Kiefer’s POV
Von: Hindi ka na ba talaga sasama sa ‘min?
Kakatapos lang ng class namin ni Von at sabay kaming naglalakad, siya papunta sa Gonzaga Caf kung saan niya imi-meet sina Juami, habang ako didiretso sa Blue Eagle Gym para sa training nina Aly.
Kiefer: Hindi ako pwede, may standing plans na kami ni Aly, diba?
Von: May date kayo?
Kiefer: Wala, ‘yong usual lang. Quick dinner before ko siya ihatid sa kanila or baka sa kanila kami mag-dinner. Hindi ko pa sure actually.
Von: Wala naman palang firm plans eh, sumama ka na lang sa ‘min. Ipagpapaalam kita kay Aly.
Kiefer: Ano ka ba, ni hindi nga alam ni Aly na nag-aaya kayo eh. Next time na lang ako sasama sa inyo.
Von: Sige na nga, magsasakripisyo kami para sa love life mo. Hahaha...
Kiefer: Sira! O paano Paps, una na ‘ko. Baka ma-late ako.
Von: Training mo?!
Kiefer: Hindi. Training ng mahal ko!
Von: Baduy mo!
Kiefer: In love lang! Enjoy kayo! Bye!
Von: Bye Mr Inlababo!
Napailing na lang ako habang naglalakad. Halos dalawang linggo na ‘kong asar talo kay Von, pero ayos lang, alam ko namang masaya siya dahil may progress ‘yong panliligaw ko. Nung una kasi ayaw talaga ni Aly manligaw ako, kaya lang wala na rin siyang nagawa sa kakulitan ko.
Pagkapasok ko sa Blue Eagle Gym, automatic na hinanap ng mata ko si Aly and I saw her doing some stretching exercises with Ella and Denden. Malayo-layo pa ‘ko nung siniko ni Denden si Aly at sumenyas sa ‘kin. Hindi ko naman naiwasang kiligin when I saw Aly’s eyes lit up as I was walking to my usual place at the bleachers.
Nakangiti kong pinanood ‘yong scrimmage nina Aly, kada makakapatay kasi siya ng bola, tinutukso siya ng teammates niya na inspired. Aly on the other hand would just roll her eyes and then smile good-naturedly. Pagkatapos nilang i-dismiss, tumabi siya sa ‘kin at inabutan ko siya ng Gatorade at ng saging para sa cramps niya.
Alyssa: Thanks Kief.
Kiefer: You’re welcome. (after a few seconds) Saan mo nga pala gustong mag-dinner mamaya?
Alyssa: Sa bahay na lang namin. Ilang araw na tayong kumakain sa labas, baka mamulubi ka.
Kiefer: Okay lang, daig ko naman ang nanalo ng lotto tuwing nginingitian mo ‘ko eh.
Alyssa: Hahaha...
Kiefer: O, bakit ka tumatawa? Totoo naman ‘yong sinabi ko ah.
Alyssa: Bolero ka talaga kahit kelan.
Kiefer: Hin –
Gretchen: O Kief, bakit hindi ka sumama kina Nico? May lakad kayo diba?
Routine na ‘to after ng training nina Aly. Tatabihan niya ‘ko sa bleachers tapos ilang minuto lang, pupuntahan kami ng teammates niya. Hindi ko nga alam kung gusto lang nila makipagkwentuhan o ayaw talaga nila kaming maiwan ni Aly na kami lang.
Kiefer: Sabi ko sa kanila next time na lang ako sasama, may prior plans na kasi ako eh.
Alyssa: May lakad ka? Puntahan mo na, baka ma-late ka pa.
Kiefer: Wala akong pupuntahan. Ikaw kaya ‘yong prior plans ko.
Alyssa: Sus, kung ako lang naman pala, sumama ka na sa teammates mo. Ayos lang sa ‘kin umuwi mag-isa.
BINABASA MO ANG
All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionShe was his biggest fan in High School. Lahat ng games at practices ni Kiefer pinupuntahan ni Alyssa, even if it meant she’d cut class or miss volleyball training. Her constant presence annoyed him and because Kiefer didn’t know how to handle this t...