Chapter 19

6.7K 125 15
                                    

Alyssa’s POV

*toot toot* *toot toot*

Denden: Hindi mo man lang ba titignan kung sino ‘yang nag-text?

Napatingin ako kay Denden nung nagsalita siya. Actually, kanina pa nga may pumapasok na text messages sa phone ko na hindi ko pinapansin. Alam ko naman kasi kung sino ‘yong nagte-text and I’m sure that whatever replies I need to send can wait until I finish lunch.

Alyssa: Wag niyo ng pansinin ‘yang phone ko. I’m sure si Kiefer ‘yang nagte-text.

Ella: Bakit hindi mo pa reply-an ng matigil na ‘yang kate-text niya?

Alyssa: Hindi na. Hinahanap lang naman ako niyan para ayain mag-lunch eh nagla-lunch na tayo.

Denden: Why don’t you ask him to join us? Hindi na naman bago na mag-lunch siya kasama natin ah.

Alyssa: ‘Yon nga ‘yong ayoko, ‘yong sumabay siya sa ‘tin for lunch. Hindi ba kayo natutuwa na tayo-tayo lang ngayon?

Ella: Ikaw talaga Aly, ang sama-sama mo kay Kiefer. Lagi mo na lang siyang pinagtutulakan palayo. Kapag ‘yan nagsawa ng kakaintindi sa ‘yo at tumigil ‘yan manligaw, naku, ikaw din ang magsisisi.

Alyssa: Hindi ko siya pinagtutulakan palayo.

Denden: Eh anong tawag mo sa ginagawa mo?

Alyssa: Madalas siyang inaasar ng mga teammates niya na hindi na nila siya nakikita kasi lagi siyang nakabantay sa ‘kin, na nakalimutan na daw sila ni Kiefer. I just want him to spend more time with his friends. ‘Yon lang.

Denden: Bakit ka nagpapaapekto sa kalokohan nina Von? Wag mo ng pansinin ‘yong mga jokes nila. Asarang magkakaibigan lang ‘yon.

Alyssa: ‘Yan din ang sabi ni Kiefer, pero tingin ko kasi half meant ‘yong jokes nila. Ayoko lang masisi if he loses his friends because he hardly spends time with them.

Ella: Bakit mo ba pinoproblema ‘yon? Sigurado namang hindi papayag si Kiefer na masisi ka sa kahit anong tungkol sa kanya. He loves you too much to allow that to happen.

Napailing na lang ako at natawa ng konti sa sinabi ni Ella. Botong-boto sila ni Denden kay Kiefer and every chance they get, nilalakad nila siya sa ‘kin.

Denden: Aly, hindi pa rin ba napu-prove ni Kiefer ‘yong sarili niya sa ‘yo? I mean, ano pa bang gusto mong gawin niya para sagutin mo na siya? Or kahit payagan mo man lang siyang manligaw na sa ‘yo formally?

Ella: Oo nga. Lahat na ng sweet surprises ginawa niya para sa ‘yo, hatid sundo ka niya sa mga classes mo, tapos isang text mo lang sa kanya, nagkakandarapa na siyang puntahan ka. Kulang pa ba ‘yong ginagawa niya para sa ‘yo?

Alyssa: Honestly, if it were another guy doing those things for me, baka matagal ko ng sinagot. Hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sa inyo, pero hindi kasi simple ‘yong sitwasyon namin ni Kiefer.

Denden: May nangyari ba kaya naging kumplikado kayo ngayon?

Ngumiti ako ng bahagya kina Ella at Denden. I don’t know why, but I suddenly felt like telling them everything. I took a deep breath and inumpisahan kong ikwento sa kanila ‘yong mga nangyari sa ‘min ni Kiefer nung high school. Tinapos ko ‘yong kwento with the same things I told him when we talked after the night that we went out.

Ella: Sorry Aly. Hindi ko naman alam na may nangyari sa inyo dati. Ang kulit ko pa man ding magtanggol kay Kiefer, ‘yon pala siya ‘yong may kasalanan sa ‘yo.

Alyssa: Okay lang ‘yon. Sorry din kasi ngayon ko lang nasabi sa inyo.

Denden: Nare-realize mo ba Aly na by telling us what happened, it means na may improvement na ‘yong trust issues mo? Kiefer may actually be making more progress than you think.

Alyssa: Ewan ko, pero sana nga it means na may improvement na. Ang hirap din kasi ng may issues, nadadamay pati ‘yong mga walang kasalanan.

Ella: Pero setting aside your issues, ano bang nararamdaman mo para kay Kiefer? Wala pa rin ba talagang feelings?

Alyssa: Sa totoo lang hindi ko alam. I don’t know how I feel and I don’t know how I should feel.

Denden: Sa tingin ko you have feelings for Kiefer, baka nga mahal mo na siya eh. Pero hindi mo lang nakikita ‘yong feelings mo na ‘yon because you’re too focused on what he did and the effects that you’re having to deal with now.

Ella: Basta Aly wag mo lang masyadong sagarin si Kiefer. Kahit naman sinabi niyang hindi siya titigil manligaw, I’m sure may hangganan pa rin ‘yong paghihintay niya.

Pagtapos nilang magsawa pag-usapan ‘yong sa ‘min ni Kiefer, nagpalipat-lipat kami ng topics of conversation hanggang sa matapos kami kumain. After lunch, naglakad na kami pabalik ng Ateneo. We were already at the overpass nung kinalabit ako nina Ella.

Ella: Aly, si Kiefer ba ‘yon?

Denden: Saan?

Ella: ‘Yong nakatayo sa tapat ng Starbucks.

Tumigil ako sa paglalakad at sinundan ko ng tingin ‘yong iningunguso ni Ella. Pagkita ko kay Kiefer, nagsalubong ‘yong kilay ko at biglang umayon ‘yong ulo ko sa init ng panahon.

Denden: Sino ‘yang kasama niya? Parang ngayon ko lang nakita ‘yang babaeng ‘yan ah.

Ella: Si Sandy ‘yan, kaklase namin sa Chem.

Denden: Bakit sila magkasama ni Kiefer?

Ella: Ewan. Baka sabay silang nag-lun –

Alyssa: Halika na. Bumalik na tayo ng school. Baka ma-late pa tayo sa class natin.

Ella: Okay ka lang Aly?

Alyssa: Oo naman. Why wouldn’t I be okay?

Denden: Kasi may ibang babaeng kasama si Kiefer.

Alyssa: So?

Ella: Hindi ka nagseselos?

Alyssa: Hindi. Bakit naman ako magseselos? Ano ngayon kung minsan lang akong nalingat, may iba na siyang ka lunch?! Bahala siya noh. Kahit araw-araw pa siyang mag-lunch kasama si Sandy, wala akong pakialam. Pakasaya sila!

Hindi na ‘ko naghintay ng sagot galing kina Ella at Denden. Tumalikod ako at naglakad ulit papuntang school. I’m sure aasarin lang nila ‘ko na nagseselos, at kahit paulit-ulit kong sabihin na hindi, they’re not going to believe me anyway.

Denden: (bumulong) Hindi naman daw nagseselos.

Ella: (bumulong) Anong tawag mo dun sa reaction niya?

Denden: (bumulong) Bothered?

Ella: (bumulong) Loka-loka! Parehas lang ‘yon.

Alyssa: Kung pag-uusapan niyo ‘ko, galingan niyo ‘yong pagbubulungan niyo. Hindi ‘yong naririnig ko pa rin kayo.


******


Kiefer’s POV

*bell ringing*

Kiefer: Hi Al –

Napatigil ako in mid-sentence nung nakita ko si Aly na nakasimangot. Normally kasi kahit wala siya sa mood, pag sinasalubong ko siya after ng class niya, nginingitian niya ‘ko.

I reached out for Aly’s duffel bag pero hindi niya binigay sa ‘kin, naglakad lang siya ng dire-diretso na parang wala ako sa harapan niya. Kasunod niya si Ella na lumabas ng classroom and when I looked at her, she shrugged her shoulders and smiled at me apologetically. Ngumiti din ako pabalik kay Ella tapos humabol ako kay Aly.

Ilang minuto na kaming naglalakad papuntang Blue Eagle Gym para sa training nila pero wala pa ring kibo si Aly. Kahit si Ella na kasabay namin, hindi rin nagsasalita.

Kiefer: Kamusta ‘yong class mo? Madami bang homework?

Alyssa: Ayos lang.

Kiefer: Ahhh...sino palang kasabay mo nag-lunch kanina? I was looking for you pero hindi kita mahanap. Hindi ka rin naman sumasagot sa mga text ko.

From the corner of my eye, nakita ko si Aly na sumimangot lalo, tapos bumilis ‘yong paglalakad niya na parang gusto niya ‘kong iwanan. Teka, sa ‘kin ba mainit ang ulo nito? Wala naman akong alam na kasalanan sa kanya ah.

Kiefer: Uhmmm Aly, bakit ang init ng ulo mo? May nangyari ba kanina? (after a few seconds) May kasalanan ba ‘ko sa ‘yo na hindi ko alam?

Biglang tumigil si Aly sa paglalakad tapos tumingin ng masama sa ‘kin.

Alyssa: You’re seriously asking me that question?!

Kiefer: Well, o –

Alyssa: ARGGGHHHHHH!!!

Nagulat ako sa pagsigaw ni Aly and before I could say anything else, she ran the rest of the way to the Blue Eagle Gym. Naiwan kami ni Ella na nakatanga sa direksyon kung saan siya tumakbo.

Kiefer: Ella, ano bang nangyari? May nagawa ba ‘ko?

Ella: Ikaw naman kasi, kung sino-sinong kasama mong naglu-lunch.

Kiefer: Ha? Wala naman akong kasama nag-lunch ah. I just grabbed a sandwich from the Caf nung hindi ko mahanap si Aly.

Ella: Eh ba’t magkasama kayo ni Sandy kanina?

Kiefer: Sinong Sandy?

Ella: Sandy Lim, ‘yong kaklase natin sa Chem.

Kiefer: Hindi ko kasama si Sandy. Nakasalubong ko lang siya nung hinahanap ko si Aly sa Katipunan. Tinanong ko kung nakita niya si Aly, pagkasabi niyang hindi, naghiwalay na kami.

Ella: Ahhh...akala namin sabay kayong nag-lunch ni Sandy eh.

Kiefer: Nakita mo kaming magkasama kanina?

Ella: Oo, nakatayo kayo sa harap ng Starbucks.

Kiefer: Asan ka nun?

Ella: Sa may overpass. Kaming tatlo nina Aly at Denden.

Kiefer: Wait, galit si Aly sa ‘kin kasi iniisip niyang si Sandy ‘yong kasama kong nag-lunch?

Ella: Hindi naman niya sinabi outright, pero mukhang ganun na nga.

It took me a few seconds before I realized what Ella was trying to imply. Pakiramdam ko nagliwanag ‘yong mukha ko at nung nakita ‘kong natawa si Ella, I already know that there’s a very stupid grin on my face.

Kiefer: Wooohhh! Thanks Ella! Habulin ko lang si Aly!

Without waiting for Ella’s reply, tumakbo na ‘ko para habulin si Aly. Naabutan ko siya sa may entrance ng Gym at sa sobrang saya ko, I just grabbed her hand and pulled her to me for a hug. Alam kong galit pa rin siya sa ‘kin pero kinikilig ako kasi ‘yong galit niya, galing sa selos.

Alyssa: Ano ba Kiefer! Bitawan mo nga ‘ko!

Kiefer: Wag ka na magselos Aly. Hindi kami magkasamang nag-lunch ni Sandy, tsaka ikaw lang naman ang gusto kong makasabay kumain.

Kumawala si Aly sa pagkakayakap ko, tinulak niya ‘ko palayo, at tinignan niya ‘ko ng masama. Kung hindi siguro siya nagba-blush, matatakot ako, pero alam ko kasi na kahit i-deny niya pa, the fact still remains na nagselos siya.

Alyssa: Anong pinagsasasabi mong nagseselos ako?! Ang kapal ng mukha mo! Bakit naman ako magseselos? Sino ka ba? Boyfriend ba kita?

Kiefer: Hindi nga. Pero kung gugustuhin mo, kahit ngayon din, pwede.

Alyssa: Nagpapatawa ka? Bakit ko naman pipiliin maging boyfriend ka? Gusto ba kita?

Ine-expect ko naman ‘yong pagde-deny ni Aly, pero ewan ko ba. Iba ‘yong dating sa ‘kin nung sinabi niyang hindi niya ‘ko gusto. Call me assuming, but I think she’s lying. If it’s a matter of winning her love, kaya ko paghirapan, kaya lang wala akong magagawa kung may nararamdaman na siya sa ‘kin pero pinapasinungalingan pa rin niya.

Ayoko man siyang madaliin, but I have to know one way or another.

Kiefer: Aly, once and for all, ano ba talaga ‘ko sa ‘yo?

Alyssa: Wala.

Kiefer: Hindi mo pa rin ba ‘ko natututunang mahalin kahit konti?

Alyssa: Hindi.

Sinubukan kong pakalmahin ‘yong sarili ko bago ako magsalita. Kung eto na ‘yong huling beses na mag-uusap kami ni Aly, ayokong umiyak sa harap niya.

Kiefer: Masakit pala masabihan na hindi ka mahal ng isang tao na ramdam mong mahal ka. Sana Aly hindi mo na lang talaga ‘ko mahal, mas matatanggap ko pa ‘yon kesa ‘yong harap-harapan ka na ngang nagsisinungaling sa ‘kin, pati sarili mo niloloko mo pa.

Nakatingin ako kay Aly, I was trying to catch her eye pero hindi niya magawang tumingin sa ‘kin.

Kiefer: I know I said na hindi ako bibitaw, pero sorry Aly. Hindi ko na kaya. Suko na ‘ko. I think I did everything I could para mahalin mo ‘ko at para matulungan kang tanggapin ‘yong nararamdaman mo. I don’t know what else to do. Baka nga hindi ako ‘yong kelangan mo, baka iba ang makakatulong sa ‘yo.

Alyssa: Kie –

Kiefer: Ite-text ko na lang si Kuya Nicko na sunduin ka dito after ng training mo. I don’t think it’s a good idea that I bring you home today.
 
Lumapit ako kay Aly, I gave her a quick hug tapos hinalikan ko siya sa noo.

Kiefer: Bye Aly, ingatan mo ‘yong sarili mo ha, hindi na kita maaalagaan eh.

I tried to smile at her and after I turned around to walk out of the Blue Eagle Gym, dun na ‘ko tuluyang umiyak.

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon