Alyssa’s POV
*calling Kimmy*
Kim: Aly!!!
Alyssa: Kimmy!!!
Kim: O, napatawag ka?
Alyssa: Busy ka ba ngayon?
Kim: Hindi naman. Bakit?
Alyssa: Lunch tayo! Andito na ko sa labas ng La Salle.
Kim: Grabe ka talaga, ora-orada. Teka, eto na, palabas na ko. Diyan ka lang.
Umupo ako dun sa mga benches sa may gate ng La Salle habang hinihintay ko si Kim na lumabas. After a few minutes, nakita ko na si Kim na halos tumakbo papunta sa kin na nakangiti. Paglabas niya, nagyakapan kami at nagtatatalon. Daig pa namin yong hindi nagkita ng sampung taon.
Kim: Kamusta ka na?
Alyssa: Mamaya na tayo magkamustahan, nagugutom na ko.
Kim: Hahaha...Atenista ka na, PG ka pa rin?
Alyssa: Ikaw, hindi na? I’m sure lumala ka pa!
Kim: Naman!
Naglakad kami ni Kim papunta sa McDo. Pagkatapos namin mag-order, nakahanap kami agad ng table dun sa may bandang likod kung saan mas tahimik.
Kim: So kamusta ka na nga?
Alyssa: Okay naman, so far so good yong pagju-juggle ko ng school and training. Ikaw?
Kim: Ganun din. Medyo nahihirapan lang ako sa adjustment, kasi tri-sem. Mas compact yong lessons tsaka halos every meeting may exam or may due na something.
Alyssa: Sana kasi nag-Ateneo ka na lang. Hindi ka pa mahihirapan mag-adjust.
Kim: Hahaha...so ganito tayo for the next five years? Bentahan ng school sa isa’t-isa?
Alyssa: Malamang. Hahaha...
Kim: Ano nga palang pre-UAAP tournament ang sasalihan niyo?
Alyssa: Shakey’s V-League. Kayo?
Kim: Hindi ko sure eh. Pero basta hindi V-League.
Alyssa: Sayang naman. So sa UAAP talaga tayo first time magtatapat.
Kim: Hay...mami-miss kitang set-an.
Alyssa: Eto na naman tayo eh.
Kim: Sabi ko nga hindi na. Sige, change topic na tayo. Pag-usapan na lang natin yong first love mo.
Alyssa: Anong gusto mong pag-usapan tungkol kay Kiefer?
Kim: At talagang hindi mo dineny na siya ang first love mo?
Alyssa: Hello?! Wala ka namang ibang tinatawag na first love ko kung di siya.
Kim: Sabagay. So ano, okay na kayo ni Mr Ravena?
Alyssa: Ayos lang, pero...
Kim: Pero?
Alyssa: Pero minsan parang ang weird. Kasi I get that feeling na to him, friends na friends kami. Yong parang walang nangyari nung high school.
Kim: Anong problema dun? Hindi ba mas okay yon?
Alyssa: Nahihirapan akong tantyahin kung saan ko ilulugar yong sarili ko. Ayoko naman maging feeling close kasi baka mairita siya tulad nung high school. Alam mo yon?
Kim: Naku, mahirap nga yang nakikipag-tantyahan. But at least improvement na yan over high school. Well, unless fan pa rin ang trato niya sa yo?
Alyssa: So far, hindi. Kasi ngayon pag nagsasalita ako o kaya nagke-kwento, nakikinig siya. Parang interesado na siya sa sinasabi ko.
*toot toot*
Kinuha ni Kim yong phone niya at tumingin siya sa kin pagkatapos niyang basahin yong text na pumasok.
Alyssa: Kelangan mo na umalis?
Kim: Oo, eh. Nagpapatawag ng meeting si Coach Ramil sa gym. Gusto mo ba sumama?
Alyssa: Gaga! Anong gagawin ko dun sa meeting niyo? Gagawin mo lang akong prisoner of war, wag na! Hahaha...
Kim: Sira! Saan ka tatambay habang nasa meeting ako?
Alyssa: Uuwi na ko noh.
Kim: Ganun? Bitin naman ng bonding natin.
Alyssa: Labas na lang tayo next week.
Kim: Uuuyyy...may mage-18 next week.
Alyssa: Oo. Birthday ko kaya hindi ka pwedeng tumanggi.
Kim: Hindi ka na ba talaga napilit nina Tito na mag-party?
Alyssa: Nope. Akong nanalo sa diskusyon na yon. (after a few seconds) Tapos ka na ba kumain? Tara, hatid na kita sa gate ng La Salle.
Bumalik kami ni Kim sa La Salle at pagkatapos namin magpaalam sa isa’t-isa pumasok na siya sa loob for her meeting. Lumabas naman ako sa may sidewalk para mag-abang ng taxi. Hay...sana hindi ako mahirapan maghanap, ang layo pa naman ng bahay namin dito sa Taft.
Mga isang oras ko na sinusubukang mag-flag ng taxi nung may narinig akong tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko, may nakita akong guwapong nakangiti sa kin na walang mata. He looks familiar pero hindi ko ma-place kung saan ko siya nakilala.
Alyssa: Ah, hi.
Jeron: Hindi mo na ko naaalala, noh?
Alyssa: Wait, I’m trying to remember. (after a few seconds) Jeron, right? Yong friend ni Kiefer?
Jeron: Yup. Anong ginagawa mo dito sa La Salle? Medyo malayo to sa Katipunan ah.
Alyssa: Dinalaw ko kasi yong friend ko, si Kim Fajardo.
Jeron: Magkaibigan kayo ni Kim?
Alyssa: Oo, matagal na, tsaka teammates kami nung high school. Kilala mo siya?
Jeron: We’ve been introduced pero hindi naman kami close or anything. Madalas kasi magkasunod yong training ng Men’s Basketball team tsaka ng Women’s Volleyball team namin.
Alyssa: Ahhh...
Jeron: Asan na si Kim?
Alyssa: Nagpatawag ng meeting yong Coach nila kanina kaya naghiwalay na kami.
Jeron: Hinihintay mo pa ba siya?
Alyssa: Hindi, pauwi na ko ng bahay. Nag-aabang na nga ako ng taxi eh.
Jeron: Naku, mahirap maghanap ng taxi dito. If you want, sabay ka na sa kin. Paalis na rin naman ako eh. Hatid na kita sa inyo.
Alyssa: Wag na. Nakakahiya naman sa yo, tsaka baka mapalayo ka pa.
Jeron: Saan ka ba?
Alyssa: Sa may Tandang Sora.
Jeron: Okay lang yon. Tara?
Alyssa: Hindi na talaga, nakakahiya. Okay lang ako mag-taxi, nag-taxi rin naman ako papunta rito.
Jeron: Nahihiya ka ba talaga o natatakot ka lang magpahatid sa kin? Good boy ako, promise. Kahit itanong mo pa kay Kiefer o kaya kay Kim.
Alyssa: Hindi naman ako natatakot sa yo.
Jeron: O eh bakit ayaw mong magpahatid sa kin? Don't worry, I’ll bring you home safe and sound.
Alyssa: Sige na nga.
Naglakad kami ni Jeron papunta sa carpark ng La Salle. Pagdating namin sa kotse niya, pinagbukas niya ko ng pinto and after niya akong alalayan papasok, umikot na siya sa driver’s side.
Wala namang traffic kaya mabilis yong naging biyahe namin mula Taft papuntang Tandang Sora. Nagulat nga ako kasi sa sarap ng kwentuhan namin ni Jeron hindi ko namalayan na nasa gate na pala kami ng village namin. When we got to our house, bababa pa sana si Jeron para ipagbukas ako ng pinto pero sabi ko wag na kasi sobrang abuso na nun.
Alyssa: Salamat sa paghatid, ha. Sana hindi ka masyadong naabala.
Jeron: It was my pleasure. Tsaka enjoy ka kayang kausap, hindi ko nga halos napansin yong biyahe.
Alyssa: Same here. Anyway, sige, pasok na ko sa loob. Ingat ka pauwi.
Papasok na ko sa gate namin nung narinig kong tinawag ako ni Jeron.
Alyssa: Bakit? Did I leave anything?
Jeron: Ah, wala naman. Hihingin ko lang sana yong cellphone number mo, kung okay lang sa yo?
Alyssa: Uhmmm...
Jeron: Please?
Alyssa: Ah sige, okay lang naman siguro. 0917-1234567.
Jeron: Salamat!
Alyssa: May kelangan ka pa?
Jeron: Wala na. Sige, pasok ka na sa loob. Bye Aly!
Alyssa: Salamat ulit sa ride. Ingat.
That night habang nagpapaantok ako, may pumasok na text message sa phone ko.
From 0919-1234567:
Hi Aly! Si Jeron Teng to. Thank you for trusting me kanina to bring you home. I really enjoyed talking with you. Sana maulit.
To Jeron Teng:
Hi Jeron! Ako pa nga dapat mag-thank you sa yo kasi hinatid mo ko kahit ang layo ng bahay ko. Nag-enjoy din ako sa kwentuhan natin kanina. But let’s see, hindi naman siguro imposible na maulit.
******
Pagpasok ko sa kusina namin nagulat ako nung nakita ko si Kiefer na kumportableng nakaupo, kumakain.
Kiefer: Good morning!
Alyssa: Good morning din.
Kiefer: Kain ka, masarap yong luto ni Tita.
Alyssa: Makaaya ka parang bahay mo ah.
Kiefer: Malay mo in the future maging bahay ko talaga to.
Alyssa: Ano, bibilhin mo tong bahay namin tapos ie-evict mo kami?
Kiefer: Hindi, basta lang ako magmu-move in. Hahaha...tara, sabayan mo na ko.
Umupo ako sa tapat ni Kiefer pero bago pa ko nakapag-umpisang maglagay ng pagkain sa plato ko, siya na ang nagsandok ng sinangag at tocino para sa kin. This morning is really starting out weirdly.
Alyssa: Thanks.
Kiefer: You’re welcome!
Alyssa: Ang aga mo naman atang mangapit-bahay. Anong meron?
Kiefer: Hindi na po maaga, Miss Valdez. In case you haven’t noticed, it’s almost 10am.
Alyssa: Maaga pa kasi ngayon palang tayo nagbe-breakfast. Ano ba talagang ginagawa mo dito ng ganitong oras?
Hindi sumagot si Kiefer sa tanong ko, instead may kinuha siyang paper bag sa ilalim ng mesa, tapos inabot niya sa kin yon ng nakangisi.
Alyssa: What’s this for?
Kiefer: Happy 18th birthday!
Alyssa: Alam mong birthday ko today?
Kiefer: Oo naman.
Alyssa: Bakit? I mean, paano?
Kiefer: You’ve not changed birthdays since we were kids, right?
Alyssa: Siyempre hindi. Pero, naaalala mo pa yon?
Kiefer: Ano ka ba, taon taon naman before tayo nag-high school nagpupunta kami sa bahay niyo pag birthday mo.
Kiefer knowing my birthday is adding to the weirdness of the day. Yong mga sinabi naman niya makes sense pero ang hirap pa rin maniwala na maaalala niya yong birthday ko ng ganun-ganun lang.
Kiefer: So, anong plans mo for today?
Alyssa: Magpapahinga lang. Malamang matutulog, maybe read a book or something.
Kiefer: Hindi mo man lang ice-celebrate yong birthday mo? No party or night out?
Alyssa: Wala, okay na sa kin yong tahimik lang na birthday.
Kiefer: I find it hard to believe na pumayag sina Ninong na walang big celebration tong 18th birthday mo. Nag-iisa ka pa namang babae.
Alyssa: Ang tagal naming pinagtalunan yan ni Papa. He wanted a big party, yong may Cotillion, 18 roses, tsaka 18 candles. Buti na lang at the end of the argument, akong nanalo.
Kiefer: What do you have against a big party? Minsan ka lang naman mage-18, bakit ayaw mo pang i-celebrate?
Alyssa: Actually, okay lang naman mag-party. Ang ayoko talaga yong mag-aayos. Nakatamad eh.
Kiefer: Ahhh...well, since wala ka naman palang plano today, sumama ka na lang sa kin.
Alyssa: Saan?
Kiefer: Bahala na kung saan tayo mapadpad. Pwede tayong mag-road trip o kaya kung gusto mo, tumambay na lang tayo sa mall.
Alyssa: Ayoko. Pinaglaban ko nga na hindi mag-party para makapanahimik ako dito sa bahay tapos sasama ako sa yo mag-lamierda?
Kiefer: Dali na. Alam mo, malas yang nagmumukmok sa bahay pag birthday.
Alyssa: Sino namang nagsabi sa yo na magmumukmok ako? I just want some Me Time.
Naputol yong usapan namin ni Kiefer nung pumasok sa kusina si Mama.
Lita: Happy birthday Anak! Buti naman bumaba ka na. Akala ko matutulog ka na lang buong araw.
Kiefer: Tita, si Aly po mas gustong magmukmok dito sa bahay kesa sumama sa kin mag-gala.
Alyssa: I cannot believe you. Sinusumbong mo ko sa sarili kong nanay?!
Lita: Anak, bakit ayaw mong sumama kay Kiefer?
Alyssa: Ma, ayoko po lumabas. Ang plano ko po dito lang ako sa bahay ngayon.
Lita: Kung ayaw mong mag-party, okay lang. Pero lumabas ka naman. Kahit papaano i-celebrate mo yong birthday mo.
Alyssa: Ma...
Lita: Aly, sige na. Mag-ayos ka na sa taas para makaalis na kayo ni Kiefer. Basta umuwi lang kayo in time for dinner.
Yong totoo, nasa twilight zone ba ako? Bakit ganito? I wake up seeing Kiefer in our kitchen, he greets me Happy Birthday with a gift, tapos halos ipagtulakan ako ni Mama na gumala. May nangyayari ba na hindi ko alam?
Hay...bahala na nga.
Umakyat ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Afterwards, sumakay na kami ni Kiefer sa kotse niya at nag-drive siya habang pinag-uusapan namin kung saan kami pupunta.
Kiefer: EK na lang tayo.
Alyssa: Etong tanda nating to gusto mo pang mag-EK? Hindi ka pa ba nagsasawa dun?
Kiefer: Sige na. Ayaw mo nun, on the day you turn 18, we’ll spend it like children in a theme park. Parang nung mga bata lang tayo.
Alyssa: Bahala ka na nga. Ikaw naman ang magda-drive eh. Basta yong bilin ni Mama kelangan by dinnertime nasa bahay na ako.
Kiefer: Oo. Hindi tayo magtatagal dun. Yong mga fun rides lang yong sasakyan natin.
Alyssa: Yong mga bawal natin sakyan dati?
Kiefer: Yup!
Hindi namin first time mag-EK ni Kiefer ng magkasama kasi dati madalas kami dito with our families. Kaya lang dahil bata pa kami nun marami kaming rides na hindi pwedeng sakyan. Pagdating namin ng EK, pumila agad kami para sumakay ng Space Shuttle. Pagbaba namin, parehas kaming tawa ng tawa.
Kiefer: Woohoo!!! Sarap mag Space Shuttle!
Alyssa: Nag-enjoy ka ba talaga? Eh para ka ngang maiihi kanina sa sobrang kaba.
Kiefer: H-hindi kaya!
Alyssa: Gusto mo tignan yong CCTV nila?
Kiefer: Kunwari lang yon para isipin mo na mas kinakabahan ako kesa sa yo.
Alyssa: Talaga lang ha? Sige, sabi mo. Hahaha...
Kiefer: Halika na nga. Next ride na tayo!
Hinawakan ni Kiefer yong kamay ko tapos hinila niya ko papunta sa Anchors Away. After Anchors Away, sumakay din kami ng Ekstreme Drop Tower tsaka ng Jungle Logjam. Pagtapos namin sa Logjam, umupo ako sa isang bench para magpahinga at magpatuyo habang si Kiefer bumibili ng drink.
Kiefer: O, inom ka muna.
Alyssa: Salamat!
Umupo si Kiefer sa tabi ko tapos tahimik naming pinanood yong mga taong dumadaan sa harap namin habang umiinom ng Coke. I admit I went out of the house practically kicking and screaming, pero wala na ring regrets kasi enjoy naman.
Kiefer: Sorry nga pala.
Alyssa: Para saan?
Kiefer: Alam ko naman napilitan ka lang sumama sa kin.
Alyssa: Ah, okay na yon. Wag mo na masyadong isipin.
Kiefer: I hope you’re at least enjoying yourself.
Alyssa: Yeah, I had a fun afternoon. Thanks for bringing me here. Ang tagal ko na hindi nagpupunta dito.
Kiefer: May gusto ka pa bang sakyan na ride?
Alyssa: Wala na. Ikaw?
Kiefer: Okay na rin ako. Gusto mo na bumalik ng Manila?
Alyssa: Sige.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako on our way back to Manila. Naka-park na si Kiefer sa harap ng mga bahay namin nung nagising ako.
Alyssa: Sorry, nakatulog ako. Dapat ginising mo ko para may kausap ka sa biyahe.
Kiefer: Para kasing pagod na pagod ka kaya hindi na kita ginising. Ano, pasok na tayo sa inyo?
Alyssa: Hindi ka pa uuwi?
Kiefer: Hindi pa. Makikikain muna ako sa inyo.
Alyssa: Okay. Tara.
Kakapasok palang namin sa gate napansin ko na agad na madilim yong bahay namin. Ang alam ko dito lang kami sa bahay magce-celebrate ng birthday ko, kaya lang parang walang tao. I took out my phone to check kung nag-text sina Mama about any change of plans pero wala namang text or missed call.
Alyssa: Bakit parang walang tao sa bahay namin. Wala namang nabanggit si Mama kanina na aalis sila diba?
Kiefer: Wala. Baka naman andiyan lang sila sa loob. Pasok na tayo.
Pumasok na kami sa bahay and when we closed the door behind us, biglang bumukas yong ilaw.
Everyone: SURPRISE!!!
Hindi ako agad naka-react. Nakatayo lang ako sa tabi ni Kiefer, nakatingin sa pamilya ko tsaka sa mga teammates ko na nakangiti sa kin. Nung hindi talaga ako gumalaw sa kinatatayuan ko, lumapit si Kim sa kin hawak yong birthday cake ko.
Kim: O, Binibining Tulala, make a wish!
Alyssa: Anong ginagawa mo dito?
Kim: Celebrating your debut and asking you to blow your candle. Tama na tanong, baka humalo na tong kandila sa cake mo. Mag-wish ka na.
Hmmm...I wish na maging maganda yong laro ng team this coming season at sana walang mai-injure.
*blow*
Everyone: HAPPY BIRTHDAY ALY!
Isa-isang lumapit sa kin si Kim at yong mga teammates ko para bumeso at batiin ako ng Happy Birthday. Pagkatapos, sabay-sabay naman akong niyakap nina Mama at nina Kuya.
Valdez Family: Happy Birthday Bunso!
Alyssa: Kayo talaga, usapan walang party eh. Bakit merong ganito?
Ruel: Tingin mo ba talaga papayag kami na walang kahit anong celebration tong debut mo?
Alyssa: Kala ko pa naman nanalo na ko, hindi pa rin pala.
Lita: Tama na yang diskusyon niyong mag-ama, baka kung saan umabot yan.
Tumingin si Mama kina Kuya Paolo at Kuya Nicko.
Lita: Paolo, Nicko, samahan niyo si Kim tsaka yong mga teammates ni Aly papunta sa garden para makakain na sila.
Nicko: Sige po Ma.
Sinamahan nina Kuya sina Kim papunta sa garden, slash volleyball court, slash basketball court namin sa may bandang likod ng bahay.
Kiefer: Uhmmm...Ninong, Tita, magpapaalam na po ako.
Lita: Ha? Hindi ka magse-stay?
Kiefer: Hindi na po Tita. Hinatid ko lang po talaga si Aly. Uwi na po ako, baka hinahanap na ako nina Mommy sa bahay.
Lita: Naku, hindi ka hahanapin nun. Nagtext na Mommy mo kanina na papunta na sila rito.
Ruel: Tsaka hindi ka pwedeng umalis. Ikaw ang escort ni Aly.
Alyssa: Pa, bakit naman po kelangan ko pa ng escort? Hindi naman formal tong party ko.
Ruel: May hinandang program yong teammates mo kaya kelangan mo ng escort.
Lita: Halika na kayong dalawa ng makakain na at ng maumpisahan na yong program.
Alyssa: Sige po Ma, sunod na lang po kami ni Kiefer sa inyo.
Hinintay kong makaalis sina Mama at Papa bago ako tumingin kay Kiefer para itanong yong kanina ko pa gustong itanong sa kanya. Since waking up this morning I already had a feeling that something was up and tama nga ako. I just want to know if it was just coincidence or if he knew about it from the beginning.
Alyssa: Kasabwat ka ba nila sa party na to?
Kiefer: Oo na hindi.
Alyssa: Anong ibig mong sabihin?
Kiefer: Kinausap ako ni Ninong nung isang araw na i-distract daw kita today habang naghahanda sila. Pero yong sa mismong arrangements para sa party, wala akong alam dun. You’ll have to ask either Kim or your teammates.
Hindi naman totally unexpected yong sinabi ni Kiefer. A part of me already knew that the only reason he would spend the day with me is because ni-request ni Papa. Pero hindi ko pa rin maiwasan na ma-disappoint.
Kiefer: Uy Aly, okay ka lang?
Alyssa: Ah, o-oo. Okay lang ako. Tara, hinihintay na nila tayo sa garden.
BINABASA MO ANG
All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionShe was his biggest fan in High School. Lahat ng games at practices ni Kiefer pinupuntahan ni Alyssa, even if it meant she’d cut class or miss volleyball training. Her constant presence annoyed him and because Kiefer didn’t know how to handle this t...