Chapter 10

6.1K 103 10
                                    

Kiefer’s POV

Alyssa: Kief, nasan na yong notes mo sa experiment natin? Akin na, ako na magta-type para tuloy summarize na rin.

Kiefer: Wag na. Baka hindi mo maintindihan yong sulat ko. Ako na magta-type nung notes ko tapos ie-email ko na lang sa yo.

Alyssa: Sige. Text mo ko pag na-email mo na.

Kiefer: Oo ba.

*bell ringing*

Kiefer: Pumunta ka na sa training niyo, baka ma-late ka pa. Ako ng magliligpit dito.

Alyssa: Hindi ka ba manonood?

Kiefer: Manonood.

Alyssa: Yon naman pala eh. Bilisan na lang natin tong pagliligpit tapos sabay na tayong pumunta ng Blue Eagle Gym.

Kiefer: Sure ka? Hindi ka ba male-late?

Alyssa: Yes, I’m sure. May time pa naman. Schedule lang kasi ni Ella tumulong maghanda ng pang training namin kaya nauna na siya.

Kiefer: Okay.

Pinagtulungan namin ni Aly na iligpit yong mga materials at equipment na ginamit namin sa experiment kanina. And after cleaning our station, we got our things, left the Chem Lab, and started walking to the Blue Eagle Gym for their training.

Kiefer: Opening na ng UAAP this weekend ah. Ready na ba kayo para sa Parade of Athletes?

Alyssa: Hindi pa. Wala pa yong jogging pants na in-order namin eh. Sana nga dumating na kasi nase-stress na sina Ate Fille.

Kiefer: Jogging pants? Para saan? Tsaka bakit wala pa? Usually naman on time mag provide ang Nike ng uniform.

Alyssa: Para sa parade. Ang gusto kasi nila, naka-jogging pants and Ateneo jacket kami over our volleyball uniform. And since hindi naman talaga kasama yong jogging pants sa uniform namin, late yon na-order.

Kiefer: Ahhh...parang may mga narinig nga akong ibang teams na nagpahabol ng kung ano-ano para sa opening.

Alyssa: Marami kasing nabigla dun sa Parade of Athletes. Normally naman pag-UAAP opening, basketball team lang yong nasa ceremony tapos ngayon all of a sudden lahat na ng teams kasama.

Kiefer: I actually like the concept of this year’s opening. Olympic style tapos lahat ng athletes may participation.

Alyssa: Yeah, it’s nice to see other sports be included. Kaya lang Kief, hindi ba risky na open field yong venue ng opening? Paano kung umulan?

Kiefer: May contingencies naman daw eh.

Alyssa: Anong contingencies?

Kiefer: Yon ang hindi ko alam. But I’m sure nag-aalay na yon sila ng itlog kay Sta Clara para hindi umulan sa Sabado.

Alyssa: Totoo ba yon?

Kiefer: Well, kasama naman dun sa pag-aalay ng itlog yong dasal. So siyempre depende pa rin yong iga-grant yong prayer. But there’s no harm in trying, diba?

Alyssa: Sabagay.

There was a lull in the conversation kaya nag-decide ako na i-take yong opportunity na ‘to para ayain si Aly.

Kiefer: Uhmmm Aly, kung wala ka namang gagawin sa Sunday, nood ka ng game namin against Adamson.

Alyssa: Hindi ko pa sure. But I’ll probably be watching on TV.

Kiefer: I didn’t mean on TV, I meant live.

Alyssa: Live? Naku, ang tagal ko ng hindi nanonood ng live. Siguro first year high school pa yong last.

Kiefer: Then maybe it’s time to start watching live again. For sure mage-enjoy ka sa game, exciting yon kasi rematch yon ng Final Four last year.

Alyssa: Hindi ko pa alam kung pwede akong manood ng live eh.

Kiefer: Nag-request na ako ng tickets kahapon, nagpa-extra ako ng isa if okay lang sa yo manood kasama sina Mommy.

I glanced quickly at Aly and saw her chewing her lower lip. Para siyang nag-iisip kung anong isasagot niya sa kin. I get the feeling that she wasn’t too keen on my invitation. Hindi ko naman alam kung bakit. Naiilang pa kaya siya sa kin? Sana hindi na.

Kiefer: Or if you’d rather watch with Ella and Denden, pwede pa naman siguro akong magpahabol ng two more tickets.

Alyssa: Saan ba yong game?

Kiefer: Malapit lang, sa Araneta. Nood ka na.

Alyssa: Tignan ko. Bahala na.

Kiefer: Let me know if you need a ride.

Alyssa: You’re driving to Araneta? Wala ba kayong Team bus or something?

Kiefer: Meron. Pero hindi pa ako sure kung sasabay ako sa kanila. But in case na sasama ako sa team, wala namang problema kung sumabay ka rin.

Alyssa: Hala. Nakakahiya naman sa teammates mo kung maki-crash ako sa bus niyo.

Kiefer: Ano ka ba, okay lang yon sa kanila. Matutuwa pa yong mga yon.

Alyssa: Bakit naman sila matutuwa sa pang-iistorbo ko?

Kiefer: Fan mo kaya yong mga teammates ko, lalo na si Emman tsaka si Nico.


******


Kiefer: ‘Mmy, eto po yong tickets niyo para sa game namin against Adamson.

Mozzy: Salamat Anak. Paano pala tomorrow? Magdadala ka ba ng sasakyan o sasabay ka sa min?

Kiefer: Magdadala po ako ng sasakyan hanggang Ateneo tapos sasabay na lang ako sa Team bus.

Mozzy: Ah okay.

Napansin ni Mommy na sobra ng isa yong tickets na binigay ko sa kanya.

Mozzy: Kief, bakit apat tong tickets? Kanino yong isa?

Kiefer: Para po kay Aly.

Mozzy: Anak, diyan lang sa tapat natin nakatira sina Aly, bakit hindi mo pa ibigay sa kanya ‘tong ticket niya?

Kiefer: Wala naman po si Aly diyan ‘Mmy. Nag-sleepover po sila ng mga teammates niya.

Mozzy: Ahhh...

Kiefer: Ay ‘Mmy, hindi pa nga po pala sure kung manonood si Aly ng game bukas. If ever, magte-text na lang po siya sa inyo. Kayo na pong bahala sa kanya, ha?

Mozzy: Sige, walang problema. Teka, binilhan mo si Aly ng ticket kahit hindi siya sure kung manonood siya?

Kiefer: Nauna ko po kasing ni-request yong tickets bago ko inaya si Aly manood. Sana nga po pwede siya bukas eh.

Mozzy: Ano bang sabi niya nung niyaya mo siya?

Kiefer: Titignan daw po niya. Pero para po kasing ayaw niya talagang manood ng live.

Mozzy: Paano mo naman nasabi na ayaw niya?

Kiefer: Kitang-kita po kasi yong hesitation sa mukha niya nung niyaya ko siya.

Mozzy: Bakit naman niya aayawan manood ng live? Diba dati naman lagi siyang nanonood ng games mo?

Kiefer: Naiilang po yata si Aly sa kin eh.

Mozzy: Naiilang?

Kiefer: Opo.

Mozzy: Anak, hindi naman sa nagpapaka-malisyosa ako noh, pero may something ba?

Kiefer: Something?

Mozzy: Oo. Kayo ni Aly. May something na ba kami to celebrate?

Anong something ba tong sinasabi ni Mommy?

Kiefer: Ah ‘Mmy, hindi ko po maintindihan kung ano yong tinatanong niyo. Ano po ba yong something na tinutukoy niyo?

Mozzy: Nagkakamabutihan na ba kayo ni Aly? O may gusto ka lang sa kanya?

Kiefer: ‘Mmy, wala pong pagkakamabutihang nangyayari at wala rin po akong gusto kay Aly. Magkaibigan lang po kaming dalawa.

Mozzy: Ganun?

Panalo talaga tong si Mommy, kung ano-anong iniisip. Tanungin daw ba ako kung nagkakamabutihan kami ni Aly?! Ayan, na-disappoint tuloy siya.

Mozzy: Akala ko pa naman mangyayari na yong dream namin ni Lita.

Kiefer: Ano pong dream?

Mozzy: Na magkatuluyan kayo ni Aly.

Kiefer: Mommy!

Mozzy: O, anong problema? Libre naman mangarap ah.

Nakatingin lang ako kay Mommy. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o matatawa ako sa fighting spirit niya. I always knew she had a soft spot for Aly, but I never imagined that she liked her this much.

Mozzy: Basta Anak, if and when the time comes, tandaan mo lang na boto kami ng Daddy mo kay Aly and boto din sa yo yong Ninong Ruel mo tsaka yong Tita Lita mo. Okay?

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon