Alyssa’s POV
*toot toot*
From Kiefer Ravena:
Hi Aly! Nandito na sina Mommy sa Araneta, if ever you’ll be watching the game, text mo na lang siya so she can meet you. Maiintindihan ko if you can’t watch, pero sana talaga makanood ka. :-)
Pangatlong text na to ni Kiefer pero wala akong ni-reply-an kahit isa, hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. Oo, magkaibigan na ulit kami at kumportable na ako makasama siya, pero hindi ako sigurado kung kaya ko na ba siya panoorin maglaro ng live. I don’t know if I’m ready to revisit the time when I was still head over heels in love with him.
Hay...
It’s already 3:30pm and nandito na rin naman ako sa Gateway, kung tutuusin the easiest decision is to just watch the game and face that part of my past. Alam ko namang naka-move na ‘ko and watching shouldn’t be an issue. Pero hindi ko ma-deny yong takot, yong kaba kung anong mangyayari kung papanoorin ko yong game ng live.
Sa paglalakad ko, I found myself standing in front of the Nike Park store. Iniisip ko pa kung papasok ako when I noticed someone familiar inside.
Alyssa: Parang mas maganda yang green kesa diyan sa blue. Pwede mo pang isuot with your basketball uniform.
Napalingon sa kin si Jeron while he was holding a pair of basketball shoes on each hand. Muntik naman akong matawa sa shock na nag-register sa mukha niya nung nakita niya ako.
Alyssa: Para ka namang nakakita ng multo.
Jeron: Aly! Sorry. I just wasn’t expecting to see you.
Alyssa: Hahaha...okay lang yon. Sige, una na ko. I just wanted to say hi.
Jeron: Teka, wag ka munang umalis. May kasama ka ba?
Alyssa: Wala, nag-iikot lang ako mag-isa.
Jeron: May game ang Ateneo ah. Hindi ka ba manonood?
Alyssa: Dapat, kaya lang wala ako sa mood manood eh.
Jeron: Gusto mo ba ng kasama mag-ikot? I can keep you company.
Alyssa: Wag na. Baka maka-istorbo pa ako sa date mo, mahirap na.
Jeron: Wala naman akong ka-date. Mag-isa lang din akong nag-iikot kaya I can hang out with whoever I want.
Alyssa: If that’s the case, then sige, I’d welcome your company.
Jeron: Bayaran ko lang tong rubber shoes and I’m all yours.
Alyssa: Okay.
Binalik ni Jeron yong blue na rubber shoes tapos sinamahan ko siya sa cashier para mabayaran niya yong green rubber shoes na sinabi kong maganda.
Jeron: So, what do you feel like doing?
Alyssa: Kahit ano. Wala naman akong anything specific in mind. Ikaw ba, may gusto kang gawin?
Jeron: Hmmm...how about a movie?
Alyssa: Pwede. Ano bang palabas ngayon?
Jeron: Hindi ko rin alam eh. Tara, tignan natin sa taas.
Alyssa: Sige.
Umakyat kami ni Jeron para tignan kung ano-ano yong movies na meron. We decided to go with a romantic comedy. Compromise na yon kasi he wanted a comedy movie while I wanted to watch a heavy romance drama.
I enjoyed the movie, sulit sa kilig moments and sa funny scenes. Tawa ng tawa si Jeron, pero hindi ako sigurado kung saan siya natatawa, kung sa movie ba o kung sa kin habang kinikilig ako sa pinapanood namin.
When we left the theater, we went to Burgoo to have an early dinner. I also enjoyed dinner, masarap yong food and the company’s great. I haven’t known Jeron long tapos lahat pa ng pagkikita namin purely by chance, pero nage-enjoy ako kasama siya. Light lang, puro kulitan, and walang anything heavy.
Jeron: Let’s go?
Alyssa: Saan tayo?
Jeron: Sa bahay niyo, ihahatid kita.
Alyssa: Wag na, madali lang naman mag-taxi from here.
Jeron: Alam mo namang sinasayang mo lang yong energy mo sa pagtanggi diba?
Alyssa: Hahaha...sige na nga. Hindi naman ako nananalo sa yo sa usapang to eh.
So for the third time in as many chance meetings, hinatid ako ni Jeron sa bahay. The ride home was comfortable but uneventful and when we got to my house, I turned to Jeron and smiled at him.
Alyssa: Salamat ulit sa paghatid. Ang dami ko ng utang sa yo.
Jeron: Ayos lang yon. Hindi naman ako nagbibilang.
Alyssa: Kahit na.
Ngumiti sa kin si Jeron. I could feel him wanting to say something, pero parang bumebwelo pa siya kaya tumahimik na lang muna ako.
Jeron: I hope you don’t get me wrong, natutuwa ako na we keep bumping into each other, pero sana Aly sa susunod na magkita tayo yong planado na.
Alyssa: Oo ba. Just text me or something so we can make plans.
Jeron: Talaga?
Alyssa: Ayaw mo ba?
Jeron: Gusto. Wala ng bawian yan ha?
Alyssa: Wala ng bawian.
Jeron: Sige, I’ll give you a call.
Alyssa: Okay. Pasok na ko. Ingat ka pauwi.
Jeron: I will! Bye!
Pagbaba ko sa kotse ni Jeron, I opened our gate to go inside and then I watched him drive away. I was about to close our gate when I happened to glance at Kiefer’s house. Madilim pa yong bahay nila so I guess they’re not yet home. Sana hindi siya galit sa kin.
******
Kiefer: May kasama ka?
Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses, nakita ko si Kiefer na nakatayo habang hawak yong tray niya ng pagkain.
Alyssa: Wala, ako lang. May class sina Ella at Denden eh.
Kiefer: Can I join you?
Alyssa: Oo naman.
Nilapag ni Kiefer yong tray niya sa mesa tapos umupo siya dun sa silya sa tapat ko. Yumuko ako ulit para tapusin yong kinakain ko at bumalik dun sa librong binabasa ko nung naramdaman kong nakatingin si Kiefer sa kin. I looked up at him again.
Kiefer: Bakit hindi ka nanood nung game namin kahapon? Hinihintay pa naman kita.
Alyssa: Sorry Kief. I ran into a friend kasi at the last minute. Nagkaayaan mag-hang out kaya hindi na ako naka nood nung game niyo.
Kiefer: Ganun ba? Sayang naman, pero dibale marami pa namang ibang games na pwede mong panoorin.
Alyssa: Kamusta yong game? How did you do?
Kiefer: We won, pero it wasn’t a good debut for me. Scoreless ako eh.
Alyssa: Okay lang yon. It’s your first game. I’m sure you’ll bounce back.
Kiefer: Thanks for the vote of confidence.
Alyssa: Hindi naman vote of confidence yon. I was merely stating a fact. Nga pala, nakapag-aral ka na ba for our Chem long test on Wednesday?
Kiefer: Nag-start na kong mag-aral last night, pero hindi pa ako tapos. Ikaw?
Alyssa: Eto, nag-aaral pa rin. Ang haba ng coverage eh.
Kiefer: Asang chap –
*phone ringing*
Alyssa: Excuse me lang Kief.
Tumango naman si Kiefer at sumubo ng pagkain niya just as I got my phone to answer the call. I didn’t bother leaving the table kasi kahit saan naman ako pumunta, maingay rin.
Alyssa: Hello?
Jeron: Hi Aly! Uhmmm, do you have time for a quick chat?
Alyssa: Yeah I do. I’m just having lunch. Anong meron?
Jeron: Tungkol dun sa sinabi mo nung hinatid kita sa inyo kagabi, yong planned meet-up?
Alyssa: O, what about it? Hindi ko naman binabawi ah.
Jeron: Hindi nga. Tatanungin lang sana kita kung kelan ka libre this week. Kahit dinner lang.
Alyssa: Hmmm...dinner sounds good, pero okay lang ba kung mga end of the week pa? May Chem exam kasi ako sa Wednesday eh.
Jeron: Okay lang sa kin. Do you have a preference on the day? Baka mas okay sa yo yong Friday para walang pasok kinabukasan.
Alyssa: Anong araw yong game niyo this weekend?
Jeron: Saturday. Pero okay lang sa kin ang Friday if that’s better for you.
Alyssa: Kung Saturday ang game niyo, sa Thursday na lang tayo mag-dinner para makapahinga ka ng maayos sa Friday.
Jeron: Sure ka? I’m really okay with Friday.
Alyssa: Okay na yong Thursday, may double training din naman ako pag Saturday.
Jeron: Sige, Thursday it is. My class ends at 4:30 so I’m free anytime after that. What time should I pick you up?
Alyssa: May training ako sa Blue Eagle Gym until 8pm. Okay lang ba na dun na lang tayo mag-meet after ng training ko?
Jeron: Yeah, that’s fine. Agahan ko na lang din yong dating para mapanood ko pa yong training niyo.
Alyssa: Bahala ka. So...I’ll see you on Thursday?
Jeron: Yup. Excited na ako for Thursday.
Alyssa: Agad-agad?!
Jeron: Hahaha...oo naman. O sige, baba na natin to para makakain ka na ulit.
Alyssa: Okay. Bye!
Pagtapos namin mag-usap ni Jeron, binalik ko yong phone ko sa loob ng bag ko. Napatingin ako kay Kiefer when I noticed the weird look on his face.
Kiefer: May date ka this Thursday?
Alyssa: Hindi date, dinner lang.
Kiefer: Ahhh...so sino yong ka-dinner mo?
Alyssa: Si Jeron.
Kiefer: Teng?
Alyssa: Oo.
Kiefer: Bakit? You barely know him.
Anong problema nitong si Kiefer?! He and Jeron are friends, shouldn’t he be vouching for him?
Alyssa: Bakit naman hindi? Jeron seems like a nice guy. I mean, in all the times na nakasama ko siya, wala siyang pinakitang masama sa kin. He was always a perfect gentleman.
Kiefer: Nagkakasama pala kayo. Are you guys dating or something?
Alyssa: We’re not dating. Lagi lang kaming nagkikita accidentally kung saan-saan, and those chance meetings usually end up with dinner and him bringing me home. First time nga lang namin gumawa ng plano para magkita.
Kiefer: Ahhh...
I really don’t get why Kiefer’s reacting this way. Talo pa niya yong mga Kuya ko kung mag-interrogate eh. Hmmm...bakit nga kaya? Ah ewan, bahala na nga siya. Wala akong oras i-analyze yong mga kinikilos niya.
Alyssa: Sige Kief, una na ako. Sa Bellarmine pa yong next class ko.
Kiefer: Okay.
Tumayo si Kiefer at kinuha yong gamit niya tapos tumingin siya sa kin na para bang hinihintay akong kumilos.
Kiefer: Let’s go?
Alyssa: Saan ka pupunta?
Kiefer: Ihahatid kita sa class mo.
Alyssa: Bakit?
Kiefer: To use your own words, “Bakit naman hindi?”
Alyssa: Kief...
Kiefer: Halika na Aly, baka ma-late ka pa.
Alyssa: Wag mo na ako ihatid. Baka ikaw pang ma-late sa class mo.
Kiefer: Wala na akong class.
Alyssa: Eh di magpahinga ka na lang kesa pagurin mo yang sarili mo sa paghahatid sa kin sa Bellarmine. Kaya ko naman pumunta sa classroom ko mag-isa.
Kiefer: So ganun, pag si Jeron okay lang na ihatid ka sa bahay mo pero pag ako, ihahatid lang kita sa classroom mo, ayaw mo pa.
Alyssa: Hindi naman sa gan –
Hindi ko na natapos yong sinasabi ko kasi bigla na lang tumalikod si Kiefer sa kin at naglakad palabas ng Gonzaga Caf.
Alyssa: (bumulong) Anong nangyari dun?
BINABASA MO ANG
All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionShe was his biggest fan in High School. Lahat ng games at practices ni Kiefer pinupuntahan ni Alyssa, even if it meant she’d cut class or miss volleyball training. Her constant presence annoyed him and because Kiefer didn’t know how to handle this t...