Alyssa’s POV
*phone ringing*
Alyssa: Hello?
Kiefer: Hi Aly! Okay ka na ba? Nandito na ‘ko sa labas ng bahay niyo.
Alyssa: Yeah, I’m ready. Just give me five minutes, magbaba-bye lang ako kina Mama.
Kiefer: Ah sure. Take your time.
After talking to Kiefer binalik ko ‘yong phone ko sa bulsa ko, got my bag, and then went to the kitchen. Nagpaalam ako kina Mama tapos lumabas na ‘ko ng bahay para puntahan si Kiefer. Nung nakita niya ‘kong palabas ng gate, bumaba siya ng kotse niya at pinagbukas ako ng pinto.
Alyssa: O, bakit ka pa bumaba? Kaya ko naman buksan ‘yong pinto ng kotse mo.
Kiefer: Gusto ko lang. Masama ba?
Alyssa: Hindi naman. Salamat.
Pagkasakay ko sa kotse, pasimple kong pinagmasdan si Kiefer habang naglalakad siya paikot sa driver’s side. Naninibago ako sa kinikilos niya. Eversince nagkita kami ulit at naging magkaibigan, mabait na siya sa ‘kin pero hindi naman siya ganito ka-sweet at ka-gentleman. I don’t know what it is, but something’s up.
The drive to Ateneo didn’t take long and after namin mag-park, pumunta kami ni Kiefer sa College Covered Courts na venue nung activity namin with the kids. Papasok palang kami ng Covered Courts naririnig na namin ‘yong boses ng mga teammates namin na nag-uumpisa ng mag-ayos nung venue.
Konti na lang naman ‘yong kelangan ayusin, mostly ‘yong materials and prizes para sa games tsaka ‘yong table kung saan ilalagay ‘yong pagkain na ide-deliver ng Jollibee mamayang merienda. Naayos na rin kasi namin kahapon ‘yong goodie bags na ipapamigay namin at the end of the afternoon.
Pagkatapos namin mag-ayos, tinawag kaming lahat nina Ate Fille for some last minute reminders and instructions tsaka para makabunot kami ng magiging little sister or little brother namin for the day.
Fille: Meron pa bang hindi nakakasulat dito ng name nung nabunot na sister or brother for the day?
Everyone: Wala na!
Bacon: May suggestion sina Coach para daw mas masigurado na hindi mapapabayaan ‘yong mga bata. Instead na by pairs, gawin na lang daw nating by fours.
Tash: Paanong by fours?
Fille: Tayong players we’ll have our buddies. So for the entire day, magkasama ‘yong mag-buddies plus their respective siblings, pati sa games sila-sila rin ‘yong magkaka-team kung kelangan.
Gwyne: Bakit kelangan pa mag-buddy system?
Bacon: Para in case we need to go somewhere like sa bathroom, may mapag-iiwanan pa rin tayo sa sibling natin. Okay ba sa inyo ‘yong buddy system?
Everyone: Okay.
Fille: Wag na natin gawing bunutan ‘yong buddies, kayo ng bahala pumili ng gusto niyong makasama hanggang sa clean-up mamaya. Bilisan niyo lang kasi malapit na dumating ‘yong mga bata.
Lalapitan ko sana si Ella para ayain siya maging buddy ko, pero bago pa ‘ko nakahakbang papunta sa kanya, naramdaman kong may humawak sa braso ko. Paglingon ko, nakita ko si Kiefer na nakangiti sa ‘kin.
Kiefer: May buddy ka na?
Alyssa: Si Ella sana.
Kiefer: O, eh katabi na ni Ella si Denden. Malamang sila na ‘yong mag-buddies.
Tumingin ako kay Ella and true enough kasama na nga niya si Denden.
Alyssa: Kung hindi mo kasi ‘ko biglang kinausap, siguro nauna ako kay Ella.

BINABASA MO ANG
All Fired Up (kiefly/alyfer fanfic)
ФанфикShe was his biggest fan in High School. Lahat ng games at practices ni Kiefer pinupuntahan ni Alyssa, even if it meant she’d cut class or miss volleyball training. Her constant presence annoyed him and because Kiefer didn’t know how to handle this t...