Chapter 20

9.2K 142 16
                                    

Alyssa’s POV

Denden: Uy Aly!

Alyssa: Ha? Ah, bakit?

Nakita kong nagtinginan si Denden at si Ella. Siguro natulala na naman ako. I should really get my act together, medyo napapadalas na ‘to eh. Inayos ko ‘yong upo ko dun sa bench na tinatambayan naming tatlo sa may SEC and I made an extra effort to listen to the conversation around me.

Denden: Okay ka lang ba Aly?

Alyssa: Oo naman.

Ella: Really? Hindi halata, you look like somebody just died.

Alyssa: Gaga ka talaga Ella. Kelangan namatay agad? Hindi ba pwedeng na-miss ko lang ‘yong tao?

May nasabi ba ‘kong mali? Para kasing nagulat si Ella sa sinabi ko, pero bago ko pa natanong kung anong ikinagulat niya, nag-slow clap siya sa harap ko.

Alyssa: Bakit ka pumapalakpak diyan?

Ella: Kasi hindi na kami nag-exert ng effort ni Denden para lang paaminin kang nami-miss mo si Kiefer.

Alyssa: Ewan ko sa ‘yo.

Denden: Hindi ka pa rin ba kinakausap ni Kiefer?

Umiling ako kay Denden.

Denden: Anong ginagawa niyo pag Chem Lab?

Ella: Ano pa eh di panisan ng laway!

Denden: Hindi kayo nagkikibuan?

Alyssa: Barely.

Denden: Sinubukan mo na ba siyang kausapin?

Alyssa: May mga ilang times na sinusubukan kong kausapin sina Von pag magkakasama sila, pero ni hindi niya ‘ko tinitignan.

Ella: Imbis kasi na nagpapapansin ka lang, kausapin mo na ng diretso. Malay mo hinihintay ka lang nun.

Alyssa: Bakit hindi pwedeng siya na lang ‘yong maunang makipag-usap? Siya naman ‘yong lalaki eh.

Ella: Aba Miss Valdez, baka gusto mong ipaalala ko sa ‘yo na ikaw ang nakasakit nung huling beses na nag-usap kayo. Sino bang hindi makaamin sa nararamdaman? Ikaw o siya?

Alyssa: Ako.

Ella: Kitams.

Alyssa: Kausapin ko na kaya siya?

Denden: Ready ka na bang umamin? Kasi kung hindi pa, wala ring pupuntahan ‘yong pag-uusap niyo.

Ready na nga ba ‘ko? Ang alam ko lang kasi ngayon, sobrang nami-miss ko si Kiefer and everytime magkikita kami na hindi niya ‘ko pinapansin, para ‘kong sinasaksak.

Alyssa: Hindi ko alam kung ready na ‘ko, pero parang mas hindi ko ata kayang ganito kami ni Kiefer.

Ella: Look Aly, I’m not belittling what hap –

*bell ringing*

Tumahimik kaming tatlo habang hinihintay namin tumigil mag-ring ‘yong first bell.

Denden: You may want to make a decision right now.

Alyssa: Ha?

Denden: Ayun si Kiefer o, kasama ni Von.

Tumingin ako sa direksyon na tinutukoy ni Denden and sure enough, nakita ko nga si Kiefer at si Von na naglalakad sa hallway.

Alyssa: Kausapin ko na ba?

Ella and Denden: Go!

Alyssa: Paano kung ayaw niya pa rin akong kausapin?

Ella: Hindi mo malalaman ang sagot sa tanong na ‘yan kung uupo ka lang diyan. Lapitan mo na!

Alyssa: Sige na nga. Bahala na si batman!


******


Kiefer’s POV

Von: Nagugutom na ‘ko Kief, kain muna tayo bago mag-Moro.

Kiefer: PG ka talaga kahit kelan.

Palakad na kami ni Von papuntang Gonzaga Caf nung may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa ‘kin. Paglingon ko, I saw Aly standing practically just an arms length away, she was smiling at me na parang hindi siya sigurado kung papansinin ko siya o hindi.

Kiefer: H-hi Aly.

Alyssa: Kamusta?

Kiefer: Okay lang. (after a few seconds) Uhmmm...s-sige, una na ‘ko ah. May pupuntahan pa kami ni Von.

I turned away from Aly to catch up with Von, pero hindi pa ‘ko nakakahakbang palayo nung naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Alam kong si Aly ‘yon, so I steadied myself bago ako tumingin sa kanya.

Alyssa: Kief, can we talk?

Hindi ako nakasagot agad, napatingin lang ako sa kamay niya na nakahawak pa rin sa ‘kin. I like the feeling of her hand in mine pero alam kong hindi dapat, kaya dahan-dahan kong tinanggal ‘yong pagkakahawak niya sa ‘kin.

Alyssa: Please?

Kiefer: Tapos na tayong mag-usap diba? Wag ka ng mag-alala sa ‘kin. I’ll be okay. Natatanggap ko na rin naman eh.

Ngumiti ako kay Aly and I nodded goodbye bago ako tuluyang naglakad palayo sa kanya.

Von: Tatag natin ah.

Kiefer: Paano naman ako makaka-move on kung hindi ko titiising wag siya makasama?

Alyssa: (sumigaw) Oo na Kief. Mahal din kita!

Napatigil kami ni Von sa paglalakad. I looked at him for confirmation na parehas kami ng narinig at nung ngumiti sa kin si Von alam ko ng hindi ko ‘yon guni-guni. Lumingon ako and I saw Aly smiling shyly at me.

Kiefer: Anong sinabi mo?

Alyssa: Narinig mo naman eh, bakit ko pa uulitin?

Kiefer: Okay.

I took a step towards the Caf again, but I’m hoping na sana ulitin ni Aly ‘yong sinabi niya kanina. Narinig ko naman the first time, gusto ko lang makasigurado na hindi ako nananaginip.

Alyssa: (sumigaw) Ang sabi ko, I love you too!

Ngumiti ako tapos tumakbo ‘ko pabalik kay Aly at niyakap ko siya ng mahigpit. She hugged me back pero pinalo niya ‘ko ng mahina sa likod.

Alyssa: Nakakainis ka!

Kiefer: Bakit?

Alyssa: Ang sadista mo. Narinig mo naman pero gusto mo pang ulitin ko.

Kiefer: Sinisigurado ko lang na tama ‘yong rinig ko. Baka kasi nananaginip lang ako eh.

Aly pulled back a bit at kinurot niya ‘yong dalawang pisngi ko.

Alyssa: Gising ka diba? Tama ‘yong rinig mo, mahal kita.

Kiefer: I love you too!

Alyssa: Kief, sorry kasi hindi ko naamin agad. Kinailangan pang masak –

Kiefer: Okay na ‘yon Aly. Ang importante, nasabi mo na.

Hinila ko siya ulit palapit para yakapin, tapos bahagya akong bumitaw at iniharap ko ‘yong mukha niya sa ‘kin.

Kiefer: Aly, ibig bang sabihin nito tayo na?

Alyssa: Masyado ka naman atang sineswerte Mr Ravena. Ligawan mo muna sina Papa. ‘Yong oo nila, parang oo ko na rin, kaya pag napasagot mo sila, tayo na.

Kiefer: Sure ka, ‘yon lang ang gagawin ko? Wala na bang mas challenging pa dun?

Alyssa: Siguradong-sigurado ka na mapapa-oo mo sila ah.

Kiefer: Ikaw na rin ang nagsabi na gusto tayo ng mga magulang natin para sa isa’t-isa. Hindi naman siguro ‘ko papahirapan nina Ninong kung boto sila sa ‘kin diba?

Ngumiti si Aly sa ‘kin and I smiled back at her. Hindi ko ma-explain ‘yong saya na nararamdaman ko ngayon, daig ko pa ata ‘yong nanalo ng championship at ng MVP award. Akala ko talaga wala ng chance, buti na lang mali ako, buti na lang she loves me enough to finally tell me.

Pero medyo kinabahan ako nung nakita kong nagbago ‘yong expression sa mukha ni Aly. Her smile faltered and she started nibbling on her lower lip, para siyang may biglang naisip na hindi niya alam kung paano sasabihin.

Kiefer: May gusto ka bang sabihin sa ‘kin?

Alyssa: Oo sana eh.

Kiefer: Ano ‘yon? Bakit hindi mo pa sabihin?

Alyssa: Baka kasi ma...i-promise mo muna sa ‘kin that you won’t take it negatively.

Kiefer: I promise.

Aly took a deep breath and then looked at me.

Alyssa: Naniniwala ka namang mahal kita diba?

Kiefer: Oo naniniwala ako, at mahal na mahal na mahal din kita.

Alyssa: Salamat. (after a few seconds) Pero Kief, hindi ibig sabihin na mahal kita wala na ‘yong issues ko. I think I’m making progress, but they’re still there. Na-realize ko lang na mas importante ka sa ‘kin.

Kiefer: Hindi ko naman ine-expect na bigla na lang mawawala ‘yong mga issues mo. I know that dealing with them is going to be an ongoing process, and that’s fine with me, we’ll face them together. Masaya na ‘kong mahal mo ‘ko at pinapapasok mo na ‘ko sa buhay mo.

Aly smiled at me again. I placed my arms around her waist and leaned towards her. Binagalan ko ‘yong paglapit ng mukha ko sa kanya to give her a chance to push me away, pero hindi niya ginawa. Hinalikan ko siya at muntik na ‘kong sumigaw sa tuwa when she placed her arms around my neck and kissed me back.

Hindi ko alam kung ilang segundo, ilang minuto, o ilang oras ang dumaan before I broke our kiss and pulled away. Binigyan ko siya ng isang malaki at nakakalokong ngiti before I placed my forehead against hers.

Kiefer: Sorry ninakawan na naman kita ng halik.

Alyssa: From now on, consider me your willing victim.

All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon