Chapter 2

8.1K 125 12
                                    

Alyssa's POV

Ella: Saan mo gustong umupo?

Alyssa: Dun na lang sa malapit sa bintana para ma-presko.

Umupo kami ni Ella dun sa dalawang vacant seats na tinuro ko kanina. Last summer lang kami nagkakilala ni Ella pero since magkasundong-magkasundo kami, para na rin kaming matagal na magkakilala. Buti na lang din kasi parehas na kaming part ng Women’s Volleyball team tapos Course and English blockmates pa kami.

Humarap ako kay Ella para kausapin siya nung may napansin akong pumasok sa pinto ng classroom namin. Nagkatingan kami nung bagong pasok tapos ngumiti siya sa kin.

Kiefer: Hi Aly!

Alyssa: Hello.

Ngumiti din naman ako pabalik kay Kiefer and after our quick exchange, he took a seat somewhere in the middle of the classroom. Seeing Kiefer in my Chemistry class kind of shook me up. Alam ko namang parehas kami ng school, hindi ko lang ine-expect na magiging magka-klase kami.

Ella: Kilala mo si Kiefer Ravena?

Alyssa: Oo.

Ella: Paano?

Alyssa: Magkaibigan yong parents namin tsaka Ninong nung isang Kuya ko yong Dad niya.

Ma’am Jaclyn: Good morning class. Please take your seats.

Hay...bakit ba ko napa-oo ni Ella na mag-sign up sa class na to? I was never good in Chemistry, in fact lagi nga akong sablay dito nung high school.

Nilabas ko na lang yong notebook ko tsaka ballpen para kumopya ng notes. Sa sobrang pagko-concentrate ko sa lecture ni Ma’am Jaclyn, hindi ko napansin na 15 minutes na lang tapos na yong class namin.

Ma’am Jaclyn: I’ll be announcing your partners for both your Lecture and Lab classes. Just to set everyone’s expectations, you will be doing most of your subject requirements with your partners so you will be spending a lot of time with each other even outside class. Any questions?

Someone raised her hand from the left side of the classroom.

Ma’am Jaclyn: Yes Miss Lim?

Sandy: Ma’am, if we don’t get along with our assigned partner, is it possible to request for a change or a switch of partners?

Ma’am Jaclyn: I’m sorry, but you will have to learn to get along with your respective partners. The pairing is permanent and will be in effect until the end of the semester. Any other questions? (after a few seconds) Okay, let’s start.

Inisa-isa ni Ma’am Jaclyn yong pag-call out ng mga pangalan nung magkaka-partner. Hindi ko maiwasan kabahan. Sana makasundo ko yong magiging partner ko, buong sem pa naman kaming magkakatrabaho.

Ella: (bumulong) Sana magka-partner tayo.

Alyssa: (bumulong) Oo nga eh.

Ma’am Jaclyn: Jorella de Jesus and Synjin Reyes

Alyssa: (bumulong) Ay, hindi tayo magkapartner.

Ella: (bumulong) Okay lang yan. Magkaklase naman tayo sa lahat ng ibang subjects natin.

Alyssa: (bumulong) Sino yong Synjin Reyes?

Ma’am Jaclyn: Kiefer Ravena and Alyssa Valdez

Ano daw?! Sino yong partner ko?

Nung napatingin ako kay Kiefer, saktong lumingon naman siya sa kin. That was all I needed to confirm na tama nga yong rinig ko na sinabi ni Ma’am Jaclyn. Kiefer smiled at me and I nodded in response before I turned to Ella again.

Alyssa: (bumulong) Sana ikaw na lang yong partner ko.

Ella: (bumulong) Buti ka nga magkakilala na kayo nung partner mo. Kami ni Synjin Reyes hindi magkakilala.

Ma’am Jaclyn: Okay class, I’ll give you the last 10 minutes of this period to get to know your partners. I suggest you take this time to exchange numbers and identify common vacant periods when you can meet.

Nagkagulo sa loob ng classroom when everyone stood up to look for their partners. Hindi muna ako umalis sa upuan ko, I was waiting for the chaos to subside a bit. Wala namang pressure kasi magkakilala naman na kami ni Kiefer. I was about to stand up when I saw Kiefer making his way towards me.

Umupo si Kiefer dun sa chair ni Ella and then we exchanged numbers and listed down our vacant periods. Afterwards, I looked around the classroom and started observing our classmates interacting with each other.

