROS 1888

Isang pangkaraniwang Biyernes ang sumalubong sa mga del Vicenzia . Malamig na simoy ng hangin sa umaga habang umiinom ng mainit na kape at baterol.

                      Tanging si Don Alfredo lamang ang abala pagkat inaayos niya ang mga ani ng kanyang lupain. At kung may pagkakataon man na makakatulong siya sa mga ito ay ginagawa niya. Hindi mali ang sinasabi ng prayle, mabait ngang tao si Don Alfredo. Bukod rito, abala ang magkakapatid sa kanilang pagbuburda, dahil nga ay Biyernes at wala silang paaralang pinapasukan, bukod kay Maria na pumapasok sa kumbento, ay hindi nila kailangan mag-alala. Gayundin si Marina, abala sa kanyang pagbuburda dahil wala silang klase.

Kapwa mga nakatanaw sa azotea ang magkakapatid na nasisinigan ng malamyos na init ng araw na tumatama sa kanilang mukha.

"Bukas ang lakad niyo ng Ginoo hindi ba?" tanong ni Teresita kay Kristina.

"Ako po ba ate?" naguguluhang sagot ni Kristina.

"Aba, sino pa ba ang may manliligaw sa ating tatlo? Ikaw lang naman hindi ba?" sagot ulit ni Teresita at kasabay naman nito ang pagtawa ng bahagya ni Marina.

"Ateeeee, wala nga po. Sasamahan ko lamang si Juan carlo at babawi ako para sa lahat ng pang-aabala ko sa kanya. Yun lang yun ate, walang ibig ipakahulugan." pagkatapos ng pagpapaliwanag ni Kristina'y hindi parina niya nakumbinsi ang kanyang Ate.

Nagpatuloy sila sa pagsusulsi. Makalipas ang ilang minuto, may katok na narinig mula sa kahoy na dingding ng kanilang tahanan. Tumingin sa likod ang magkakapatid. Ang tagapagsilbi ni, Kristina.

"Magandang umaga ho mga Binibini." bati ni Luna

"Magandang umaga." ang ibinalik na bati ng magkakapatid.

"Mga Binibini, nais ko lamang pong tawagin si Binibining Clarita. Pasensya na po sa abala at mayroon po kayong bisita." ang sabi ni Luna.

"Ha? B-bisista? Pero wala namang dapat at bukas pa ako may lakad. Sino raw siya." naguguluhang himig ni Kristina.

"Binibini, sa pagkakaalala ko po ay Antonio raw ang pangalan po niya."

"A-antonio? Totoo ba?"

"Opo, binibini. Magbibihis pa po ba kayo?" ang tanong ni Luna. Hindi naka baro't saya si Kristina. Ang suot niya'y tela ng camisa de chinong puting bestida na ginagamit niya bilang pantulog.

"Hindi na, balabal na lamang." kinuha ni Luna ang balabal para sa kanya. Pagkatapos nito'y nagmadali siyang bumaba.

CLARITA

INTRAMUROS 1888

Bakit naman siya magpupunta sa bahay eh wala namang dapat nang ikapunta. Hindi ko naman siya gustong itaboy pero ang awkward na ng atmosphere sa pagitan namin.

Nakaupo at naghihintay lamang siya sa sala. Hindi ko alam kung gusto kong ituloy ang paglapit ko sa kanya. Hindi ko rin naman alam ang dahilan ng pagpunta niya rito. Nilakasan ko na ang loob ko. Naglakad ako papunta sa sala.

"Magandang umaga Ginoo. Ano ang sadya mo rito? Si ama ba? Si ina?"

"Magandang Umaga, sa katunayan ay ikaw ang ipinunta ko."

"Halina't maupo muna tayo." ayaw kong mag-assume pero parang ganun na nga.

"Ang totoo niyan ay ayoko pang sumuko sa panliligaw. Pangako kaya kong maghintay." hayss tama nga. Narito na tayo sa usaping ito!

Intramuros: En El Siglo Diecinueve Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon