Kiefer’s POV
*bell ringing*
Ma’am Jaclyn: Okay class, don’t forget to read Chapters 29 to 31 for Wednesday’s discussion.
Binilisan ko ‘yong pagliligpit ko ng gamit pero paglingon ko kay Aly, wala na siya sa upuan niya. Hinabol ko siya at dun ko na siya naabutan sa labas ng Chem building. Before she could go any further, I overtook her and blocked her way.
Alyssa: Kiefer padaanin mo ‘ko, may class pa ‘ko.
Kiefer: You have a two-hour break before your next class.
Hindi nagsalita si Aly, she just kept trying to get past me while I was still blocking her way. From the corner of my eye nakikita ko ‘yong mga classmates namin na natatawa sa ‘min kasi mukha kaming nagpapatintero ni Aly.
Kiefer: Kelangan natin mag-usap.
Alyssa: Natapos naman tayong mag-usap nung Saturday diba? Okay na ‘yon.
Kiefer: Aly please? Sige na, kahit sandali lang.
Aly looked at me and finally let out a sigh.
Alyssa: Fine. Saan mo gusto mag-usap?
I took Aly’s hand and pulled her back inside the Chem building. Tinignan ko ‘yong schedule na nakadikit sa labas ng classroom namin and after confirming na walang gagamit nito for the next two hours, pumasok ako sa loob and closed the door behind us. Binawi ni Aly ‘yong kamay niya sa ‘kin and took a seat at the front row.
Kiefer: Aly, sorry ulit dun sa ginawa ko nung date natin. I didn’t mean to steal a kiss from you. Hindi ko lang talaga napigilan ‘yong sarili ko.
Wala pa ring kibo si Aly, ni hindi niya ‘ko tinitignan kahit na naka-squat ako sa harap ng upuan niya.
Kiefer: I love you Aly and all I’m asking for is the chance to prove myself to you. Bakit hindi mo maibigay sa ‘kin ‘yong chance na ‘yon? Ni ayaw mong kausapin ko sina Ninong para masabi ko sa kanila na malinis ang intensyon ko sa ‘yo.
Aly finally turned to look at me at nagulat ako dun sa lungkot na nakita ko sa mata niya.
Alyssa: Like me, alam kong aware ka na gusto tayo ng mga magulang natin para sa isa’t-isa. Ayokong kausapin mo sina Papa tungkol dito kasi ayokong umasa sila tapos madi-disappoint lang sila sa huli.
Kiefer: Bakit naman sila madi-disappoint? Is it that impossible for me to win you over?
Alyssa: Tinanggap ko na kasi na imposibleng mawala pa ‘yong issues na meron ako.
Kiefer: Anong issues?
Alyssa: May mga bagay sa past ko, sa past natin, that I still cannot get over. Nakakatawa nga kasi parang sa ‘yo wala na lang ‘yong nangyari, para ngang nakalimutan mo na eh. Pero sa ‘kin Kief, malinaw na malinaw pa rin even if it’s been years.
Pinipilit kong isipin kung ano ‘yong nagawa ko, but nothing comes to mind. Nararamdaman ko ‘yong sakit sa boses niya at hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang patigilin sa pagsasalita o patapusin ko na lang siya so I’d know what I did to cause her this much pain.
Alyssa: The rejection is so fresh na nahihirapan akong buksan ‘yong sarili ko sa mga tao. Nakaka-guilty nga minsan kasi kahit kina Ella at Denden ang dami kong hindi masabi. Ang dami pa rin nilang hindi alam tungkol sa ‘kin.
Kiefer: Aly sorry, pero hindi ko maisip kung ano ‘yong nagawa ko sa ‘yo dati. Please tell me para maitama ko.
Alyssa: Diba nung first year high school tayo, para akong fan na madalas manood ng games and training niyo? There was this one time na sinigawan mo ‘ko. Sinabi mong tigilan ko na ‘yong paghahabol sa ‘yo, na hindi mo kelangan ng anino, that I should just get lost. Siguro para sa ‘yo wala lang ‘yon, but that stayed with me.
BINABASA MO ANG
All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)
ФанфикShe was his biggest fan in High School. Lahat ng games at practices ni Kiefer pinupuntahan ni Alyssa, even if it meant she’d cut class or miss volleyball training. Her constant presence annoyed him and because Kiefer didn’t know how to handle this t...