Kiefer’s POV
*bell ringing*
Pagka-ring ng bell tumingin ako kay Aly at nung nakita kong nakaayos na yong gamit niya at palabas na siya ng classroom, nagmadali akong sumunod sa kanya.
Kiefer: Aly!
When she heard her name, tumigil sandali si Aly sa paglalakad at lumingon sa kin.
Alyssa: O, bakit?
Kiefer: Lunch?
Alyssa: Anong lunch?
Kiefer: I’m asking you if gusto mo mag-lunch. Para sabay na rin tayo papuntang Chem Lab mamaya.
Alyssa: Wala ka bang kasabay mag-lunch?
Kiefer: Uhmmm...sana ikaw. Kung okay lang sa yo? (after a few seconds) Sige na, mukhang wala rin naman yong lunch buddy mo eh.
Alyssa: Ah, sige. Okay lang naman.
Kiefer: Saan mo gusto kumain? Andiyan lang sa East yong kotse ko, pwede kong kunin tapos daanan na lang kita sa may Gonzaga driveway.
Alyssa: May balak ka pang lumabas ng campus for lunch? Ang lakas kaya ng ulan.
Kiefer: Bakit, dadami ka ba pag nabasa ka?
Alyssa: Ano ako, gremlin?
Kiefer: Ang ganda mo namang gremlin.
Natawa ako ng konti nung nakita ko yong expression sa mukha ni Aly.
Alyssa: Ewan ko sa yo! Diyan na lang tayo sa Gonzaga Caf kumain.
Kiefer: Sige, ayos lang. Let’s go?
Alyssa: Tara.
Tinatanggal ko na yong jacket ko para ipagamit kay Aly panangga sa ulan nung nakita ko siyang naglabas ng payong sa bag niya.
Alyssa: Wag mo ng tanggalin yang jacket mo, share na lang tayo sa payong ko.
Ngumiti ako sa kanya and placed my jacket on her head, tapos kinuha ko yong payong niya, opened it and held it over our heads.
Kiefer: Tara, gutom na ko.
Humakbang na ako palabas sa pinto ng Chemistry building nung napansin kong hindi gumagalaw si Aly sa kinatatayuan niya.
Kiefer: Uy Aly, halika na. Ano pang hinihintay mo diyan?
Alyssa: Baka gusto mong tanggalin tong jacket sa ulo ko? Mukha akong naka-belo!
Kiefer: Ayoko nga. Mamaya niyan maulanan ka, magkasakit ka na naman.
Hinatak ko na si Aly palabas ng building para hindi na siya makipagtalo sa kin. We were just half-way to the Caf nung lumakas yong ulan at medyo humangin kaya inakbayan ko si Aly to make sure that we both stayed under the umbrella. Naramdaman kong nagulat siya pero hindi siya kumibo, alam naman siguro niya na it’s the practical thing to do.
Pagdating namin sa Caf, nakahanap naman kami agad ng mesa.
Kiefer: Dito ka na lang sa table, ako ng bibili ng food mo. Ano bang gusto mo?
Alyssa: Hmmm...spaghetti with white sauce na lang tsaka pink lemonade.
Inabutan ako ni Aly ng pera pero tinulak ko ng konti yong kamay niya pabalik sa kanya.
Kiefer: Ako na, my treat.
Umalis ako para bumili ng pagkain namin. Pagbalik ko naabutan ko si Aly na nagbabasa ng Chem book niya. Nung nakita niya ako, tinabi niya yong libro niya tapos tinulungan niya akong tanggalin sa tray yong pagkain namin.
Kiefer: Uhmmm...Aly?
Alyssa: Bak –
*toot toot*
From Ma’am Anna - Chem Lab:
Hi CH2-E. Please note that this afternoon’s Lab will be a free cut. Stay safe and dry on your way home. See you next Wednesday.
Kiefer: Uy ayos, free cut! (tumingin kay Alyssa) Nakuha mo din yong text ni Ma’am Anna?
Alyssa: Oo. Bakit kaya siya nag-free cut?
Kiefer: Baka para makauwi na tayo. Mukhang wala naman kasing balak tumila yong ulan eh.
Alyssa: Sayang hindi pa ko makakauwi. Sana i-cancel din ni Coach Roger yong training namin mamaya.
Kiefer: Anong oras yong training niyo?
Alyssa: 5pm. Bakit?
Kiefer: Kung wala ka namang gagawin until 5pm, baka gusto mong manood ng movie? Malapit lang ang Eastwood. We can catch a movie and make it back here in time for your training. What do you think?
Nakita kong kumunot yong noo ni Aly. May mali ba akong sinabi? Parang wala naman ah. Ilang minuto din akong tinignan lang ni Aly bago siya sumagot.
Alyssa: Sino na naman ang nag-utos sa yo na i-distract ako? O pinapa-baby sit ba ako ulit ng mga Kuya ko sa yo?
Kiefer: Ha? Wala silang sinabi sa kin. Gusto lang talaga kita ayain mag-movie. I mean of course, if you’re free.
Alyssa: Next time na lang siguro. I was thinking of using the free cut to catch up on my homework, mahirap na kasi mabaon.
Kiefer: Ah, okay. Sige, next time na lang.
******
Alyssa’s POV
After I turned down his invitation, tahimik na lang kaming kumain ni Kiefer. Hindi ko alam kung ano na namang pakulo niya at nag-aya siyang manood ng movie. Sinabi man niyang hindi, but I still can’t help but feel that my family’s behind this somehow. Buti na lang nakaisip ako agad ng excuse para hindi sumama.
PA System: Attention Everyone! Attention! The Office of the Vice President for the Loyola Schools would like to announce the cancellation of afternoon and evening classes. Pag-asa has just upped the storm signal to #3 in Metro Manila. Thank you.
*toot toot*
Coach Roger:
Girls, since called off na ang classes, cancelled na rin ang training natin later. Ingat kayo pauwi. Resume training tayo tomorrow afternoon.
Masaya ako nung nabasa ko yong text ni Coach Roger pero bigla akong namroblema kung paano ako uuwi. For sure hindi maco-call off yong trabaho ni Kuya Paolo eh ang hirap naman mag-commute ng bumubuhos yong ulan.
Hay...
Kiefer: Okay ka lang? Sino ba yang nag-text at ang lalim ng buntong hininga mo?
Alyssa: Si Coach Roger, cancelled na daw yong training namin mamaya.
Kiefer: Okay naman yon, diba? At least pwede ka ng umuwi.
Alyssa: Oo.
Kiefer: O, eh bakit parang hindi ka masaya?
Alyssa: Iniisip ko lang kasi kung paano ako uuwi. Ang hirap pa namang mag-commute pag ganitong malakas ang ulan.
Kiefer: Sumabay ka na lang sa kin pauwi.
Alyssa: Ah...eh...
Kiefer: Wag mong sabihin na tatanggi ka pa? Sa yo na nanggaling, mahirap mag-commute pag umuulan.
Alyssa: Sige, I’ll take you up on your offer. Thanks!
Kiefer: Wala yon. Let’s finish our lunch para makauwi na tayo?
Alyssa: Okay.
Mabilis naming inubos ni Kiefer yong pagkain namin para makauwi na kami bago pa lumakas ulit yong ulan. After around 15 minutes, natapos na rin kami parehas kumain.
To Kuya Paolo:
Kuya, wag mo na ko sunduin mamaya. Cancelled na yong classes namin kaya sasabay na lang ako kay Kiefer pauwi.
Kiefer: Ano Aly, let’s go?
Alyssa: Ah, yeah. Pero okay lang ba if dumaan muna ako sa locker ko? Andun kasi yong iba kong gamit.
Kiefer: Oo naman. Halika, samahan na kita. Asan ba yong locker mo?
Alyssa: Sa Berchmans lang.
Pagkatapos namin kunin ni Kiefer yong gamit ko sa locker, naglakad na kami papunta sa kotse niya sa East Carpark. Hindi naman masyadong traffic kaya nakarating kami agad sa village namin. Kiefer parked his car in front of our houses and since medyo humina na yong ulan, tumakbo ako papunta sa gate namin na walang payong.
*ding dong* *ding dong*
Ilang beses ko na pinipindot yong door bell pero wala pa ring nagbubukas sa kin, parang wala nga atang tao sa bahay namin eh. Hindi naman nag-text si Mama na aalis sila ni Manang. Asan na kaya sila?
Medyo bumalik ako sa huwisyo nung naramdaman kong lumakas yong ulan, but before I could even bring out my umbrella, nakatayo na si Kiefer sa tabi ko na may hawak na malaking payong.
Alyssa: Salamat.
Kiefer: You’re welcome.
*ding dong* *ding dong*
Kiefer: Baka naman walang tao sa inyo?
Alyssa: Oo nga eh. Hindi rin naman kasi nila inaasahan na uuwi ako ng ganitong oras.
Kiefer: Wala ka bang susi sa bahay niyo?
Alyssa: Meron pero hindi ko dala.
Kiefer: Dun ka na lang sa min hanggang dumating sina Tita.
Alyssa: Okay lang ba?
Kiefer: Oo naman. Tara.
Tumawid kami papunta kina Kiefer at pagkapasok namin sa bahay nila, iniwan niya ako sandali sa family room. Pagbalik niya, may inabot siya sa aking shirsey niya tsaka shorts.
Alyssa: Para saan to?
Kiefer: Magpalit ka muna ng damit, basa yang suot mo.
Alyssa: Hindi, okay lang ako. Matutuyo din to.
Kiefer: Yon nga ang hindi dapat mangyari, diba? Baka magkasakit ka pag natuyo yang damit mo habang suot mo. Sige na, andiyan yong banyo sa labas.
Alyssa: Okay. Kiefer, salamat ha.
Ayoko rin namang magkasakit kaya pumunta na ako sa banyo para magpalit. Habang nagsusuklay ako, tinignan ko yong sarili ko sa salamin.
Alyssa: Hay naku Alyssa Valdez! Kung bakit naman kasi sa sobrang pagmamadali mong lumabas ng kotse ni Kiefer kelangan tumakbo ka sa ulan ng walang payong? Kelangan mo pa tuloy humiram ng damit sa kanya para lang hindi ka magkasakit. Ang talino mo kasi!
Bumalik ako sa family room nila Kiefer at nag-ayos ng gamit ko. Maya-maya pumasok si Kiefer with a paper bag and two steaming mugs of what smelled like hot chocolate. Binaba niya sa center table yong dalawang mug tapos inabot niya sa kin yong paper bag.
Kiefer: Dito mo na ilagay yong basa mong damit.
Alyssa: Thanks.
Kiefer: Tsaka mag-hot chocolate ka muna para mainitan ka habang ginagawa mo yong homework mo.
Alyssa: Homework?
Kiefer: Oo, diba sabi mo kanina may hahabulin ka pang homework?
Alyssa: Ah, o-oo. Meron nga. Ikaw, hindi ka ba gagawa ng homework?
Kiefer: Gagawa din.
Alyssa: Sige, akyat ka na sa kwarto mo. Okay na ako dito.
Kiefer: I was actually thinking of joining you here. Ayos lang ba kung sabay na tayo gumawa ng homework?
Alyssa: Oo naman. It’s your house.
We both settled down to study. Dahil wala naman talaga akong homework na hindi pa nagagawa, nag-advance reading na lang ako for Chem. After reading three chapters in my Chem book, nag-umpisa naman akong gumawa ng notes dun sa Fiction readings ko. We’ve been studying almost four hours nung sumilip si Yaya Caring sa family room.
Yaya Caring: Kief, Aly, handa na yong dinner. Kumain na muna kayo.
Kiefer: Sige po ‘Ya. Sunod kami.
Tumayo na kami ni Kiefer para pumunta ng dining room. Pagdating namin dun, wala pa kaming five minutes na nakaupo nung nag-ring yong phone ko. When I checked my phone, si Mama yong tumatawag.
Alyssa: Sagutin ko lang to ha. Excuse me.
Kiefer: Sure.
Alyssa: Hello Ma?
Lumabas ako ng dining room para hindi ko maistorbo yong pagkain ni Kiefer.
Lita: Anak, na-cancel na yong classes ng college diba?
Alyssa: Opo Ma, kanina pa pong lunchtime.
Lita: Nasa bahay ka na ba? Paano ka umuwi?
Alyssa: Ma, sumabay po ako kay Kiefer pero nandito po ako sa kanila ngayon. Naiwan ko po kasi yong susi ko kaya hindi ako makapasok sa bahay.
Lita: Ah ganun ba? Sige, diyan ka muna. Hindi ko pa kasi alam kung anong oras kami makakauwi. Tawagan na lang kita pag nasa bahay na kami.
Alyssa: Sige po Ma. Goodbye po.
After namin mag-usap ni Mama bumalik ako ng dining room para ituloy yong pagkain.
Kiefer: Si Tita?
Alyssa: Oo, tinatanong kung nasa bahay na ako. Ah Kiefer, okay lang ba kung dito muna ako? Mukhang gagabihin kasi sina Mama eh.
Kiefer: Of course, alam mo namang always welcome ka dito sa bahay namin.
Alyssa: Salamat.
Kiefer: Aly?
I glanced at Kiefer nung narinig kong sinabi niya yong pangalan ko.
Alyssa: Bakit?
Kiefer: Can I ask you something?
Alyssa: Sure. Ano yon?
Kiefer: Bakit hindi mo ko tinatawag ng Kief? Lagi lang Kiefer. Nung bata naman tayo yon yong tawag mo sa kin diba?
Alyssa: Ah, yon ba? Eh ayoko lang kasi masabihan na masyado akong feeling close sa yo.
Kiefer: Yan din ba yong reason kung bakit parang ilang ka sa kin?
Alyssa: Oo. (after a few seconds) I didn’t know I was that obvious.
Kiefer: Sana wag ka ng mailang. Tsaka, so what kung may magsabi na feeling close ka sa kin, wala naman silang alam. We grew up together so that naturally makes us friends, right?
Alyssa: Yeah we grew up as friends, pero nag-drift apart tayo nung high school.
Kiefer: Hindi naman kasi tayo masyadong nagkikita nun. But circumstances have changed. I think we’re now equipped to be better friends because we’re older and more mature.
Alyssa: At araw-araw na tayong nagkikita?
Kiefer: Oo, kasama na yon. Sana maging kumportable ka na ulit sa kin, sana maging friends na talaga tayo.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Kiefer. Payuko na ako nung bigla niya akong hinawakan sa braso kaya napatingin ako ulit sa kanya.
Kiefer: Aly come on, let’s be friends again. And we can start it by you calling me Kief. Please?
Alyssa: S-sige, if you insi –
Kiefer: Yes, I insist.
Alyssa: Okay, then Kief it is.
Ngumiti sa kin si Kiefer at kahit anong pigil ko, I couldn’t help but smile back at him.
Kiefer: Sarap naman marinig na tinatawag mo ako sa nickname ko.
Tinignan ko si Kiefer ng nakataas yong kilay ko at nung nginisian niya ako, sabay kaming dalawa tumawa. I couldn’t remember a time when we laughed together. Masarap pala. It’s like we’re really friends now.
Kiefer: Natapos mo na ba lahat ng homework mo?
Alyssa: Oo. Nakapag-advance pa nga ako ng konti eh.
Kiefer: Parehas pala tayo. Natapos ko na rin yong mga dapat kong gawin. (after a few seconds) So wala ka ng gagawin for the rest of the night?
Alyssa: Wala naman na.
Kiefer: Gusto mo manood ng DVD? Pwede tayong magpa-microwave ng popcorn kay Yaya para kumpleto yong moviehouse atmosphere.
Alyssa: Sige, a movie sounds great.
BINABASA MO ANG
All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)
FanfictionShe was his biggest fan in High School. Lahat ng games at practices ni Kiefer pinupuntahan ni Alyssa, even if it meant she’d cut class or miss volleyball training. Her constant presence annoyed him and because Kiefer didn’t know how to handle this t...