Kiefer: Kamusta first day mo?

Binalik ko yong tingin ko kay Kiefer.

Alyssa: So far so good naman.

Kiefer: Magla-lunch ka na ba after nitong Chem Lecture natin?

Alyssa: Hindi ko pa sure eh. Kelangan ko kasing dumaan ng library para magpa-photocopy nung readings namin for Fiction class.

Kiefer: May kasabay ka na ba mag-lunch? Kasi kung wala pa, sabay na tayo mag-lunch tapos samahan kita sa lib after. Magpapa-photocopy din kasi ako ng readings for English.

Anong meron? Bakit kaya ako inaayang mag-lunch nitong si Kiefer?

Alyssa: Uhmmm...nag-usap na kasi kami ni Ella na sabay kaming magla-lunch today. Next time na lang siguro.

Kiefer: Sure, no problem. Nag-promise lang kasi ako kina Kuya Paolo tsaka Kuya Nicko na aalalayan kita during your first week.

Sabi na something’s up eh. Hindi naman mag-aaya to ng wala lang.

Alyssa: Sina Kuya talaga. Ang tanda-tanda ko na binibilin pa ko sa yo.

Kiefer: Gusto lang naman nila maging maayos yong first week mo dito sa Ateneo.

Ma’am Jaclyn: Class, before I forget please read Chapters 1 and 2 and prepare for a short quiz next meeting.

*bell ringing*

Kiefer: Sige Aly, una na ko. See you on Wednesday!

Alyssa: Wednesday?

Kiefer: Oo. Diba may Chem Lecture tsaka Chem Lab tayo sa Wednesday?

Alyssa: Ah, o-oo nga, meron. See you Wednesday.

Habang nagliligpit ako ng gamit ko lumapit si Ella sa kin.

Ella: Aly, may kasama ka na bang mag-lunch?

Alyssa: Wala pa.

Ella: Kaka-text lang ni Denden, tara sama ka sa min.

Alyssa: Sige ba.


******


Kiefer's POV

*calling Von Pessumal*

Von: Paps bakit?

Kiefer: Nag-lunch ka na? Kain tayo.

Von: Tara. Gonzaga Caf?

Kiefer: Sige. Meet you there in five minutes.

Von: Okay. Bye!

After I ended my call with Von, naglakad na ko papuntang Gonzaga Caf. Bumili ako ng pagkain tapos naghanap ako ng vacant table. A few minutes later, dumating na din si Von with his food.

Von: Kanina ka pa?

Kiefer: Hindi naman, kakadating ko lang din. (after a few seconds) May class ka pa?

Von: Wala na. Ikaw ba?

Kiefer: Wala na rin.

We spent the next few minutes eating quietly.

Kiefer: Nga pala, guess kung sinong partner ko sa NatSci ko?

Von: Ano nga yong NatSci mo?

Kiefer: Chem.

Von: Bakit ka nag-Chem?! Ang hirap kaya niyan.

Kiefer: Chem na lang yong natira nung nag-sign up ako eh. Tingin mo ba hihiwalay ako sa inyo on purpose?

Von: Malay ko ba kung may sinusundan kang magandang babae kaya ka nag-Chem.

Kiefer: Para namang ang babaero ko kung magsalita ka.

Von: Hahaha...babaero ka naman talaga. Ayaw mo lang aminin. Anyway...so sino nga yong partner mo sa Chem?

Kiefer: Si Aly.

Von: Sinong Aly?

Kiefer: Si Alyssa. Hindi mo na ba siya naalala?

Von: Wala naman akong kilalang Alyssa ah.

Kiefer: Kilala mo yon. Yon yong kababata ko na laging nanonood ng practices natin nung high school.

Von: Ahhh...yong sinigawan mo dati sa Covered Courts?

Kiefer: Sinigawan? Grabe ka, hindi naman ako naninigaw ng babae.

Von: Meron ka kayang sinigawan na isa nung first year high school tayo. Tinukso ka lang ni Juami na girlfriend mo yong babae tapos maya-maya sinisigawan mo na siya.

Sinusubukan kong alalahanin yong tinutukoy ni Von pero hindi ko maisip kung paanong meron akong nasigawang babae. Tumingin ako ulit kay Von who was intently watching me and in the middle of trying to remember, I suddenly had a mental image of a 14 year old Aly running out of the Covered Courts.

Kiefer: Oo nga noh, nasigawan ko nga si Aly nung high school.

Von: So tama ako? Yong sinigawan mo nun at yong partner mo ngayon, iisa?

Kiefer: Oo. Bakit naaalala mo pa yon?

Von: Awang-awa kaya ako sa kanya nung sinigawan mo siya. At mukhang napahiya talaga siya kasi hindi na siya nagpakita sa Covered Courts after nung incident na yon.

Emman: Uy!

Juami: Kain kayo ng kain. Hindi man lang kayo nag-aaya.

Sobrang intense ng usapan namin ni Von na natulala kami nung dumating yong iba naming teammates.

Nico: Bakit parang nakakita kayo ng multo?

Kiefer: Oo, kayo. Para kasi kayong kabute, kung saan-saan sumusulpot.

Emman: May pinag-uusapan kayong kalokohan noh?!

Kiefer: Wala ah. May pinag-uusapan lang kami na nangyari nung high school.

Tumingin naman silang tatlo kay Von, as if asking for his confirmation na yon nga yong pinag-uusapan namin.

Von: Yong sabi ni Kiefer.

Juami: Pilit na pilit ah.

Kiefer: Paps, bakit mo naman ako nilalaglag?

Von: Nag-agree nga ako sa sinabi mo eh. Paano kita nilaglag?

Nico: Bahala nga kayong dalawa kung ayaw niyong i-share yang pinag-uusapan niyo.

Emman: Mga Paps, nakita niyo na ba yong bagong player ng Women’s Volleyball team?

Juami: Sino?

Nico: Yong Baldo.

Kiefer: Baldo?! Sigurado ba kayong hindi player yan ng Men’s Volleyball team?

Emman: Women’s Volleyball team talaga. Galing lang kay Coach Roger yong nickname na Baldo.

Von: Bakit Baldo?

Nico: Sobrang galing niya maglaro. Kung sa taas lang ng talon at lakas ng palo, para nga siyang pang-Men’s Volleyball team.

Juami: Nakita niyo na ba maglaro tong player na to at parang manghang-mangha kayo?

Emman: Oo. Nadaan kami minsan sa Blue Eagle Gym habang nagpa-practice sila. Grabe talaga. As in. Ang galing niya. Sobra.

Kiefer: Okay kayo sa reaction ah.

Nico: Ay naku, I’m sure pag nakita niyo rin siyang maglaro, mapapanganga na lang kayo sa galing niya. Phenom na Phenom.

Emman: Paps, mukhang may counterpart ka na, volleyball player nga lang siya.

Von: Nakaka-curious na yang bagong player na yan ha.

Juami: Baka naman mukhang lalaki yang Baldo na yan?

Nico: Hindi. Maganda siya. Simple lang pero ang ganda ng smile. At sa lambing ng boses niya, hindi mo iisipin na halimaw siya maglaro.

Kiefer: Gaano kaganda?

Von: Ano nga yong sabi mo kanina Kief? Hindi ka babaero?

Tinignan ko ng masama si Von habang nagtatawanan silang lahat.

Emman: Di mo to type Kief. Mahilig ka sa mestiza eh, morena si Baldo.

Juami: Pwede bang tawagin natin siya sa totoo niyang pangalan? Mamaya niyan kasi isipin ng mga nakakarinig sa tin nagagandahan tayo sa lalaki.

Nico: Hindi kasi namin alam yong totoo niyang pangalan. Baldo lang yong narinig naming tinatawag sa kanya.

Von: So ang alam niyo lang sa kanya, binigyan siya ng Coach niya ng nickname na Baldo, maganda siya, at sobrang galing mag-volleyball?

Emman: Alam din namin na galing siya ng UST high school at nakipag-tug of war ang Ateneo sa UST para lang makuha siya.

Kiefer: UST high school?

Emman: Oo. Bakit? May kilala ka bang galing dun?

Kiefer: Yong kababata ko graduate ng UST high school.

Von: Si Aly?

Kiefer: Oo.

Nico: Tanong mo naman sa kanya kung may kilala siyang sobrang galing mag-volleyball na sa Ateneo na nag-aaral ngayon.

Kiefer: Sige, pag nakausap ko ulit siya.

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon